"Nami" May tigas sa tono ang boses ni Jace ng tawagin nya sa pangalan yung kapatid nya

"What? Nagpapaalala lang ako para wala tayong problema dito" Sagot nito sa kuya nya.

"Wala na kami ok?" Mahinahong sabi ni Jace sa kapatid nya

"Mahal ka pa ni Ate Yesha kuya" Sagot nito, kaya tumayo na ko at nagpaalam muna.

"Kuha lang ako ng tubig" Sabi ko sa kanila, ayoko naman kasing makinig sa usapan nila. Masyado atang private yun pero dahil sa nagmamatigas yung kapatid nya binulgar nya pa.

Kumuha aki ng tubig sa ref at muntik ko nang mabitawan yung baso ng lumitaw sa harap ko si Grae.

"Sorry" Sabi nya ng mapansin yung reaksyon ko.

"Ayos lang, bakit ka pala nandito?"

"Iinom lang din ng tubig" Nakangiti nyang sabi saken atsaka kumuha ng tubig sa ref.

"Pasensya ka na sa ugali ni Nami, ganun lang talaga yon sa una pero sweet naman yon" Napangiti naman ako sa sinabi nya

"Ayos lang, naiintindihan ko naman sya. Hindi lang siguro sya sanay na may kasama kayo ditong babae" Sabi ko at tumango tangi naman sya.

"Gusto mong lumabas muna?" Aya nito saken at tumango lang ako. Nagpaalam din muna kami sa iba bago lumabas

"So, nalaman kong magaling ka daw sumayaw" Banggit nito saken kaya napatingin ako agad sa kanya. San nya nalaman yon?

"Don't get me wrong, nagsend ng video yung lolo mo samin and i was so amazed sa pinakita mong sayaw don" Napayuko naman ako ng sabihin nya yon, mukhang binulgar na ata ni Lolo sa kanilang lahat yung pwedeng malaman nila saken.

"Nakakahiya talaga yung lolo ko minsan" May inis sa tono ko nung sinabi ko yon, minsan naiisip ko kung apo nya ba talaga ako? Nilalaglag nya kasi ako minsan.

"Hahaha atleast may rason kami para pilitin kang sumali sa gaganaping dance contest" Sabi nito saken at huminto kami sa isang playground dito. Naupo kami sa magkabilaang swing.

"Ayoko sumali" Sagot ko dito

"Bakit naman?"

"Tinatamad ako" Sabi ko at nabigla ako ng tumawa ito bigla

"Seriously? C'mon, magiging masaya yon kasi may makakasabayan na kaming isang babae sa pagsayaw" Napabuntong hininga nalang ako bago ako tumango sa sinabi nya

"Susubukan kong sumayaw ulit" Sabi ko at nakita ko pa syang ngumiti. Bakit ang gwapo nya kapag ngumingiti?

Wait what? Did i just compliment him? Argh! I hate myself.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong nito at napaisip ako bigla.

"Chicharon?"

"Ha? Chicharon? Are you sure?" Tumango tango naman ako

"Tara na nga, maghanap tayo kung saan may tinda ng chicharon" Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad ulit.
________

Jace POV

"Nasaan na kaya sila?" Tanong ni Blaze habang nandito kami sa sala at inaantay na makabalik yung dalawa.

"Baka nag date sila ni Kuya Grae" Napatingin naman kami kay Nami ng magsalita ito.

"Date? Imposible" Sabi ni Ethan dito

"Why not? Gwapo si kuya Grae Maganda naman si Ate Reese" napaubo naman ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Matulog ka na nga sa kwarto. Kung ano anong pinagsasabi mo jan" Tinulak tulak ko naman ito

"Aray! Bakit ba?! Totoo naman. Siguro nagseselos kayo no?" Banggit nito at isa isa nya kaming tinignan.

"Nagseselos? Sino?" Napatingin kami sa may pintuan ng may magsalita at nakita sina Reese at Grae na may hawak na... Chicharon?

"Wala! Bakit ang tagal nyo?" Sigaw ni Alex sa kanila at balak pa atang sumabat yung kapatid ko kaya tinakpan ko na yung bunganga nya.

"Matutulog na kami. Mauna na kami sa inyo" Paalam ko sa kanila habang pinapalo palo ni Nami yung kamay ko na nakaharang sa bibig nya.

Pumasok na kami sa kwarto ko at doon lang sya nakahinga ng maayos Hahahahaha.

"Papatayin mo ba ko kuya?!" Reklamo nito habang naghahabol ng hininga nya.

"Ang daldal mo kasi" Sabi ko dito at nahiga sa kama

"So totoo nga na nagseselos kayo?" Sabi nito, kumunot naman yung noo ko at pinagtaasan sya ng kilay.

"Hindi. Bakit naman kami magseselos, hindi naman maganda yon" Sabi ko dito

"Hindi ba talaga?" May pang aasar sa tono ng boses nya. Parang kanina lang bukambibig nya si Yesha tapos ngayon si Reese. Nasa kalawakan siguro utak nito

"Matulog na tayo. May pasok pa kami bukas" Tumabi sya saken atsaka ako niyakap.

"Goodnighg Kuya" Malambing na sabi saken ng kapatid ko. May topak nga ang isang 'to

"Goodnight"

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon