Chapter 16 - Projects

7 2 0
                                    




Kim's POV

"Hoy Kim!,may problema ka ba? kanina pa kita kinakausap, nakikinig ka ba?" biglang tanong sakin ni ate Blyte habang naglalakad kami pauwi, hindi namin kasama sina Nicole, Andrei, at kuya Wayne dahil busy sa training yung mag jowa, si kuya Wayne naman may emergency daw sa bahay nila, ako naman uunahin ang projects ko

"Kasi naman ate, nakakaloka, ang daming projects tapos may presentation pa ko about neurosurgery, ang mas nakakaloka pa dun, hindi ako makakapaglaro sa sports fest pag hindi ko nakompleto ang projects! Next next week na pa naman ang sports fest, Kaloka!"

"Kaya mo yan haha, hindi kita matutulungan jan sa projects mo dahil mismong ako rin ay meron" natatawang sabi ni ate

Hindi ko nalang siya pinansin.. pagkarating sa bahay ay sinimulan ko nang gawin ang projects ko, 6 projects and one presentation

Sinimulan ko nang gawin ang isa,..

Makaraan ang tatlong oras na paggawa ko ng projects, patapos palang ako sa una nang may biglang pumasok dito sa kwarto ko, si Nicole..

"Uy Kim, hinahanap ka kanina nung lalabs mo, di mo ba sinabihan na di ka magpapractice kanina kasama yung team mo?" tanong sakin ni Nicole habang nakahiga sa kama ni ate Blyte

"Huh? Sinong lalabs ka jan?" maang-maangan kong tanong kahit alam ko namang si Zynier ang tinutukoy niya

"Sino pa ba? Edi yung Zynier mo!"

"Teka nga, bakit k aba nandito? Gabi na ah, baka hinahanap ka na ni tita Juliet niyan?"

"Nah, alam niyang nandito ako, nandun pa siya sa school, sabi ko daanan nalang niya ako dito bago umuwi"

Di ko na siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko,.. maya maya pa ay nakaramdam na ko ng gutom kaya inaya ko nang kumain si ate at Nicole na kumain

Habang kumakain kami, may kumatok naman sa pinto, "Ako na" prisinta ni Nicole

"Hoy Kim, nandito yung lalabs mo" sabi ni Yana habang naglalakad palapit samin, hindi naman talaga ako nakaharap sa kaniya, naririnig ko lang yung footsteps niya kaya alam kong papalapit siya samin

Kaya naman laking gulat ko nang lumingon ako sa likod ko dahil nakasunod sa kaniya si Zynier, hindi ko sila pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pagkain

"Kim, pansinin mo naman yang si Zynier, ikaw yung pinuntahan niya dito kaya kausapin mo" sabi ni ate, natawa naman itong mokong sa tabi ko

"Sinabi ko bang puntahan niya ko?" masungit na tanong ko

"Sungit mo naman Kim,.. Zynier, eto oh, kain ka muna" sabi ni Yana at inabutan ng platong may kanin at ulam si Zynier

Inirapan ko nalang siya, pagkatapos kumain, hinila ko palabas ng bahay si Zynier

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya

"Wala naman, gusto lang kitang Makita" nakapamulsang sabi niya

"Umuwi ka na, nakita mo na ko" natatawa kong sabi

"Ayoko nga, nageenjoy pa kong Makita yang iba't ibang ekspresyon ng muka mo, wag mong sirain ang enjoyment ko" sabi niya habang titig na titig sakin

Natawa naman ako at nailing nalang, sinampal ko naman siya ng pabiro na hindi naman malakas, "Umuwi ka na Zynier, gagawa pa ko ng project ko"

"Oo na po.." sabi niya tska sumakay na ng kotse niya

"Bye.." nakangiting paalam niya

"Bye, ingat.." sagot ko

Still HimUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum