O2: Love At First Play 🎶😻

5 1 4
                                    

"Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Di tulad sayo
Impossible--"

"Despacito
Quiero respirar tu
Cuello despacito
Deja que te diga cosas al oído
Para que te acuerdes
Si no estás conmigo
Despacito--"

'Nagsimula nanaman sila' 😭

Oo, ilang linggo na ang nakalipas music is life padin ang mga feeling singer. Hays.

'Hanggang kelan kayo magiging ganyan?'

"Waaaahhhh! Bakla!" sigaw ni Kate sabay tulak sa akin dahilan para muntik na ako mahulog sa upuan.

"Ano ba!?" sigaw ko pabalik sa kanya tapos tinulak din siya ng hard kaya ang ending. Nahulog nga siya. 😏

"Grabe siya. Ang hardcore mo!" saigaw niya.

"Sino bang na una?" pambabara ko.

"Oo na. Ako na." sagot nito

"Tsh" singhal ko at tinalikuran siya.

"Ano ba!" sigaw nito at pilit ako na hinarap sa kanya "Ang emo mo! May Hashtag Shareness sayo ang bakla!" sigaw niya pero hindi ko siya sinagot kaya nagsalita na lang siya ulit "Okay, talk to myself... Bakla! Ang gwapo ni Matty! Waaaahhhhh! Sapakin ako ngayon na!" sigaw nito tapos kinuha ang kamay ko at sinampal ang sarili niya.

"Baliw na ba you?" walang ganang sagot ko.

"Hoy! Supportahan mo bestfriend mo!" panduduro nito sa akin.

"Okay, edi congrats" sagot ako at inalok pa kunwari ang kamay ko.

Sa halip na makipagshake hands sa akin ay binatukan ako.

"Wala ka talaga pakialam sa akin eh ano? Hindi ko talaga lubos maisip kung paano kita naging bestfriend eh alam mo ba yun?" sarkastikong sabi nito sa akin.

"Ah, ganun? Pinagsisihan mo ba? Sige, iwan mo na ako." sagot ko. Alam ko naman kasi na hindi ako kayang iwan nito.

"Biro lang! Hindi mo talaga ako tatanungin kung sino si Matty Mylabs?" tanong niya na umiiyak kunwari.

Ang totoo, curious din ako kung sino ba yang Matty na yan. Bigla bigla nalang eh. Kahapon lang kinikilig pa siya kay Eljohn tapos ngayon may pa Matty Mylabs na siyang nalalaman? Bakla talaga, oO. Total, wala naman kaming ginagawa... Mainterview nga ito.

"Sinong Matty?" paunang tanong ko.

"Matty, MattyBRaps! Waaaahhhh!!! Ang gwapo niya, Bakla! Ang ganda ng boses niya!" sagot niya habang inaalog-alog ang braso ko.

"Ano ba! Maawa ka sa braso ko! San mo ba nakilaka yan?" sagot ko sabay hila ng braso ko sa kanya.

"Ano... Ano kasi.. Hihihi!" kinikilig na panimula niya "Hiniram ko cellphone ni Phia tapos nanood ako ng mga music videos doon. Tapos bigla nag play ang 'Right Now I'm Missing You' na music video ni Matty.. Ang gwapo niya! Yiiieeehhh!!" mahabang kwento niya.

"Okay?" maikling sagot ko kaya nakatikim nanaman ako ng malutong na pambabatok galing sa kanya.

"Loko ka! Tingnan mo nga to oh" kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya tapos hinarap sa akin "Diba? Pogi!" tiningnan ko ito ng mabuti ng bigla niyang binawi ang cellphone niya "Opps! Tama na! Baka magustuhan mo din. He's already mine! Mine! Only Mine! Kate's property. Locked!"

'Tsh. Kahit kelan talaga. Ang daldal nito!'

"Hoy, bakla ka! Wala akong balak agawin yan sayo kasi divorced na kami niyan since Grade5 ako!" sagot ko.

"Bakla ka! Wala akong pake! Ang feelings, 99% may posibilidan na bumalik! Wala akong tiwala sayo!" sigaw niya.

Sasagot pa sana ako kaso biglang dumating ang AP Teacher namin kaya di na ako nakipagtalo pa sa kanya. Baka matulad pa ako kay CJ na pinarecite ng mga lugar na matatagpuan sa Europe kasi nahuli siyang nakikipag-usap kay Eldie.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

*KRRRIIIINNNNGGG!*

Uwian na at expected, bukang bibig nanaman ni Kate si Matty. At si Eljohn? Waley na.

Hey Pixies!

Share your thoughts on this chapter using the #YoungStarTwinkle_FangirlEh

Facebook: https://m.facebook.com/yvonne.te.54

Twitter: https://mobile.twitter.com/youngstartwnkle

Tumblr: https://www.tumblr.com/blog/youngstartwinkle

Love Lots! 💞

-YoungStarTwinkle

Fangirl EhWhere stories live. Discover now