Chapter 10 - Teddy Bear

11 3 0
                                    




Zynier's POV

Hey Guys! So, ito ang first POV ko, thanks to Author haha.. nandito kami ngayon ng teammates ko sa Gym dahil uwian na naming lahat at dahil nga sa baskeball players kami, magpapractice kami ngayon dito

"Guys Balita ko dito daw magpapractice yung isang team ng women's basketball ah"-Andrei

"Oo daw, yung team daw ng College team, ang ganda nga nung captain ball nila eh, di mo aakalaing magaling mag basketball" sabi naman ng team mate slash best friend kong si Skeet Marco, 19 years old

Hindi ko na sila pinansin at tuloy lang sa pagpapalit ng damit na pang training, nandito kami sa restroom ng Gym,..

"Psst guys, ayun yung team na magpapractice oh" sabi ni Skeet, "But wait, asan na yung captain ball nila?.. ah ayun! Ang ganda talaga niya mga pre!" tuloy pa niya

"Weh? Nasan?" tanong ni Andrei

"Ayun oh, ang liit kasi eh, siya yata yung pinaka maliit sa kanilang lahat, pero siya naman ang pinaka magaling haha"-Skeet

Napatingin naman ako sa tinuturo niyang babae nang marining ang sinabi niyang maliit pero magaling mag basketball

Laking gulat ko nang Makita ko si Vynvyn na nagtatali ng buhok habang nakatayo sa harap ng mga teammates niya, na-ubo naman ako ng malakas nang Makita siya kaya napatingin sakin lahat ng teammates ko

"What?"

"Ganda niya no? bestfriend yan ng girlfriend ko" sabi ni Andrei, tinapik niya ang balikat ko tska na umalis at sumunod naman lahat ng team mates ko, ako naman, naiwan mag isa dito na hindi parin makapaniwala

Kim's POV

Habang nagtatali ako ng buhok, naramdaman kong may grupo ng kalalakihan na papalapit samin kaya minadali ko ang pagtatali ng buhok tska ko sila hinarap

"Uyy Kim!" sigaw ni Andrei tska lumapit sakin tska nakipag appear

"Uyy Andrei, hindi mo ba pupuntahan si Nicole sa practice nila?" tanong ko

"Hindi eh, magpapractice din kasi kami ngayon para sa paparating na sports fest"

"Ah ok... Nasan nga pala ang captain ball ng team niyo? Kaylangan ko siyang maka usap" nakangiting tanong ko sa kanilang lahat

"Crush!!!" nagulat naman ako nang biglang Makita ang lalaking kinaaasaran na ko tumatakbong parang bata papalapit sakin

"Oh, andito ka rin palang hinayupak ka, bwisit ka, hahaha muka kang batang bakla kung tumakbo" natatawa kong sabi sa kaniya, natawa naman ang lahat ng teammates niya pati na rin ang teammates ko

"Miss, siya ang captain ball namin" natatawang sabi ng isang lalake at ang tinutukoy niya ay si Zynier, "I'm Skeet Marco, and you are?"

"Hi Skeet, nice to meet you, I'm Savynnah Kim Valmores, Kim for short" naka ngiting pagpapakilala ko kay Skeet at nakipag shake hands

"Teka nga, Vynvyn ko, bakit sa kaniya ang bait mo, sakin hindi" parang batang tanong ni Zynier

"Wag ka ngang magdrama jan, di mo bagay, muka kang batang bakla" once again, nagtawanan nanaman ang mga teammates naming

"Grabe ka naman sakin dwende ka!"-Zynier

"Wala akong pake, kapre... so, Dalawa tayong team na nandito, we need to decide kung sino ang unang magpapractice" masungit na sabi ko

"Kim, why don't we play a game first, your team versus our team, kung sino ang manalo, siya ang magdedecide kung sino ang unang magpapractice" suggest ni Skeet

"Ok sige" nakangiting sagot ko sa suggestion niya

"Wait!, hindi ba mag maganda kung ang kalahati ng court ang sa team mo, then ang natitirang kalahati ang sa team ko" suggest ni kapre pero hindi ko pinansin

"Game guys, team ng boys versus team ko" nakangiti kong sabi at indi parin pinapansin si kapre

"Alis na ko, nakakawalang ganang maglaro" seryosong sabi ni Zynier, "Skeet.." tawag niya kay Skeet tska ipinasa ang bola ng malakas, hindi alerto si Skeet kaya natamaan siya ng malakas sa ulo at natumba

"Skeet!" sigaw ko at tinulungan siyang tumayo

"Ok lang ako" nakangit na sabi niya

Hinarap ko naman si Kapre na may inaayos sa bag niya na nasa isang upuan, kinuha ko ang bola tska ibinato sa ulo niya, pero hindi ganun kalakas

Lumingon siya sakin na walang ekspresyon sa muka at tinignan ang bola na nasa sahig tska niya ipinagpatuloy ang ginagawa niya, kinuha na niya ang bag niya tska naglakad palabas ng gym

"Zynier.." seryosong tawag ko sa pangalan niya, tumigil siya saglit pero hindi humarap, tska siya nagpatuloy naglakad paalis

"Hayaan niyo na yung kapreng yun, maglaro na tayo"-me

"Ah kasi ano, Kim, hindi kami naglalaro pag wala ang captain ball eh"-Skeet

Isa-isa na silang nag alisan, kaya ang team ko nalang ang natira

"Magsi-uwi na kayo, bukas nalang tayo magpractice, nawala na ko sa mood mag practice" sabi ko sa teammates ko tska tinanggal ang paqgkakatali ng buhok ko tska na naglakad palabas ng gym..

Nagpunta na muna ako sa locker para ibalik ang rubbershoes kong naka paper bag

Pagkarating sa locker room, nakita kong may malaking blue na paper bag na nakasabit sa pintuan ng locker ko, kinuha ko yung at tinignan ang laman

Isang pink na teddybear na kasing laki ng unan na ginagamit pag natutulog, at may nakasulat na'For You Baby' sa paper bag.. bwisit, sino ba yung taong to!?    

Still HimWhere stories live. Discover now