O4: Your Lips Are Moving ????

14 1 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Kate sa Shake 'N Slurp. As usual, kumapit wifi nanaman ang Kate! Ano pa bang aasahan ko? Hays. Half day lang kasi klase namin ngayon.

Nagsave lang ako ng story sa Library ko at nag-Youtube. Mag-Download ako ng DIYs.

"Wendy" mahinahong tawag sa akin ni Kate.

'Bago to ah? Anyare?' tanong ko sa sarili ko.

"Oh?" hinarap ko siya ng may pagtataka.

"Peram ng phone mo." sabi niya sa mababang tono ng pananalita.

'Bakit huminahon ata itong babaeng to? Nalunok niya ba ang straw?'

"Bakit?" tanong ko.

"Wag na maraming tanong.. Ibigay mo nalang.." sabi niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.

"Oh" abot ko sa kanya.

"Anong password?" tanong niya.

"Bakit" sagot ko.

"Basta... Password?"

"Bakit nga." pag-uulit ko.

"Wag na sabe masyadong maraming tanong! Anong password!?" sigaw niya.

"BAKIT nga ang password! Tatanong tanong ka tapos ayaw maniwala? Akin na nga yan!" akmang kukunin ko na ang phone ko pero inilayo niya ito sa akin.

"Sorry naman" sabi niya lang at pinindot na ang password ko.

Nagtuloy tuloy lang ako sa pagsipsip ng Slurpee ko tapos siya may kung anong kinakalikot sa cellphone ko.

"Oh ayan.." balik niya sa akin ng cellphone ko.

"Anong ginawa mo dito?" tanong ko at inopen ang phone ko.. Mukhang wala naman nagbago kaya inilapag ko nalang ito sa lamesa. "Uwi na tayo Kate. Gusto ko ng matulog" aya ko sa kanya.

"Ikaw matulog? Asa! HAHAHAHA! ang sabihin mo, magbabasa ka nanaman ng wattpad!" sigaw niya.

"Oo na. Kaya tara na" aya ko ulit.

"Wait lang. Ikaw naman. Hindi pa ako tapos sa pagdownload oh" sabi niya at hinarap sa akin ang phone niya.

Hindi ko na siya sinagot at inubos na ang slurpee ko.

Ilang minuto ang nakalipas at tapos na siya sa dinadownload niya kaya umuwi na kami.

Pagdating ko sa bahay, dumeretso agad ako kwarto at pinlay isa isa ang ang mga dinawnload ko kanina.

Pero may nahagip ang mata ko na hindi ko naman dinownload kanina.

"Your Lips Are Movin'? San galing to--" natigilan ako ng maalala ko na hiniram sa akin ni Kate ang phone ko kanina. "Argh! Kate!" sigaw ko.

Pinlay ko ito at aaminin kong naaliw ako sa pagkanta at rap. Pero ang nakakuha talaga ng attention ko ay itong apat na babae. Maganda sila. Magaling sumayaw.

"Sino ba to sila? Ay! Kabayo!" naisigaw ko ng biglang nagring ang cellphone ko. "Ano nanaman!? Kanina lang tayo nagkita hindi ba!?" sigaw ko sa kabilang linya. Oo, si Kate nanaman.

"Hello Wendy! Ano? Maganda ba? Nagustohan mo ba?" tanong niya. Siguro itong music video ang ibig niyang sabihin.

"Panget padin si Matty. Hahaha" tatawa-tawang sagot ko.

"Psh! Ansama talaga ng ugali mo!" sigaw niya.

"Matagal na. HAHAHA! Sino tong mga babae?" tanong ko.

"Ah! Yung mga kulot? Sila ang Haschak Sisters... Ang galing nila ano?" sagot niya.

"Oo, magaling silang sumayaw. Maganda sila at ang boses nila. Pero panget padin si Matty. HAHAHA!" panlalait ko at ibinaba na ang tawagan namin.

"Haschak Sisters? Magkapatid ba sila? Siguro nga... Magkakamukha sila eh." sabi ko sa sarili ko.

Pinlay ko ulit ang music Video.. Ilang ulit ko pa ito pinanood kasi sobra talaga akong namangha sa talento nila.

"From now on, music is love na. HAHAHAHA!"

Pinlay ko pa ito ulit ng isang beses at natulog na.

😴😪

Hey Pixies!

Share your thoughts on this chapter using the #YoungStarTwinkle_FangirlEh

Facebook: https://m.facebook.com/yvonne.te.54

Twitter: https://mobile.twitter.com/youngstartwnkle

Tumblr: https://www.tumblr.com/blog/youngstartwinkle

Love Lots! 💞

-YoungStarTwinkle

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fangirl EhWhere stories live. Discover now