Chapter 13

7 0 0
                                    

“You love who you love who you love”

Chapter 13

 

--

**Adam’s POV**

Pupunta mamaya sa bar namin si Denise kasama ng friends niya, kinakabahan ako may sasabihin daw siya sakin, hindi ko alam bakit hindi niya masabi sakin ng personal? Sana mabuting balita yun. Anong oras kaya sila pupunta?

“Anong nasa isip mo hijo?” Mama

Si mama pala, kanina pa siguro ako tinitignan neto.

“Is that the same Denise girl from school?” Mama

Naikikwento ko na kasi dati pa si Denise kay mama, pero hindi ko alam kung kilala niya yung ate ni Denise na isa sa pinakamagaling na staff ni papa sa company namin.

“Yes Ma” Ako

“Well, sometimes, hindi lahat ng gusto natin makukuha natin, you know? All we have to do is to be strong” mama

Hanlaa? Anong ibig sabihin netong isang to? Ano ba? Wala pa nga hindi pa po ako tinatanggihan wag pangunahan kinakabahan ako.

“Yun na nga ma eh, wala pa siyang sinasabi kung basted ako o gusto niya ako” Ako

“How long have you been courting her?” Mama

“8months ma, almost 9months. That long, pero it’s okay I waited for her two years” Ako

“and? Is that so? If she’s worth it she will never be easy remember that okay? So goodluck be good push na push” Mama

Ang daming alam ni mama, anung push na push? Saan nanaman kaya nya yun natutunan? Kay Ate? May pagka babaeng bakla kasi to si Ate eh.

“Mama, anung push na push. May date nga kami mamaya eh, pero sa bar na lang natin” Ako

“Ang cheap mong bata ka bakit sa bar natin? Bakit dun? Libre lang ganun? Hindi ka gagastos? Bwisit kaya ka hindi sinasagot kaagad eh” Mama

Si mama talaga, kung nilalakihan nyo kaya yung allowance na binibigay nyo sakin? Tska hindi ko sya tinitipid, simpleng babae lang naman si Denise, walang kaarte arte sa katawan kaya alam ko na kahit anong ibigay mo sa kanya eh maappreciate niya, yun ang kakaiba kay Denise at isa pang kakaiba hindi siya nalelate sa usapan pag walang valid reason.

“Mama naman, may gig ako dun eh. Tska kasama niya mga friends niya mamaya eh” Ako

“May chaperon pa anak naman dumiskarte ka naman para kang bakla. Ipakita mo na mas matinik ka sa tatay mo” Mama

Si mama talaga, umalis na nga lang ako sa kwarto ko at naligo na ako para makapagprepare na mamaya sa gig ko, dapat gwapo ako dahil andun si Denise kahit na hindi ko malaman kung ano yung sasabihin niya sakin.

**End of Adam’s POV**

**Den’s POV**

Toss CoinWhere stories live. Discover now