Chapter 19 - His Parents

8 2 0
                                    




Kim's POV

Umaga nanaman at susunduin ako ni Zynier dito sa bahay namin, tapos na namin ang presentation ko at projects nalang ang kaylangan naming tapusin

Habang hinihintay kong dumating si Zynier, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari last night bago ako ihatid pauwi ni Zynier...

*** F L A S H B A C K ***

"How old are you?" tanong ng Dad ni Zynier habang nagliligpit ako ng mga gamit na ginamit namin kanina, nakaupong parehas ang parents ni Zynier sa sofa habang nanonood ng TV, si Zynier naman ay nagliligpit ng pinagkainan sa kusina

"!8 years old po, one year po ang age gap namin ni Zynier" naiilang akong tawagin na "Zynzyn' si Zynier sa harap nila

"Wag mo nang pakialaman ang mga yan, ako na jan, baka may mawala pa" masungit na sabi ng mom niya tska hinablot ang hawak kong libro

"Balita ko ay scholar ka sa school na pinapasukan ng anak ko, mahirap ka lang, and my son said that you only live with your sister, where's your parents?" masungit na tanong ng mom niya

"uhm.. wala na po kasi kaming parents ni ate eh..." nakayuko kong sabi

"Oh, is that so? Kaya naman pala, hindi na ko magtataka kung iba ang ugali mo, at sa pananamit mong cheap, ija, ano bang pinakain mo sa anak ko at nagkagusto siya sayo? Sa pagkakaalam namin ay hindi katulad mo ang mga tipo niya, ikaw? Mahirap, hindi kagandahan, nakatira sa isang paupahang bahay, walang mga magulang, I wonder kung pano kayo nakakakain ng kapatid mo na wala naman kayong parents at walang trabaho.." pinigilan kong tumulo ang luha sa mga sinabi ng mom niya, nakayuko lang ko habang sinasabi niya ang mga yun

"What is your name again? Kim? Right?, You're a Med student at may balak kang mag Neurosurgeon, yan ang kwento samin ng anak ko, kung wala ka nang parents at mahirap ka lang, good luck nalang sayo kung makagraduate ka sa pagiging neurosurgeon, mahirap yun at sa tingin ko sayo ay hindi kakayanin ng utak mo ang course na yun" pagkasabi nun ng dad niya ay yun naman ang pagdating ni Zynier sa sala

"Zynier, uwi na ko,.. Mam, Sir, uwi na ho ako" nakayuko na sabi ko, hindi ako makatingin sa parents niya at lalong kay Zynier dahil mahahalata lang nila na naiiyak ako

Kinuha ko na yung bag at laptop ko para lumabas na ng bahay pero habang kinukuha ko ang laptop ay nagsalita ang mom niya, "Hey hey, is that yours?" hindi ko na napigilan ang luha ko dahil dun, instead na kunin yun ay binitawan ko nalang, hindi ko na napigilang sumagot, pinunasan ko ang luha ko at hinarap ang mom niya

"Sa akin ho yan mam, ibinili ako ng anak niyo kanina kahit na sinabi kong wag na, pasensya na ho, hindi ko nalang ho kukunin at iuuwi kahit para saakin naman ho talaga yan, pasensya na ho talaga" pagkatapos nun ay lumabas na ko, pero bago ako makalabas ng bahay ay narinig ko pa ang sinabi ng mom niya

"Aba'y bastos na bata, walang hiyang bata iyon, pinakain ko na nga ganun pang aasta sa akin!"

"Vynvyn! Wait..." pinunasan ko ng maayos ang muka ko bago siya hinarap

"Yes? Zynzyn? May nakalimutan ba ko? Kung wala na uuwi na ko" pilit na ngiting sabi ko

"Oo, may nakalimutan ka, nakalimutan mo itong laptop mo, at nakalimutan mong ihahatid kita pauwi sa inyo, gabi na kaya wag ka nang kumontra" naglakad na siya pabalik sa kotse niya habang hawak ang laptop ko at ang susi ng kotse niya

Sumakay na kaming dalawa at pinaandar na niya, habang nasa gitna ng biyahe ay pareho kaming walang imik, pareho kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay

"Tomorrow , I'll pick you up, same time" ngiitian ko lang siya bago bumaba, pero bago ko pa buksan ang pinto ay hinawakan niya ang wrist ko para pigilan ang pagbaba ko ng kotse, "I'm sorry about mom and dad, narinig ko lahat ng pang lalait nila sayo, sorry about that, kakausapin ko nalang sila" nginitian ko lang ulit siya, bababa na sana ako nang magsalita siya ulit, "Sleep tight Vynvyn, I love you..." tuluyan ko nang isinara ang pinto ng kotse niya at tumakbo papasok ng bahay

11 pm na pala, kaya pala pagkapasok ko ng bahay ay patay na lahat ng ilaw at masarap na ang tulog ni ate Blyte, dumiretso na ako ng banyo at naghilamos, nagpalit ng pantulog tska na natulog

*** E N D O F F L A S H B A C K ***

"Kim, nanjan na sa labas si Zynier, hinihintay ka na niya" sabi ni ate Blyte, tumayo na ako sa kinauupuan ko tska bumeso kay ate Blyte

"Alis na ko ate"

"Sige, ingat"

Sumakay na ko sa kotse ni Zynier, buong byahe nanaman kaming tahimik

Pagdating sa bahay ni Zynier sinimulan na agad namin ang paggawa ng project, buong araw kaming gumawa ng project, nang kumain kami ganun din tahimik lang, hanggang sa namalayan ko nalang na 8pm na pala, kaylangan ko nang umuwi

"Zynzyn, kaylangan ko nang umuwi gabi na---" pinutol niya ang sasabihin ko

"Ok naman tayo, diba?, I mean, hindi ka naman galit sakin diba? Sabihin mong hindi, please" nginitian ko lang siya

Tumayo na ko at inayos ang gamit ko, maglalakad na sana ako palabas ng bahay ng hilahin niya ako palapit sa kaniya tska niyakap, "Kung galit ka sakin, sorry na please, hindi ko kayang ganito na hindi tayo nagpapansinan eh" bulong niya sakin

"Ok naman tayo ah?, wag kang mag inarte ng ganyan, pano naman kasi ako magsasalita kung mismong ikaw na maingay sating dalawa eh hindi nagsasalita, ano ako nun pag nagsalita akong magisa, edi baliw na ako nun diba?" natatawa kong sabi

"Hayyy akala ko naman galit ka kaya hindi mo ako pinapansin" naka pout na sabi niya, "Tara na nga, ihahatid na kita"

_I

Still HimWhere stories live. Discover now