02 | All about George

300 37 39
                                    

G E O R G E
and his points of view
_______________________________

Ang gulo nila. Maingay! Ganito kame sa umaga. Tatlo kameng magkakapatid. Si Ate Lisa - Isang magaling na mang-aawit! Ang dami niyang raket. Halos gabi-gabi nasa gigs. Mahalaga sa kanya ang oras kaya ayaw na ayaw niyang nale-late... kahit pa sa mga rehearsals lang niya!

"Bugoy ano ba! Bilisan moh, malelate ako...", sigaw ni Ate Lisa habang kinakatok ang pintuan ng CR namin. Naliligo kasi yung bunso naming si Bugoy - Makulit at pilyong bata. 5 years old at punong puno ng kalokohan. "Bakit ba an'tagal mong maligo. Mag-iisang oras ka na dyan ah...", patuloy ni Ate Lisa na halatang kumukulo na ang dugo. Male-late na raw kasi siya. 7am pa lang pero male-late na raw siya sa 1pm niyang rehearsal. Minsan me pagka-OA din tong si Ate Lisa eh.

"Ma! Ma si Bugoy an'tagal maligo. Male-late na akoooo!...", sumbong ni Ate Lisa.

Naku po! Humingi pa ng tulong sa Mama naming parang tunog ng kalembang ang talak. Single Mom kasi si Mama. Mag-isa niya kameng pinalaki. Kinaya niya yun kaya feeling niya tuloy siya si Wonderwoman!

"Bugooooooy! Ano na? Magpapasko na nasa CR ka pa! Ano ba?! Male-late Ate moh...", sigaw naman ni Mama. Magpapasko na raw eh February pa lang! Isa pa 'tong OA eh. Yung tipong itlog pa lang ang manok, sisiw na sa kanya. Nakakaloka ang pamilya ko.

"Lisa kunin moh nga susi ng CR. Baka kung ano na nangyari sa kapatid moh. Di nakibo eh...", utos ni Mama. Bubuksan na nila ang CR kasi di naimik si Bugoy. Wala siyang pakialam sa male-late na si Ate Lisa.

"Gisiiiiiiiiiing!...", sigaw ni Mama pagkabukas ng pintuan ng CR. Nakatulog pala si bunso. Pinipilit kasi nilang gumising ng maaga para maligo. Swerte daw yung ganun. Pinalabas nila si bunso sa CR para makaligo na si Ate. Tuwang tuwa naman tong si Bugoy at makakatulog pa siya habang naliligo si Ate Lisa. Haaaaaaaay! Ganito araw-araw. Magulo kame pero masaya.

Maingay na naman! Pero this time alarm clock ko naman ang nag-aamok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maingay na naman! Pero this time alarm clock ko naman ang nag-aamok. 10:10am na pala at dalawang beses ng naka-snooze. 10am kasi ako nagigising pero minsan ini-extend ko pa. Masarap kasi matulog. Feeling ko nga nagmana sa akin si Bugoy.

"Gumising ka na, George! Yang alarm clock moh nakakabulabog... Di moh pinapansin! D'yos ko oo, di na kayo nagsawa sa ingay... di ako sanay!", reklamo ni Mama. Di daw siya sanay sa ingay pero araw-araw nasigaw. Bingi na ata 'tong nanay ko eh.

Pero sadyang maingay nga talaga tong alarm clock ko. Palibhasa galing London - original! Padala ng Tita kong mahilig din sa photography. Pero siya professional, ako... sooooooon, Haha.

Walk Me HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon