Binasa niya yung note ni lola at tumango at tumingin sa mga charms hanggang sa mukhag nakita na niya ang hinahanap niya " ito o, charm yan for guidance and luck." Ngumiti siya sakin "ilagay mo lagi yan sa bulsa mo"
"pero hindi ito para sakin" tutol ko sa kanya pero nginitian lang niya ako
" para sayo yan sabi nung note. Siguro gusto lang ng lola mo na maging maswerte ka at magabayan ka ng nakakataas" at nagbow siya
Nagbow na din ako at nagsimulang maglakad. Napunta ako sa bandang likod sa may lake na may bridge na pula. Nagulat ako nang may tumiling babae at nagmamakaawa siya nang tulong sa kaibigan niya.
"Tulong!!! Tulungan niyo ang kaibigan ko!!!! May humahatak sa kanya!!" sigaw ng kasama niya
Laking gulat ko nang Makita ko ang humahatak sa kanya isang nilalang ang tawag ay KAPPA di ako makapagsalita dahil nakakatakot ang itsura ng kappa na ito mukhang wild ito, kasing laki ito ng isang king size bed at nanlilisik ang mga mata, nakalabas ang matutulis na ngipin at mukhang gutom na gutom
Lumapit sakin ang kaibigan nung babae "ate tulungan mo kami!! May humahatak sa kanya pero di ko Makita!" magmamakaawa niya sakin
Sa kakapalag nung babae, natamaan niya ang ulo ng Kappa na hindi nito ikinatuwa. Hinablot ng kappa ang babae sa bewang at binuhat na para bang may hawak lang itong laruan at inalog ito.
Binato ko ng tsinelas ang nilalang. Wrong move! Nagwala lalo ito at nasira ang bridge dahil natapakan nito. Nagsitalsikan ang mga wood na nanggaling sa bridge kaya ang ginawa ko ay paikot akong tumakbo sa Kappa at bato ako ng bato ng mga wood para madivert ang attention niya.
Inihagis niya yung babae na parang basahan sa may grass at sinumulan akong habulin. Shit happens uggggh, ikaw na nga yung tumulong ikaw pa yung madidisgrasya so habang tumatakbo ako naakita ako ng kahoy na matulis at agad ko itong pinulot. Ginamit niya ang dila nitong mahaba para atakihin ako at buti na lang nakailag ako kaagad at nagturn at tumungtong sa dila nito, tumalon at itinusok ito sa mga mata niya.
Nagwala ang halimaw at biglang tumakbo pabalik nang lake. Haysss, natapos din. Napatingin ako dun sa dalawang babae at niyakap nung babaeng binato ng halimaw ang kaibigan "Ayo-" naputol na sasabihin ko nang biglang yumanig.
Laking gulat ko nang biglang lumabas ulit yung kappa na may kasama pang isa. "Rawrrrrrr!" yan lang narinig ko mula sa mga halimaw na yun. Pero nagulantang ako nang sinumulang hatakin nang dalawang kappa ang mga babae.
Kitang kita ang pagpigil sa paghatak nila dahil kumapakapit sila sa grass para hindi sila makuha.
"Hindi sila basta-bastang napipigilan nang mga normal na bagay lang" narinig ko ang familiar na boses at agad ako napalingon sa may puno kung saan galing ang boses na ito. Nakita ko ang familiar na putting buhok, traditional clothes at ang maskara.
"Pano ko sila matatalo??!" natatarantang tanong ko, dahil pag di pa ako nagtanong baka makain yung dalawang babae.
"simple lang. kailangan mo gumamit ng isang sandata din na gawa ng isang yokai na katulad nito." Serysoyong sabi niya at tinapik niya ang katana na nakasabit sa may tagiliran niya
"pahiram ako!!" demand ko , kasi onti na lang ay makukuha na nang mga kappa ang mga babae
Tinignan lang niya ako. Nakakainis! At natatakot na ako baka may mangyaring masama sa mga babae "Kaso hindi pwede. Hindi kami pwede magpahiram ng sandata sa taong hindi kasali sa competition."
"Pero-" sabi ko dahil hindi pa ako decided kung sasali ako
"1 minuto na lang bago ang hating gabi. Pero parang hindi na sila aabot" tukoy niya dun sa dalawang hinahatak ng mga kappa
Napalingon ako sa dalawa. Tumingin sila sa akin. Nagmamakaawa. Umiiyak. At humihingi ng tulong. I turned my hands into fists. Naiinis ako dahil hindi ko alam ang uunahin ko. Ang kagustuhan kong malayo sa mga nilalang na kantulad niya at hindi makigulo o ang mailigtas ang dalawang babaeng ito mula sa kamatayan. Hindi naman ako martyr pero-
"30 segundo" sabi niya
Napaisip ako nang matindi nang nakatungo at ang mga kamay ko ay nakaporma pa din ng kamao
"20 segundo"
Naalarma ako kaya napatingin ulit ako sa mga kappa at ibinuka na nila ang mga bibig nila. Lalong nagsitiliian ang mga babae
"10 segundo"
Habang nauubos ang oras lalo akong natataranta at malapit na maisubo ng mga kappa ang mga babae
"5 segu-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya
"oo na! sasali na ako! Tulungan mo lang ako mailigtas ang dalawang yun!"
"sige." Seryosong sabi niya
Tumango siya ng isang beses at nagulat ako nang nagkaroon ng bilog sa kitatatayuan ko may mga simbolo ito ng mga Japanese charcters at biglang nagliwanag ito pataas at buong katawan ko ang cover nito.
Biglang may lumitaw na dalawang traditional daggers sa harap ko at hinawakan ko ang mga ito at biglang nawala ang bilog at liwanag. Biglang nagapoy ang mga daggers at lumingon ako sa mga babae na onti na lang ang makakain na
"sige na. gawin mo na ang kailangan mo " sabi niya habang nakatingin sa mga kappa
Kaya agad akong tumakbo papunta sa direksyon nung dalawang kappa. Ang kahinaan ng mga ganito ay ang ulo nilang may tubig at pagnaubos ito mamatay na sila. Tumalon ako ng mataas na hindi ko akalaing kaya ko at gumawa ng gesture na sasaksakin ang unang kappa sa ulo. Naibaon ko ito nagkabutas ang ulo nito at sumaboy ang tubig at agad itong tumumba. At ginawa ko ulit ito sa pangalawang kappa at itinusok sa mga mata nito . natalsikan ako ng dugo nito sa may pisngi. At habang nagwawala ito sinaksak ko ulit sa kanyang ulo.
Tumumba din ito. Nakahinga ako nang malalim. Tumakbo ang dalawang babae at niyakap ang isa't isa. Napabuntong hininga ako dahil that was close. Paglingon ko ulit sa mga halimaw, nageevaporate sila. Nagiging usok.
At doon natapos ang gabing iyon.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Yokai
ПриключенияKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
Chapter 2
Начните с самого начала
