O1: Music Is Nah~ 🎶

15 1 0
                                    

"Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok padin sayo--"

"Kalimutan mo na yan
Sige sige maglibang
Wag kang magpakahibang
Dapat ay itawa lang--"

"I love you
I hate you
I miss you
I love you--"

"Bare foot on the grass
Listening to our favorite song--"

Ugh! Palibhasa hindi pumasok ang Science Teacher namin, nag-ingay nanaman. Hindi na ako magtataka pag bigla nanamang umulan.

MUSIC IS LIFE nga daw kasi. Kaya nag SOUNDTRIP nanaman sila!

Ano ba meron jan sa music na yan na kahit saang lugar ata ako mapadpad, naririnig ko?

Alien na ba akong matatawag nito? Bakit hindi ako makarelate sa trip nila?

Ako lang ba? Sige, kayo na din. Epal. Hindi, joke lang. Ako lang ba ang walang pakialam sa music?

"All day no check, No, No, No, No, No check, with whisper!"

Tsk! Pati advertisement? Ugh! I'm out of place. Psh!

"Wendy, patawad, pagkat ako'y makasalanan, magsalita ka naman jan" kanta ni Kate, bestfriend ko, at talagang iniba pa ang lyrics ha? Hanep.

"Psh" response ko at lumingon muli sa labas ng bintana.

"Hindi ka nanaman makarelate kaya hangin nalang kausap mo jan? HAHAHA! Kawawa ka naman." tatawa-tawa pa siya habang hinihimas-himas ang likod ko "Wag mo kasi manindigan pangarap mo maging astronaut, kaibigan. Nagiging Alien ka na eh. HAHAHA!" pahabol nito. Siniko ko lang siya bilang sagot.

'Ayoko na talaga sa Earth. Ayoko na din sa Mars. Sa Wattpad World nalang!' sabi ko sa isip ko at lumabas ng room para pumuntang Canteen. Tambay nalang muna eksena ko ngayon.

'Kasalanan ko ba kung hindi ako makarelate sa Music Is Life Chuchu nila na yan? Ano ba... Wattpad Is Life ang motto ko ee. Sigurado akong hindi rin kayo makakarelate nito. Mwehehehe'

Napangisi nalang ako sa naisip ko at nagtuloy na sa Canteen.

Hey Pixies!

Share your thoughts on this chapter using the #YoungStarTwinkle_FangirlEh

Facebook: https://m.facebook.com/yvonne.te.54

Twitter: https://mobile.twitter.com/youngstartwnkle

Tumblr: https://www.tumblr.com/blog/youngstartwinkle

Love Lots! 💞

-YoungStarTwinkle

Fangirl EhWhere stories live. Discover now