01 | The Beginnings

451 40 30
                                    

G E O R G E
and his points of view
_______________________________

"Ulila na po ako..."

Tugon ng babae. Nakita ko siyang nawalan ng malay habang naglalakad sa isang kalye malapit sa amin. Mag-isa siyang naglalakad bitbit ang isang backpack na puno ng mga damit niya.

"Cecille... Cecille po ang pangalan ko!", matipid niyang sagot. Ini-interrogate siya ng isang nurse na nag asikaso sa kanya. Dinala ko kasi siya sa isang ospital na malapit sa lugar namin.

Ingat na ingat kung sumagot si Cecille. Di siya masyadong nagkukwento. Para bang me iniiwasan. Weird! Bakit kaya? "Paano po ako napunta dito?...", bulalas niya habang inaayos ang mga gamit niya.

"Nurse ako na po ang bahala! Maraming salamat po!", pinaalis ko na muna ang nagtatakang nurse bago ko siya sagutin. "Isinugod kita sa Ospital kanina! Nawalan ka kasi ng malay..."

Di na kumibo si Cecille. Umalis na ito pagkatapos mag-ayos ng gamit. Wala naman daw masamang nangyari sa kanya sabi sa Ospital. Dala lang daw siguro ng matinding pagod. Pawisan kasi siya. Halatang mahaba-haba na rin yung nilakad niya kanina. Naghiwalay na kame. Di siya nagpaalam. Basta na lang umalis na para bang me iniiwasan.

 Basta na lang umalis na para bang me iniiwasan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kuha ko yan habang naglalakad pauwi. Kita pa yung Ospital na pinagdalhan ko kay Cecille. Malungkot ang langit. Mukhang uulan pero magandang pagmasdan.

Frustrated Photographer - yan ang tawag nila sa akin. Mahilig kasi ako sa photography pero di naman ako professional photographer. Iba't ibang istorya ang nabubuo ko sa bawat larawan na kuha ng camera ko. Sa mga larawang ito ko lang naa-appreciate ang buhay. Lahat me disenyo. Bawat disenyo me kaakibat na istorya. Minsan masaya, minsan malungkot.

Habang pinagmamasdan ko ang larawang ito, bigla kong naalala si Cecille. 'Asan na kaya siya? Bakit siya naglalakad? Me hinahanap ba siya? Ano kaya yun?... Kaso ayaw niyang mag share ng information. Sana di siya mapahamak. Masama pa naman ang panahon. Kawawa naman.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang naghahanap ng magagandang mga sceneries. Marami rami na rin akong nakuhang letrato 'gang sa biglang kumulog. Nagagalit ang langit! Nagbabadyang umulan. Nagtungo ako sa isang tindahan para makapag meryenda. Nagugutom na rin kasi ako. Dun na ako sisilong sakaling umulan.

"Bibingka po tsaka soft drinks...", nagtungo ako sa isang table na pangdalawahan. Nagsisimula ng umulan. Sarap pag masdan ang mga tao. May mga nagsisitakbuhan para sumilong. Merong mga nagbubukas ng dala nilang payong. Yung iba nagpapabasa na lang habang patuloy na naglalakad. Umagaw sa atensyon ko ang isang babaeng basang basa habang tulalang naglalakad.

Walk Me HomeWhere stories live. Discover now