Chapter 7 - Crush

12 3 0
                                    




Kim's POV

Good Morning world!! Aray ang sakit ng ulo ko haha, pero kahit ganun papasok na ko ngayon, nag absent na ko kahapon, hindi naman pwede na magabsent nanaman ako ngayon, bawas grades yun eh, scholar pa naman ako ni Tita Juliet, ang mama ni Nicole

Lumabasna ko para mag almusal nang madatnan ko sina Ate Blyte, at kuya Wayne na kumakain, teka, diba maaga ang pasok ni ate? Bakit nandito pa sila ng bf niya?, ano na bang oras?

"Oh Kim, papasok ka na? Ok ka na ba?" tanong ni kuya Wayne habang kumakain

"Oo kuya, hindi pwedeng umabsent, mababawasan nanaman grades ko nun eh"

"Kain ka na Kiiiiiimmmmm!, wag kang magpapalipas ng gutom, baka ma-hospital ka nanaman eh, pinapaiyak moko!" OA at kunwari pang naluluha na sabi ni ate

"Wag ka ngang OA ate, nakaka-suka" naiinis kong sabi, tinawanan naman siya ni Kuya Wayne

"Teka nga ate, Ano na bang oras? Hindi ka ba papasok?" tanong ko kay Ate habang umuupo sa upuan, malamang nga kase sa upuan ako uupo diba?

"Ok ka lang Kim?, 7am palang eh" natatawang sabi ni Ate

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko, seriously? 7am palang? Ang aga ko naman yatang nagising ngayon?

"Himala nga Kim an gaga mong nagising eh hahahaha"-ate

"Oo nga eh hahaha" natatawa kong sabi

Kumain na kami ng sabay sabay tska nagsi-ligo,.. sabay sabay na kaming umalis ng bahay, sinabay na ako ni kuya Wayne sa Kotse niya

At dahil maaga kaming nagpunta dito sa school, nagpunta nalang muna ako sa library ng school para dun tumambay, wala pa din naman kasi yung isang bruha at yung ungas niyang boyfriend eh haha

Haaayy, 8am palang, 10am pa ang pasok naming, at dahil naiinip ako, nagtingin muna ako ng books sa mga bookshelves dito sa school

"Pssttt crush!"

Asan na kaya yung librong nakita ko dati na inunahan ako nung Panget na Matangkad na mayabang na yun?

"Uyyy cruuussshhhh"

Asan na ba kasi yun???

"Booo!/Ay kabayong shonga!"

"Shhhh!" sigaw ng librarian

"Ano ka ba!? Kita mong nasa library tayo tapos manggugulat ka!? Tska bakit ka ba bigla nalang nanggugulat jan, eh hindi naman tayo close" masungit at malakas na bulog ko sa bwisit na Zynier na to

"Ay, umagang umaga ang sungit sungit ng crush ko" pa-cute niyang sabi.. teka, ano daw? Crush?

"Hoy, anong crush yung pinagsasasabi mo jan hah?" taas kilay kong tanong

"Ikaw, crush kita Vynvyn, kaya Crush ang tawag ko sayo, bakit masama ba?" aba todo pa-cute pa ang mokong

"May pangalan ako, at Kim yun, kaya tawagin moko sa pangalan ko" masungit na sabi ko tska tumalikod sa kaniya para hanapin ang libro

Pero laking gulat ko nang hilahin niya ako paharap sa kaniya, sobrang lapit niya sakin at wala akong maaatrasan kaya nanlaki ang mata ko, "Eh pano kung hindi kita gustong tawaging Kim? Pano kung mas gusto kong tawagin ka na Savynnah okaya naman ay Vynvyn? May magagawa ka ba?" seryoso niyang tanong sakin habang naka tingin sa mga mata ko

"H-hoy, lumayo-layo ka nga sakin, ang b-baho n-ng pabango mo!" pero to be honest, ang bango niya

"Mabaho ba kamo?" masungit na sabi niya tska lalo pang lumapit

"A-ano ba!?, pag hindi ka lumayo, sisigaw ako dito" pagbabanta ko, pero hindi ko naman talaga kayang sumigaw dahil library to, ako lang ang mappapagalitan

"Edi sumigaw ka" ibinaba niya ang muka niya sa tapat ng muka ko kaya ngayon lalong napalapit ang muka niya sakin, at take note, sobrang lapit, waaaahhhh nakatingin din siya sa mga labi ko, myghad!, hahalikan niya ba ko?? Ay, wag kang assuming bruha..

Nanlaki ang mga mata ko nang lalo pa siyang lumapit, pero mula sa pagkakatitig sa mga labi ko, nilipat niya ang tingin sa likod ko, sabay sabing, "Eto ba yung hinahanap mo?.. wag kang assuming, kahit crush kita, hindi kita hahalikan" natatawa niyang pangaasar

"Nangaasar ka bang g*go ka? Aba kung oo, edi congrats, naasar mo na ko" masungit na sabi ko, kinuha ko yung librong hawak niya na kanina ko pa hinahanap tska ko siya tinarayan at umalis na

Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko siya hinarap, bahala siya dun, mangisay siya kakatawag sakin, ang nakakaasar pa, hindi talaga niya ako tinatawag na 'Kim', kung hindi 'Vynvyn' at 'Dwende', 'Crush' naman ang tawag niya sakin! Aishhh!

Wait, hindi naman ako tumakbo hah?, pagkarating ko sa table kung saan ako palaging pumupwesto, naramdaman ko na parang hinihingal at naninikip yung dibdib ko...

*phone vibration*

From: Nicole Bruha

'Uy bruha, nasan ka? Di ka ba papasok?'

To: Nicole Bruha

'Gaga nandito ako sa library...'

Sent...

Pagkatingin ko sa oras, 9:45 na pala, nagmadali na akong maglakad papunta sa Med building, baka ma-late ako eh


Still HimWhere stories live. Discover now