06 | Cecille, Unleashed!

213 31 45
                                    

C E C I L L E
and her points of view
_______________________________

"Wala kang utang na loob! Iniwan moh kame kung kelan ka namin mas kailangan! Makasarili ka!...", mabigat na parating ni Mama.

Sinundan ito ng isang malakas na sampal dala ng matindi niyang galit! Todo ang gamit niyang lakas kaya ramdam ko ang sakit na dumaplis sa aking kaliwang pisngi! Ang sakit!

"Paaaapaaaaaaaa!...", malakas kong sigaw.

Nakita kong nasa kabaong si Papa. May sakit ito at di na niya nakayanan. Iyak ako ng iyak habang nagsisigaw para kumawala sa bigat at sakit na nararamdaman ko. Umiwas ako kay Mama at tumungo palapit sa kabaong ni Papa.

Bakit ko sila iniwan? Bakit ko hinayaang magkaganun ang pamilya ko. Sobrang gumuho ang mundo ko ng masilayan ko ang mukha ni Papa mula sa salamin ng kabaong.

Ang sakit sakit sa pakiramdam nang biglang dumilat ang aking mga mata! Panaginip lang pala.

Tumayo ako at nagtungo sa isang maliit na fridge para kumuha ng tubig. Umupo ako sa pinakadulo ng kama habang nagpapakalma.

Habang iniinom ko ang tubig, di ko mapigilang mag-alala. An'sama ng panaginip ko. Di ko mapigilang lumuha. May sakit kasi si Papa. Paralitiko na ito mula ng makaramdam siya ng numbness sa mga kamay at paa niya.

He was diagnose of CIDP - Chronic Inflammatory Demyelinating Polyradiculoneuropathy! Apat na taon na siyang baldado.

Marami-raming tests na rin ang nasubukan naming ipagawa para lang mas maintindihan namin ang sakit niya at kung anu'ng gagawin - Cerebrospinal fluid analysis, Complete blood count (CBC), erythrocyte sedimentation rate (ESR), antinuclear antibody (ANA) level, biochemistry profile, and serum and urine immunoelectrophoresis. Nagpa-genetic testing na rin kame. It was a clear indication of what they call - Guillain-Barré syndrome!

Dun nagsimulang gumuho ang mundo ni Mama. Nag-iba ang ugali niya. Well! Dati pa naman she always wanted me to put my best foot forward.

Nagsimula ito ng mamatay ang kapatid ko. Nahulog mula sa rooftop ng bahay namin while we were playing. At dahil bata pa kame noon, walang magawa si Mama kundi sisihin ang sarili niya pero at one point, I realized na parang ako naman talaga ang sinisisi niya. Kapalit nun, gusto niya lagi akong magaling sa lahat ng bagay.

Natuto akong magluto, mamalantsa, maglaba, maghugas ng pinggan at mamalengke sa murang edad. Di niya tinatanggap ang maduming gawa, gusto niya laging malinis sa bahay!

Sa esk'wela naman, dapat lagi akong best in class. Naiirita siya pag minamali ko ang mga examinations ko. Ayaw na ayaw niya na nahuhuli ako sa pagpasa ng mga projects ko. Gusto niya lagi akong magaling! No rooms for mediocrity! That was hard pero I survived!

Grumaduate akong Dean's Lister at isa sa Top Students ng Business Administration. Mag-isa akong pumunta sa Graduation Day ko kasi paralisado na si Papa nun. Si Mama? Well, ayaw niyang um-attend ng ceremony.

Pakiramdam ko, kasama ng pagkamatay ng kapatid ko at ng unti-unting pagka-paralisa ni Papa, namatay na rin ang puso ni Mama. Laging parang me halimaw sa loob ng puso niya. Galit siya at di makausap ng mahinahon.

Mabigat tumira sa bahay namin. Naaawa nga ako kay Papa kasi alam kong kahit numb na ang ibang bahagi ng katawan niya, dama pa rin niya ang kalungkutan sa bahay lalo na ang pagbabago sa ugali ni Mama.

Walk Me HomeWhere stories live. Discover now