Chapter 13 - I Saw That Guy (Part 2)

10 2 0
                                    




Kim's POV

"Kim..." agad akong natigilan sa paglalakad ko papuntang gym at napalingon nang marinig ko ang boses ni Zynzyn na tawagin ang pangalan ko

"Kim, alam mo, nakita ko nanaman ang secret admirer mo, palagi ko siyang nakikita" seryoso niyang sabi, nilapitan ko naman siya dahil interesado ako

"Nakita mo siya? Kaylan? Paano? Saan?" sunod sunod na taong ko

"Nakita ko siya kanina sa cafeteria na nakatitig sayo habang kasama mong kumakain ang ate mo at dalawa mong kaybigan, palagi ko siyang nakikitang nakasunod sayo, nakikita ko siya na palagi kang kunukulit, nakita ko kung pano niya iwan ang note at teddy bear sa locker mo, nakita ko rin kung paano niya iniwan ang isang boquet ng flowers sa tapat ng pinto ng bahay niyo, nakikita kong sobra kang nagugustuhan ng taong yon, sa bawat oras na nakikita ka ng lalaking yun, bulibilis ang tibok ng puso niya,.. alam mo, kahit na madalas mo lang na sinusungitan ang lalaking yun, kahit na madalas mong sinasaktan ang feelings niya, sobra ka parin niyang minamahal" nagulat ako at nanlaki ang mata sa mga sinabi niya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko...

"I-ikaw..." ang taning salitang lumabas sa bibig ko

"Oo, ako siya, naalala mo yung chocolates kahapon? Naglakas lang ako ng loob para ibigay sayo ang mga yun, pero tinanggihan mo..." nakita ko yung sakit sa mga mata niya, "Sorry kung nagsinungaling ako sayo na hindi ako ang taong yon, pero ngayon, sinasabi ko na ang lahat ng to dahil hindi ko na kaya, pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang sakit eh" naramdaman kong naiiyak ako nang Makita ko siyang umiyak sa harapan ko

Bakit ba ko naiiyak? Kainis naman to eh! Bigla nalang din kumirot ang puso ko... may gusto na ba talaga ako sa taong to?...

"Zynzyn, I'm sorry.." bigla nalang lumabas ang mga yan sa bibig ko nang hindi ko alam

Pagkasabi ko nang mga yun ay umalis na siya sa harapan ko at naglakad na palayo sakin

Nang mawala na siya sa paningin ko ay bigla nalang nagunahan ang mga luha ko pababa sa mga pisngi ko, ang kirot na nararamdaman ng puso ko kanina ay lalong lumala ngayon, pakiramdam ko ay dinudurog yung puso ko sa sobrang sakit...

Imbes na magpunta ako sa gym para magpractice, umuwi nalang ako

Kumatok ako ng bahay dahil nakalock ang pinto, pagkabukas ng pinto, nakita ko si ate Ava na nagaalala, siguradong dahil nakita niya akong umiiyak

"Kim, anong angyare?" nagaalalang tanong ni ate

"Ate..." yumakap ako sa kaniya tska humagulgol, "Gusto ko na nga siguro siya, hindi, mahal ko na yata siya, ate ang sakit pala, ang sakit magmahal"

Tumakbo nalang ako papasok ng kwarto, nagtanggal ng sapatos tska dumapa sa higaan ko tska humagulgol ng humagulgol

Still HimWhere stories live. Discover now