05 | Fraternization - I

248 35 19
                                    

C E C I L L E
and her points of view
_______________________________

Sariwang hangin, Tahimik at malayo sa gulo - Ito ang advantages ng pagtira sa Probinsya. Mabagal tumakbo ang oras, wala akong hinahabol na business reviews. Hawak ko ang oras ko. Sarap ng ganitong buhay! Kaya lang makakatagal kaya ako dito ng isang b'wan? Sana...

"Cecille!...", sigaw ng papalapit na si Madam Sonya. Siya ang landlady at owner ng tinitirhan ko ngayon.

"Kamusta ang unang gabi moh?...", pagpapatuloy niya.

Mabait si Madam. Kinakamusta talaga niya ang mga boarders niya. Safe at tahimik sa bahay. Gwardiyado ang apartment namin. Mayaman daw 'tong si Madam pero low profile kaya nakikihalubilo siya sa mga nangungupahan.

Ok ang unang gabi ko. Nakatulog ako ng mahimbing pagkatapos ko magmuni-muni sa bintana habang inaaninag ang napakagandang mga bituin. Wala pa ring falling Star kaya I ended up reminiscing my first 3 days here in Baguio. Pero kumpleto naman ang tulog ko...

"Birthday ko sa makalawa! Dito ko sana ise-celebrate

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Birthday ko sa makalawa! Dito ko sana ise-celebrate. Sana 'andito ka by then...", pag-imbita ni Madam.

S'yempre pagbibigyan ko siya. Matagal-tagal na rin akong di nakaka-attend ng celebrations. I came from a very busy world. I was even working on weekends - so stressful! Tsaka pagkakataon ko na ring maka-bond ang mga nangungupahan dito.

"Sure Madam!... maaasahan niyo po...", pagkumpirma ko.

Umalis na rin si Madam pagkatapos namin mag-usap. Nagpatuloy naman ako sa pag-inom ng kape. Habang nagkakape ako, naalala ko ang insidenteng nangyari kahapon. Muntik ng makasagasa ang sinakyan kong taxicab! May sira-ulo kasing umupo sa gitna ng daan doon sa may Session Road! Di ko na namukhaan yung tao kasi nakatingin ako sa phone nung nangyari yun.

Bilis din ng mga pangyayari. Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw ang driver ng taxicab. Sinaway niya ang taong pumagitna sa daan. Umalis naman daw agad sabi niya.

"Dami na talagang sira-ulo ngayon. Akalain mong magpapakamatay...", patuloy ng driver pagkatapos ng insidente.

Di na ako sumagot para di na makadagdag pa sa galit niya. Pero bakit kaya ganun... May mga taong sobrang hina, nagpapakamatay agad. May mga tao ring di nawawalan ng pag-asa... tulad ni George!

Saglit ko lang siyang nakasama pero alam kong mahal na mahal niya ang photography. Sa katunayan nga, nakita ko na naman siya sa Magic Park kahapon. Patuloy ang pagkuha niya ng letrato. Kinukunan niya ang palubog na araw. Muntik na nga niya akong makita pero naunahan ko siya. Sum-ide-view ako habang kinukunan niya ang sunset. Naka-emote din kasi ako dun sa tapat niya.

Walk Me HomeWhere stories live. Discover now