O3: Updated

5 1 0
                                    

"Bakla! Kung dati pinapangarap ko lang na makapunta sa bahay nila Eljohn, ngayon Atlanta na! Oh, di ba? Lomelebelap na ako! HAHAHAHA! Tingnan mo oh, ang cute cute niya pala nung bata pa siya? Ay, wag nalang pala baka bumalik feelings mo dito. Baka mapatay pa kita" kwento ni Kate.

Recess na namin ngayon at wala siya ibang ginawa kung hindi ang magkwento ng magkwento about sa research niya kay Matty.

Kung dati lagi pa siya nagpapasama sa Canteen para makita niya lang si Eljohn, ngayon? Ayaw na eh. Kontento na daw siya kay Matty. Marinig niya lang daw music ni Matty busog na siya. Ang OA ano? Psh.

"Bababa ko" paalam ko at tumayo na pero pinigilan niya ako.

"Naku! Wag na! May dala akong biscuit. Sayo na basta wag ka lang bumaba baka hanapin pa ako sayo ni Eljohn" sabi niya sabay abot sa akin ng Hansel.

"Assuming Teh? Ni di ka nga nirereplyan sa mga text messages mo. Ang hanapin ka pa sa akin? Asaness" sagot ko at binalik ang biscuit sa kanya. Ayaw ko kasi ng Hansel ee kaya bababa talaga ako.

"Ene be... Hihihi! Kinikilig yun malamang! Kaya hindi na nakareply kasi kinumbulsyon na sa sobrang kilig! HAHAHA! Ang ganda kasi ng bestfriend mo eh." pamumuri nito sa sarili.

"Ha. Sige, mangarap ka pa. Tabe! Pupunta akong canteen!" namamangha kunwaring sagot ko at tinaboy siya.

"Sige! Pagbibigyan kita. Basta samahan mo ako mamayang lunch sa Jollibee. Connect ako sa wifi dun. Kelangan updated ako palagi kay Matty Mylabs." sagot na niya at tumabi na.

"Sige ba. Basta libre mo ako."

"Bakla ka! Libre nanaman!? Abuso ka ah!? Suntukan nalang oh!" panghahamon niya.

"Biro lang! Tabe! Gutom na ako!" tinulak ko siya para maka daan na ako sa pinto.

"Humanda ka talaga pagbalik mo! Matitikman mo ang paghihiganti ng isang api! Lintek lang ang walang ganti!" pahabol na sigaw niya sa akin. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko bilang sagot.

'Tsh! Kahit kelan talaga ang daldal. Tingnan natin kung masasakit niya ako. Hanggang balikat ko lang ata siya. Mwehehehe!' Napangisi nalang ako sa naisip ko.

Bumaba na ako ng building at dumeretso sa Canteen. Bumuli lang ako ng C2, Nissin Stick Wafer, Oreo, at Chips.

Agad akong bumalik sa room kasi 15 minutes break lang ito. Nasayang na ang sampung minuto ko dahil lang kay Kate kaya kelangan kong magmadali para hindi malate sa Math Subject namin.

Pagtungtong ko sa tapat ng room, sinalubong na agad ako ng walang kwentang kwento ni Kate. As if naman makarelate ako sa kinukwento niya. Maliban sa hindi ako interesado kay Matty, hindi ko pa alam mga pinagsasabi niyang mga music ni Matty.

Halos mawalan na ako ng ganang kumain ng recess kasi ang iingay ng mga classmates ko kasi kanta sila ng kanta, dagdagan pa ng Kate na parang naka lunok ng mega-phone.

Kaya naman... Laking pasasalamat ko ng dumating na si Ma'am Jessibelle kasi natigil na ang mga kaklase ko maliban kay Kate na kahit nagdidiscuss sa harap si Ma'am, daldal padin siya ng daldal.

DISCUSS.

*KRRRIIIINNNNGGGGG!*

"Woi! Bilisan mo jan! Baka wala na tayong maupuan sa Jollibee!" sigaw nanaman ni Kate sa akin.

Tinapupan ko lang siya ng walang ganang tingin kaya naman.. "Oo na! Libre na nga kita diba? Kaya dali na! Tayo na jan! Wag ka nang magpahila! Mas malaki ka pa ata sa akin! Grrr!"

JOLLIBEE*

"Dali! Order ka na. Bilisan mo ha? Para feel na feel ko stalk ko kay Matt Mylabs." utos niya sa akin.

Fangirl EhWhere stories live. Discover now