Something might be wrong..

“Alam ni Lance na andito ka?” tanung nya.

Umiling-iling ako.

“Galing ako sa bahay nya, Pero umalis ako bago pa sya magising.”

Tinitigan nya ako. “Bakit may mga sugat ka at pasa?”

Umiling-iling ako. “Long story. Na-aksidente kasi ako. Kaya nga, nauntog ako.” Binalingan ko sya nang tingin. Humulukipkip ako pagkatapos ay humugot nang lakas nang loob bago magsalita.

“Brian..”

I paused..

“Pwede bang, dalhin mo ako kay Ate ngaun? P-please?” Utas ko.

Nanlaki ang mata nya pagkatapos ay napatigil sa paginum nang kape. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

“Anu?”

Yumuko ako. “Nabuhay ako sa galit. Kaya siguro kahit kaylan hindi ko talaga naramdaman ang maging masaya nang tuluyan.” Tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ko.

“Naging bulag lang ako dahil sag alit at inggit na naramdaman ko sa kanya noon. Naiinggit ako sa kanya kaya gusto ko syang mawala. Pero ngaun, Alam ko na.. narealized ko na ang lahat nang ginawa ko. Ang sama-sama ko.” Humikbi ako nang humikbi.

Nakatingin lang si Brian sa akin.

Minahal nya si Ate noon at pilit ko silang sinisira kaya naiintindihan ko kung makaramdam din sya nang galit sa akin. Pakiramdam ko, Ang dami-dami kong ginawang kasalanan sa kanila.

Nung gabing muntik na akong mapahamak, Doon ko lang napagisipan ang lahat. I just realized something.  The pain in my heart just conquered me. I don’t know anymore, ive been bad to everyone.. kaya siguro walang akong naging kaibigan, I hurt other people. Lalo na si Brian and Chris.

Kaya nga, I already decided. Gusto kong itama lahat nang ginawa kong mali. At gusto kong simulang sa paghingi nang tawad. Unang-una sa kanya.. Kay Ate.

“Ok. Naiintindihan ko.” Aniya.

Tumungo-tungo ako sa kanya.

 Pumasok kami sa kotse nya pagkatapos.  Thirty minutes lang ang biaje ika nya. Habang nasa kotse ay walang umiimik sa aming dalawa, Nagdri-drive lang sya habang nakadungaw ako sa bintana. Sinulyapan ko ang cellphone ko, Pero huli na nang marealized ko na nagpalit nga pala ako ng numero nang sa ganun ay hindi ako makontak ni Lance.

Binalingan ko nang tingin si Brian. Umilaw ang cellphone nya at nakita kong ang natutulog na si Chris ang naka-Wallpaper doon. Ngumiti ako. Realizing that my feelings just fade away.

Oh, baka naman matagal na talaga ang kaso, Nasa mind set ko lang na mahal ko sya at kaylangan kong gantihan si ate.

I was fooled.

I was fooled by my own hatred.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now