2: MaineDei Capili

1.7K 101 2
                                    

Natigilan si Dei ng makita nya sa salas ang kuya niyang si Martin na bagong gising at nagkakape.
"Kuya" tawag ni Dei dito
" O, Dei gising ka na pala" sabi ng kuya niyang nakangiti sa kanya.
"Dito ka natulog kuya?" Gulat na tanong niya sa kuya nya.
"Oo" sagot ng kuya nya
"Bakit?" Tanong uli ni Dei
" Anung bakit?" Balik tanong ni Martin sa kapatid.
"Bakit dito ka natulog? " Ani Dei
"Bakit ayaw mo ba?"sagot ng kuya nya
" Ang kuya talaga... Ang ibig kong sabihin ay bakit dito ka natulog tapos ay hindi naman kasama si ate Berna?" Tanong nya. Ang ate Berna na tinutukoy niya ay ang asawa ng kanyang kuya Martin.
  "Dito na muna ako sa bahay, Dei. Nagkausap na kami ng nanay pagdating ko kagabi at dala ko na rin ang halos lahat ng gamit ko."
Gulat na gulat si Dei sa narinig mula sa kuya nya.
  "Naghiwalay na rin kayo ni ate Berna?"
Marahang tumango si Martin sa kapatid at kitang kita ni Dei ang lungkot sa mga mata nito.
   "Pero bakit kuya?"
  " Hindi na kami magksundo eh. Nagiging masyado nang imposibleng pakisamahan sya. Lagi siyang nagseselos, laging nagbubunganga laging naghihinala na wala namang batayan. Walang oras na hindi kami ng aaway kapag nasa bahay ako at maski nga sa office eh, tatawag lng siya para awayin ako." Mahabang kwento ni Martin kay Dei.
  Napabuntung hininga nlng si Dei sa mga narinig nya.
   
   Noong isang buwan lang ay ang sumunod sa kanyang kuya ang umuwi sa kanila kasama ang dalawang anak nito, ang ate Joan nya. Kasama ang mga anak na sina Hannah at Raymond, ages six and four. Nakipaghiwalay ang ate nya sa bayaw na si Dino.
   Dahil umanoy sinaktan nito ang kapatid nya.
   Hindi siya nagagalit sa ginawa ng ate nya.
  Tama lang na nakipaghiwalay at iniwan niya ang bayaw at dinala ang mga anak.
   Hindi dapat pakisamahn ang isng lalking barumbado na pinagbubuhqtan ng kamay ang babaeng walang kalaban laban.
   Bagama't isang sampal lang ang tinamo ng ate nya, mas maige na ring habang maaga pa iniwan na nito ang asawa. Dahil kapag pinalampas niya ito ay baka maulit ng maulit at maaring mas malala pa ang gawin sa kanya ng asawa nito.maaring ang isang sampal ang madagdagan ng sipa, suntok, at sabunot.
  Nagagalit siya sa bayaw na si Dino. Noon ay mahal na mahal kunwari nito ang ate Joan niya.
    Yun pala ay sasaktan lang nang maging asawa na at magkaroon ng anak.
  Nagagalit din siya sa hipag na si Berna. Alam niyang sinasmantala nito ang kuya Martin niya.
  Maliliit pa lang sila ay kilala na ni Dei ang kuya niya. Sobrang bait nitong tao. hindi siya mrunong manakit. Kapag nagagalit siya ay nagkukulong na lng siya sa kwarto or aalis na lang siya ng bahy. Pagbalik nito ay parng walang anumang nangyari.
  Napuno na lang siguro siya sa pagka nagger ng hipag kaya nagdesisyon na iwan na ang asawa.
   Pumasok si Dei sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang umiinom ng kape ay lumabas na sa kwarto ang mga pamangkinniyang sina Hannah at Raymond.
  "Good morning, tita Dei." Sabay na bati nila kay Dei
   " Good morning" sagot niya
Nagunahan nang umupo sa dining table ang mga bata. Habang naghahain ng almusal ang kanyang ate Joan para sa mga anak. Bread toast, hotdogs at fried eggs ang almusal nila.
  "Kain na Dei ," sabi ng ate nya
  "Sige ate mamaya nlng ako" sagot ni Dei sa ate niya.
Habang pinapanood niyang kumakain ang mag iina may awang humaplos sa puso ni Dei. Iniisip niya ang magiging kalagayan ng mga pamangkin na walang amang gagabay sa kanila. At kakayanin kaya ng ate niya na mapalaki ang mga anak ng nag iisa at kakayanin niya bang pag aralin ang mga ito hanggang college?
  Minsan gusto niyang sisihin ang ate Joan niya sa mga nangyari sa kanya.
  Tatlo silang magkakapatid ang kuya Martin niya ang panganay sumunod ang ate Joan at si Dei ang bunso nila.
  Kakagraduate lng ng ate joan niya ng makilala si Dino. Sa banko ngtatrabaho si Dino kung saan ay nag aapply bilang teller ang ate niya.
   Hindi p man natatanggap sa trabaho ang ate niya ay nagsimula na agad manligaw si Dino sa kanya.
  Pagkaraan ng mahigit dalawang linggo ay naging mag on na ang dalawa. Nang matanggap sa banko ang ate Joan niya ay mas madalas na silang magkasama ng nobyo.
  And after five months ay nagdesisyon na silang magpakasal. Although hindi ako pabor sa desisyon nila wala akong magawa dahil sixteen years old pa lang ako noon at hindi nila kailangan ang opinion ko at di nil sinasali sa usapan ng matatanda.
   Then nalaman niya na two months pregnant na pala ang ate Joan niya kaya sila nagmamadaling magpakasal.
  D siya makapaniwalang nagawa ng ate Joan niya na magtiwala sa lalaking hindi niya pa lubusang nakikilala.
   Pero walang nagawa si Dei that time.
After one month natuloy ang kasal ng ate Joan niya at ng fiancee nitong si Dino, at the age of twenty one.
   At the age of twenty two ipinanganak ni ate Joan ang panganay na anak na si Hannah.
Natigil na sa pagtatrbaho ang ate Joan niya. And after two more years dumating naman si Raymond. And at the age of twenty eight isa na siyang separada.

   Ang kuya Martin naman ni Dei ay two yeras ago lng kinasal at the age of twenty eight.
  Ang kaso mo ay isang twenty two years old ang kanyang pinakasalan si Berna.
  Bukod sa may pagka childish ay sobra pang insecure ang hipag niyang iyon. Ang gusto pa nga yata eh anderin ang asawa niya.
  Kung hindi siya boto sa bayaw niyang si Dino para sa ate Joan niya ay hindi rin boto si Dei sa hipag niyang si Berna para sa kuya Martin niya.
  Gayunpaman ay hindi naman niya pinakitaan ng masama ang hipag at bayaw niya.
Naging mabait siya sa mga ito at nataggap niya nang miyembro na rin ito ng kanilang pamilya.
Pero may hinala na siyang hindi magtatagal ang pagsasama ng dalawa niyqng kapatid sa kanya kanyang asawa. Kaya noon pa man ipinangako na nya sa sarili na magiging wise siya sa pagpili ng lalaking pakakasalan balang araw.

  Kaya bago niya sinagot ang nobyong si Patrick noon ay kinilala niyang itong mabuti.
  Mabait ang lalaki at religious ang family ni Patrick.
Patrick is responsible and hard working kahit ng iisa itong anak hindi siya spoiled brat. Maayos ang pagpapalaki ng magulang niya sa kanyan kahit  may sinasabi ang pamilya nila sa buong Bulacan.
Eighteen years old pa lang si Dei ng maging boyfriend niya si Patrick. Isang taon itong nanligaw sa kanya bago niya ito sinagot. Ngayon for almost five years of being boyfriend girlfriend ay saka pa lng sila magpapakasal.
    Pero sigurado siyang ito na ang lalking pakakasalan niya. Na hindi siya lolokohin at hindi siya pagbubuhatan ng kamay kapag kasal na sila or kahit magkaroon pa sila ng maraming anak at mging losyang na siya. May matibay na kasing pundasyon ang kanilang relasyon dahil sa tagal ng kanilang engagement.
  Isa pa, sigurado siyang mahal nga nila ang isa't isa at ang gagawing pagpapakasal ay hindi isang malaking pagkakamali.
Iyon ang pangarap niya. Ang magkaroon ng pagsasama na tulad ng kanyang tatay at nanay.
Para sa nanay niya nag iisa lng ang lalaking mahal nito at pwedeng pakasalan walang iba kundi ang tatay niya. Nagkahiwalay lamang sila nang mamatay ang tatay niya.
  Isang ideal love and ideal marriage ang pangarap ni Dei.
Isang pagsasamang hindi panandalian lamang.
But FOR KEEPS.


  " Hello?" Sagot ni Dei sa tawag sa kanyang phone habang nas office ito.
  " Hi, hon!" Masiglang sagot ng nasa kabilang line.
"O, napatawag ka?" Tanong nito sa nobyo
" Para ipaalala sayo na susunduin kit mamaya for the couturier na kilaka ni mama." Ani Patrick
  Hindi ko nakakalimutan yun, Patrick." Sabi niyang nakangiti kahit hindi naman siya nakikita ng nobyo ng mga oras na iyon.
  "Good, o pano?mamaya na lng?"
  "Okay"
" I love you"  Patrick
"I love you too" sabi niya bago ibaba ang phone.
  Next month ay birthday na niya. Twenty three na siya. And three months from now ay nakatakda na ang kasal nila ni Patrick. Tentative pa ang date pwedeng earlier or mas later pa pero mga ilang araw lng siguro.
  By the time na haharap na sila sa altar ni Patrick ay siya na siguro ang pinakamaligayang babae sa ibabaw ng lupa.

To be continued.....


Pasensiya na po medyo mahaba ang ating introduction sa bidang babae medyo mas madaming drama sa buhay ang pamilya ni Dei. Please bear with me po 😊 thank you for reading ❤

For KeepsWhere stories live. Discover now