03 | The Love of Nathaly - II

258 33 21
                                    

G E O R G E
and his points of view
_______________________________

Snacks time sa isang Chinese Restaurant! - Our next stop!

Um-order ako ng Fried Wanton tsaka Salt 'n' Pepper Shrimps. Ito ang mga paborito kong pagkaing Chinese lalo na ang hipon. Very flavorful at walang Sloppy Sauce.

Dried Chiles Kung Pao Chicken naman in-order ni Nathaly. Paborito naman niya Spicy.

Pareho naman kameng kumuha ng Choy Sum! No carb, healthy living daw. Nag-eenjoy akong kasamang kumain si Nathaly. Siya yung reminder ko ng isang malusog na pamumuhay.
Pag di kame magkasama, saka lang ako nakakakain ng unhealthy foods.

Diet is Life! - ito ang caption sa Facebook post niya ngayon.  Kasama sa post lahat ng in-order naming pagkain. May Selfie bawat order. Feeling ko nga joint-account namin yung Facebook niya. Always present din kasi ako sa Timeline niya. Nakaka-flatter pero nakakalungkot at the same time. Baka lalo lang siya umaasa. Lalo siyang napo-fall sa'kin. Halata naman sa mga galawan niya. Di ko na alam kung papano ko pa matatakasan to. Bahala na...

"Thank you sa pagsama sa'kin...", panimula niya. Nabili daw niya lahat ng gusto niya.

"...kaya you don't need to worry! I'll pay for this foods", proposal ni Nathaly. Siya daw magbabayad ng pagkain namin. Ayoko! S'yempre nakakahiya. 'Andami ko kayang in-order.

"Hindi! KKB na lang tayo... Sinamahan moh din naman ako maglibot sa Session Road. Patas lang...", pangungumbinsi ko.

Sa huli, siya pa rin nagbayad. As usual, wala namang nananalo kay Nathaly. Gagawin niya ang gusto niya. Pinasalamatan ko na lang siya. Isa rin yan sa mga rason kung bakit ayaw ko siyang kasama kasi mahilig siyang manlibre. Ayoko nun! Ayaw kong masanay sa ganun. Pero dahil me sakit siya, pinagbibigyan ko siya. Kasalanan ba ito?... Siguro! Kasalanan sa sarili ko!

Pagkatapos namin kumain, umalis na rin kame sa Chinese Restaurant na yun. Habang tumatawid kame papuntang parking lot, me napansin akong kakaibang eksena...

 Habang tumatawid kame papuntang parking lot, me napansin akong kakaibang eksena

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mga Askals kung tawagin o Asong Kalye. Dalawa sila na halos magkamukha. Mukhang magkamag-anak sila. Yung isa tumatawid din gaya namin. Yung isa naman pa-relax relax sa gitna pa ng kalye. Sa bagay, maluwag nga ang daan. Walang bubusina sa kanila, bibihira ang nagdadaan na mga sasakyan. Naisip ko na lang na buti pa ang isang Aso nasunod sa batas. Tumatawid sa pedestrian lane. Samantalang yung mga tao, lulusot at lulusot pag walang bantay. Pinagmamasdan ko lang ang dalawang Aso. Naaaliw ako sa mga galawan nila.

Walk Me HomeWhere stories live. Discover now