"Ito lang ang mga araw na nagbubukas ang portal ng mundo naming mga Yokai sa mundo niyo. Dahil kapag nakakapasok na kayo sa mundo namin, sa Agosto na kayo makakabalik kasabay ng mga kaluluwa ng mga katulad niyo." May kinuha siyang malamig na karton mula sa 'cooler' na tinatawag nila " Simula ngayon magkapartner na tayo. Dahil yun sa kasunduan natin, papahiramin kita ng sandata at ng kapangyarihan at pagagalingin mo ang sarili mo gamit ang mga ito para makatulong sa pakikipaglaban sa iba. "

Naglakad na kami ulit habang tinutulak niya yung cart "Para saan ba yang Ningen-Yokai Competition na yan? Taon taon ko na lang napapansin na pag autumn na, nangbubulabog na kayo ng mga tao "

"Free taste po ma'am" nagulat ako nang napahinto siya at inaalok siya ng pagkain nung babae babaeng naka uniporme na luntian at may sombrero siya "Yan po ang newest product po naming Pizza-dog, hotdog on the outside but cheezy-bacony goodness on the inside

Nakita kong kumuha siya ng dalawa "ate pwedeng dalawa? May kasama kasi ako eh"

Tumango ang babae "sige po okay lang po. Basta pag nasarapan po kayo meron po tayong promo" masigla nitong sabi at nagbow

Nagbow din siya ng bahagya, at naglakad ulit kami sa isang pasilyo na walang tao "o. para sayo" huminto kami dahil inaabot niya yung kinuha niyang pagkain "ayaw mob a?"

Natawa ako ng kaunti "Di kami kumakain ng mga pagkain ng tao, dahil wala namang epekto ito sa amin"

"pero kumakain kayo ng tao." Seryosong sabi niya , at lumingon sa isang istante na nagkukunwaring may tinitignan

Kinuha ko yung inaabot niya sakin "akin na nga yan" at sinubo ko yun , waaaaaaaah ang sarap pala ng mga pagkain nila "May problema ka bas a mga katulad naming?"

"wala naman." Tipid niyang sagot at itinulak na niya ulit yung cart

Tinitigan ko lang siya. Hmmm? Parang may problema siya sa mga katulad namin ah. Napahabol ako sa kanya bigla nang nakita ko na medyo nakakalayo na siya.

Pagkalipas nang mga isang oras nagbayad na siya at lumabas na kami buhat niya yung mga pinamili niya. Nakasimangot padin siya mukhang tamad na tamad sa buhay ano kaya problema ng babaeng to?

Naglakadlakad kami at laking gulat ko ng di kami dumiretso pauwi, nandito kami sa parke at umupo sa swing at dinuyan niya ang sarili "Paborito mo dito no?" sabi ko sa yang nang nakangiti "Mukha kasing masaya ka pagnandito ka eh"

"Huh? Di naman" pagdedeny niya haha, "May tanong pala ako, narinig ko dun sa dalawang pusa nagiinuman sa tapat ng bintana ko-"

"dalawang pusang nagiinuman? Yung is aba sa kanila yung may eyepatch sa mata at isang ?" tanong ko

"oo, bakit?"

"si Goneko at Shineko, o ano sabi nila?" hahaha, yung dalawang matandang yun, ang hilig padin magsipag inom at nakakatawa pa sa tapat pa ng bahay ng Ningen ko.

"Kilala mo sila??" nakasimangot na sabi niya mukhang naiinis siya

"Oo, mga kaibigan ko sila simula nung bata pa ako, nakakatawa nga sila eh"

Nakasimangot talaga siya "sila ang dahilan kung bakit ako laging puyat pagnalalasing sila. Going back. Pa-" naputol na sabi niya nang nakaramdam kami ng pagyanig "What the ??"

Paglingon namin nabibiyak ang lupa ng park papunta sa direksyon naming kaya agad ko siyang hinablot sa may bewang at tumalon ako palayo at yung kinakatayuan naming ay biglang nabutas at nahulog sa loob nun ang swing na kanina lang ay kinakaupuan niya.

"Earthquake?!" tanong niya

"Hindi normal na pagyanig ito ng lupa. Gawa ito ng isang ability na binigay sa isang Ningen" nakatingin ako sa biyak na lupa kung saan kami nakatayo kanina

YokaiWhere stories live. Discover now