Prologue

198 18 16
                                    

Ito ang araw na pinaghahandaan ko, ang makita si Keanun at i-celebrate ang aming 5th Anniversary.

Anong oras na't wala parin akong natatanggap na text mula sakanya siguro pinaghahandaan niya rin ang araw na 'to.

"Asan ka? Nakapag-ayos na ako."  Tinext ko na siya para naman alam niya.

"Ze, andito na ako. Halika na, bilisan mo." Agad akong lumabas ng kwarto ko, at dali daling nagpahatid sa lugar kong saan kami madalas na magkita.

"Malapit na ako" text ko sakanya at nung makarating na ako eh dali dali akong bumaba, pero walang bumungad sa akin na kahit ano.

Tahimik lang, at parang normal na araw lang. Kinabahan ako. Asan siya?

"Keanun, asan ka?" Text ko ulit sakanya. Matagal bago siya mag reply.

"Pumasok ka. Andito ako sa loob." Ang sabi niya sa message niya. Dali dali akong pumasok sa cafe na ito, at pagpasok ko nakita ko siya sa sulok mag-isang naka upo.

Napangiti ako nung makita ko siya kaya agad ko siyang nilapitan.

"Babe" tawag ko sakanya kaya agad siyang lumingon sa akin. Pero iyong ngiti niya, hindi totoong ngiti. Ano ang problema?

"Babe, upo ka." Sabi niya "Babe, happy 5th anniversary. Masayang masaya ako kasi nakilala kita. Babe, mahal na mahal kita." Sabi niya habang nakahawak sa mga kamay ko't nakatitig sa mga mata ko na parang naluluha.

"Babe, bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanya "Babe, I'm sorry." Giit niya.

"B-bakit?" Nauutal na ako, hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako. "Babe, kailangan nating maghiwalay." Napabitaw ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"B-bakit?" Tanong ko habang tumutulo ang mga luha sa akin mata na agad niya namang pinunasan. "Shh, don't cry. Ayokong makitang umiiyak ka." Sabi niya

"Pero b-bakit?! Keanun, bakit tayo maghihiwala? Diba mahal mo ako? Keanun, 'wag naman. Please. Ayoko." Wala na akong pake kung marinig man kami ng iba, pero hindi pwede 'to. Kailangan kong malaman ang rason niya.

"Zerielle, n-nabuntis ko si Aera. I'm sorry, I'm really sorry." Nabigla ako sa aking narinig, at ni-isang salita ay walang nasabi.

"N-nabuntis? Keanun?" Mahinahon kong sabi at tinignan siya at dahan-dahang tumango.

Sinampal ko siya. Hindi ko akalain, na may ibang babae pa palang nagpaligaya sakanya noong mga oras na kami pa.

"K-keanun, bakit?!" Napasigaw na ako. "H-hindi ko alam. Alam kong mali, p-pero.." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil agad akong nagsalita.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam Keanun? Alam mong mali pero ginawa mo parin!" Umiiyak na ako sa harapan niya agad siyang tumayo para yakapin ako pero tinulak ko siya palayo.

"Lumayo ka sakin! Wala kang karapatang lumapit pa sa akin! Ang kapal ng mukha mo!"

"Zerielle, I'm sorry. Mahal na mahal kita." Sabi niya at pilit na hinahawakan ang mga kamay ko.

"No Keanun, you don't love me. Kasi kung talagang mahal mo 'ko, sa una palang inisip mo na kung ano ang pwedeng mangyare kapag ginawa mo 'yon. At sana sa una palang hindi mo na 'ko sinaktan. Hindi ko akalaing magagawa mo 'yon sa akin. Goodbye, happy 5th anniversary."

Ang sabi ko't umalis sa lugar na 'yon. At pilit na lumayo sa realidad..

--

Omg, ang lame ba? Sorry na. Suggest pa kayo anoba! HAHAHA mga names par anoba. Sorry, ampanget. Trying hard ih. :<

VOTE & COMMENT PLS. 🌻

My Dummy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon