Sa sinabing ito ni yusuke, agad napatingin si Umeko sa forearm niya at nakita nga niya ang markang sinasabi ng Yokai “iniipon ang mga yan para madagdagan ang skills mo. So Hindi ko pa alam kung ano ang nadagdag sayo pero may isa ka na” at nagthumbs up si Yusuke

“waaaaaaaah, pano ko to matatago????” nakakunot na noon a sabi ni umeko na nira-rub yung braso niya habang tinititigan yung marka

“Okay lang yan, ang mga nakakakita sa yokai at mga kasali lang ang makakakita niyan.”  At ngumiti ang yokai

-----

Kinabukasan nagising si Umeko ng mga alas tres ng madaling araw, naligo at nagayos ng gamit niya habang nagsasapatos. nagising si Yusuke na nasa may bintana , nagkusot ito ng mga mata at dahil halatang bagong gising ay antok na antok siyang nakatitig sa babae at parang hindi niya alam ang nangyayari.

Agad kinuha ni Umeko ang bag niya at nagmadali bumaba, medyo narattle si Yusuke kaya agad siyang humabol pababa “oyy! San ka pupunta?!”

“School Trip ko diba” at madaliang kumuha si Umeko ng tinapay at gatas mula sa refrigerator , sinalin sa baso at mabilisan siyang nagalmusal

“ay oo nga pala!” pagkakaalala ni Yusuke “bakit di mo man lang ako ginising??”

“huh? Sasama ka ba?”  nagtatakang tanong ni Umeko

“parang hindi tayo nag-usap kahapon ehhh” at nagcross arms ang yokai “Diba sabi ko sayo kailangan mong maging handa, dahil hindi mo alam kung sino ang mga makakasalubong mo”

-_- “ah…. Oo nga pala. Sige na tara na” aya ni umeko

After a few minutes, nakarating si Umeko at Yusuke sa Tapat ng School

“Sa loo bang assembly place, pipila muna kami bago sumakay ng bus” pumasok and dalaga sa gate

Sinubukan sumunod ni Yusuke kaso parang may isang invisible na pader and pumigil sa kanya “huh?”

Napalingon si Uneko nang narealized niya nw hindi sumunod papasok si Yusuke “bakit? Ano problema, bakit di ka pa pumapasok?” nagtatakang tanong ni Umeko habang nakatingin ito sa kaibigang yokai na parang nakalapat ang kamay sa mga pader

“di ako makapasok eh, may barrier , bawal ata pumasok ang mga nilalang na katulad namin sa eskwelahan niyo”

“Hindi ba nakapasok ka na dati? Ikaw yung nararamdaman kong nakatingin sakin sa may puno sa may classroom”

“ah ako nga yun, pero mula sa gate ako nagmamasid sayo” napacross arms si Yusuke at napahawak ang isang kamay sa may baba na mukhang nagiisip “ sige na pumasok ka na, nasa labas naman ang mga bus kaya hintayin na lang kita”

Tumango  at Pumasok na nang tuluyan si Umeko at pumunta sa assembly area
After ilang minutes ulit exactly 4:00am nakasandal si Yusuke sa pader kung saan nakakabit ang gate ng school, nakacross arms at nakapikit.

Narinig niyang bumukas ang gate kaya napatingin ito doon at nakitang lumalabas na ang mga estudyante

Pumasok ang huling section sa bus 3 at sa dulo nito ay si Umeko, sumunod si Yusuke at umupo sila sa dulong upuan ng bus na pang dalawahan.

Walang katabi si Umeko dahil 35 lang sila sa klase kaya nakatabi si Yusuke sa kanya.
Nagsimula nang umandar ang bus. Iba't iba ang ginagawa ng mga estudyante, may mga kumakain, may mga nagdadaldalan at ang iba naman ay katulad ni Umeko, tulog at nakasuot ang earphones at nakikinig sa music sa cellphone niya.

Ilang oras din ang lumipas at ilang mga tanawin na din ang nadaanan. Nagsimula nang gumising si Umeko at minulat ang mga mata niya

"gising na."  at inalog ni Yusuke ang balikat niya na kung saan sumandal at nakatulog ang dalaga.

Napaayos nang upo si Umeko at tumingin sa kaliwa at sa kanan at mukhang inaaalam niya kung nasaan na sila

"okay class! Start fixing your things, we're already at the entrance" yan ang announcement ng Class adviser nila na si Yokohama-sensei isang matipunong lalaki na nakaclean cut at may pinong brown na buhok.

At nagayos ang mga estudyante habang nagpapark ang bus na sinasakyan nila.

Pagkatapos noon ay nagsinula nang bumaba ang mga estudyante at pumila sa gilid ng bus.

Nang pagbaba ni Umeko , parang uneasy siya at lumingon lingon sa paligid

Hindi niya maipaliwanag ang mabigat na nararamdaman sa paligid

Naramdaman niyang may humawak sa balikat niya at agad naman siyang napalingon

"ume-chan? May problema ba?" tanong ni Chika

"ah w-wala naman, Chika, wala ka bang nararamdamang kakaiba sa lugar?"

"huh? Wala naman, baka guniguni mo lang yun. Tara na , baka maiwan na tayo" At sumunod na si Chika sa mga kaklase niya

Nagsimula na din maglakad si Umeko kasabay si Yusuke papasok ng Venue

YokaiWhere stories live. Discover now