Napansin ko Napalingon siya sa kaliwa na parang matinititigan ng masama, naalarma ako kaya agad ko siyang hinablot at tumalon palayo at sakto dahil bigla na lang nabiyak ang lupa na kinakatayuan namin. "Ayos ka lang?"
"ah? Oo. Nandun siya" tinuro niya ang isang puno. Kaya pala siya doon nakatingin, matalas ang pakiramdam niya
UMEKO'S POV
May narinig kaming natawang lalaki at biglang nagappear na lalaki sa harap ko, Naka traditional edo clothes din siya na may mask na katulad nung sa Yokai ko pero mukha itong catfish
"Wow, mukhang nahanap ka na siya agad Shino hahah" sabi nung Yokai, at lumabas ang isang lalaki na may dark brown na buhok mula sa likod ng puno "mukhang malakas ang pakiramdam niya" palokong sabi nito
"hays, ano ba naman yan akala ko pa naman madali lang to dahil babae ang kalaban" sabay kamot ng ulo
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, Bwisit na lalaki to ah, porket babae madaling talunin "Oy, maghanda ka na, nagsimula na ang kompetisyon at ito ang unang laban mo" narinig kong bulong nitong Yokai ko
Bigla akong natauhan ng biglang nagka-crack nanaman yung lupa at tumakbo ako pero nagulat ako ng sinundan ako ako nung crack, what on earth is this?!!
"eto nga pala ang kapangyarihang ipinahiram saakin, ang kapanyarihan na pwede akong gumawa ng mga lindol , kung ako sayo magisip ka na kung paano mo ko lalaban babae" pangaasar na sabi nung lalaki
Medyo nacurious ako "Kapangyarihan?"
"Wag mong sabihin na hindi ka pa nabibigyan ng Yokai mo ng kapangyarihan? Hahahaha nakakatawa ka, mga babae nga naman talaga, mahihina at mga walang alam! hahaha" pangaasar niya ulit sakin, at habang tumatagal lalo akong naannoy sa boses nito "kung ako sayo sum-" naputol na sabi niya dahil nagulat siya dahil nasaharap na niya ako na 2 inches lang ang difference at may dagger na nakadikit sa leeg niya. At mukhang natakot siya
"huh?" tinignan ko siya ng masama at tinaasan ng kilay "May sinasabi ka ba?" sabi ko din na may nakakalokong tono "Oy Yokai!"
"Huh ako ba?" point niya sa sarili niya
"oo, ikaw yung Yokai ko diba?" naiinis na sabi ko habang tinatakot ko pa tong Shino na to
"Yusuke kasi pangalan ko" medyo annoyed na sabi niya
"Wala ka pang sinasabing kapangyarihan na ibibigay , pano ko tatalunin tong bwisit na to?"
Nakacross arms siya "Kasabay ko binigay yun kasama ng weapon mo. Tignan mo ung symbol sa ilalalim ng dagger para malaman mo at gamitin mo" mukhang annoyed din siya
Magtingin ko sa ilalim ng dagger ko napangisi ako, at biglang may dalawang apoy ang lumabas sa gilid ng ulo nung lalaki ito ay kanyang ikinaalarma kaya ang ginawa niya ay pinacrack niya ulit yung kinakatayuan ko kaya ako ay agad na lumayo, hinahabol ako ng nagcocollapse ng lupat paikot ng park.
"Oy tulungan mo kaya ako!" sabi ko dun sa Yokai ko
"Yusuke ang pangalan koooo!" pangaasar niya sakin "at hindi pwede, gabay lang ang pwede kong ibigay sa iyo sa round na ito"
So I rolled my eyes, patuloy ang paghabol sakin ng mga nagcocollapse at lupa , nagulat ako ng biglang nagcollapse ang lupa paangat na parang sumabog at tumalsik ako patalikod pero napigilan ko ang patumba nakita kong naglabas siya ng Katana at tumatakbo papunta sakin pero napigilan ko siya gamit ang double daggers ko.
Nagclose combat kaming dalawa, nagpalitan ng mga atake at ng mga salag sa sobrang bilis ng mga pangyayari pareho kaming nagagalusan sa pinagagawa naming. Uggggh, napapagod na ko ah!!
Pareho naming napigilan ang atake ng isat' isa at nagiistruggle dahil parehong ayaw naming ibreak ang pagkakaclash ng mga sandata namin "Oy babae, bakit bang ayaw mo pang sumuko?? Mga pangmalalakas lang ang kompetisyon na ito kaya umuwi ka na at maglinis ng bahay at ipaubaya na aming mga lalaki ang mga katulad nito"
Nakakabwisit talaga tong lalaki na to ah "wala ka ng pake dun!" Kaya sinipa ko siya ng malakas sa tyan at sinimulang tumakbo
Hinabol niya ako ulit paikot ng park bawat puno na nadadaanan ko ay hinahawakan ko at nagsisimulang lumiyab matuloy siya sa paghabol saakin nang makabalik kami sa pinagmulan namin at tumalikod ako at humarap sa kanya
"O? Ano na? Pagod ka na?" Mayabang niyang tanong saakin at bigla niya ulit akong inatake ng powers niya at pinacollapse ulit ang lupa
Natawa ako dahil nakatayo siya sa may tapat ng isang puno na lumiliyab "haha, hindi"
"B-" naputol na sabi niya dahil natumbahan siya ng puno na lumiliyab
Pagkalipas ng 1 minuto nagulat ako dahil biglang naglaho ang lahat ng damage na nagawa namin sa park at parang walang nangyari. Naglaho ang puno na nakadagan sa kalaban ko at nakita ko siyang walang malay pero ang nakakagulat dito nawala lahat ng galos niya.
Biglang may isang blue orb ang lumabas mula sa dibdib niya at bigla itong nabasag.
"Kurama Shino. Eliminated" yun lang ang narinig ko sa at naglakad siya palayo at nagkamot ng ulo "ang aga ko naman natanggal" at biglang naglaho
YOU ARE READING
Yokai
AdventureKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
Chapter 3
Start from the beginning
