Di nagtagal tumunog ang cell phone......

"Hello."

"dito na ako sa labas ng bahay niyo."

"ok." ano ba yan sana nagdoorbell na lang siya nag-aksaya pa ng pantawag, saka bakit ganun ang boses niya? wala sa mood.

"Mom, bubuksan ko lang po yung gate nasa labas na po si Lance."

"Sige papasukin mo na siya dito. Mayayari na rin naman itong niluluto ko."

Lumabas na ako at nasa labas na nga si Lance.

"Sis, halika pasok kana nasa loob si mommy papakilala kita. Alam mo ba kung ano-ano ang iniisip sayo. Ikaw daw ba yung boyfriend ko di ba nakakatawa yun. Wala pa naman akong nagiging boyfriend. Siguro sana ikaw kung naging isang tunay na lalaki ka."

"Ganun ba."

Ha??? yun lang ang nasabi niya.

"Sis, may problema kaba?"

"Okay lang ba sa mommy mo na dito muna ako sa inyo?"

"Oo, naman kahit dito ka pa magtira. Kahit gaano pa katagal kahit kaylan  mo gusto okay lang. Sigurado naman akong papayag si mommy."

"Salamat, Sis."

Halatang may pinagdadaanan siyang matindi ngayon.

"Tara na sa loob, mamaya sabihin mo sa akin lahat yan ha!!"

Pumasok na kami sa loob, nakapaghain na rin si mommy ng pagkain sa dining table.

"Nandiyan na ba ang bisita  mo anak?"

"Yes mom."

"Oh halika na kayo dito at kumain na tayo."

"Opo."

^^^^^

"Mommy si Lance nga po pala. Lance mommy ko." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

"Good evening, nice to meet you po." pagbati ni Lance kay mommy.

Tumango lang si mommy. Wala siyang ibang reaksyon.

"Sige umupo na kayo at kumain na tayo."

Umupo na kami at nagsimulang kumain.

"Mommy, pwede po ba dito muna mag-stay si Lance sa bahay?"

"Ano ba naman anak hindi ka pa nga nakakagraduate ng college. Dito mo na patitirahin yang boyfriend mo. Ano ba yang pumapasok sa isip mo. Nasisiraan ka na ba? Ang bata nyo pa.

Paano kung may mangyari sa inyo mabuntis ka niya edi sira na yang buhay mo ....niyo."  napa hawak nalang si mommy sa ulo niya. Halatang dismayado siya.

Nakatingin lang kaming dalawa ni Lance sa kanya. Paano kase ang OA niya. Sinabi ko lang naman na mag-iistay lang si Lance may buntisan ng magaganap..eh hindi nga kami talo nun.

"Mommy, naman kaylangan ako ni Lance ngayon. Kaylangan ko din siya."

"Bakit na buntis ka na ba niya? Ano may nangyari na ba sa inyo? Ano sumagot kayo."

Mukhang nagiging monster na si mommy.

"Mommy naman hindi ganon. Bestfriend ko po si Lance. Simula pa po nung lumipat ako ng school. Ang tagal na nun. Ngayon lang nagkaroon ng chance na magkakilala kayo kase tuwing pupunta siya dito wala ka naman." pagpapaliwanag ko.

"Totoo ba ang sinasabi ng anak ko?"

baling na tanong ni mommy kay Lance.

Aba matinde ako anak niya ayaw paniwalaan.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now