Chapter 4

10 0 0
                                    

Chapter 4

AKala mo lahat ng bagay na Masaya perfect, porket may effort sila, eh sila na kasama mo habang buhay.

Hindi porket Masaya ka sa kanya, siya na makakasama mo habang buhay, na permanente siya sa buhay mo.

Hindi ganun ang tadhana, minsan mapaglaro sila. Akala mo yun na hindi pa pala, akala mo porket Masaya perfect na sila hanggang sa huli, pero wala tayong magagawa kung ganun nga talaga ang nakatadhana para sayo,yung mahal mo hindi yun yung nasayo, yung hindi mo mahal yun yung nasayo.

**Den’s POV**

Maaga akong nagising, nagtext si Gio na hindi daw niya ako masusundo kasi si Teddy susunduin niya, tinanong ko bakit, sabi niya finally girlfriend niya na si Teddy, Masaya ako para sakanila, Masaya akong malaman na sa tamang babae napunta si Gio, hindi sa ibang babae na alam kong sasaktan lang siya.

Si Drew daw ang susundo sakin, kasi alangan mag commute naman daw ako, di pwede yun tska di daw maaga yung training nila ngayon bilang sa may ilang araw pa naman bago ang game nila sa Colegio de la Filipina. Natutuwa ako, kasi si coach, nagiging considerate na sa players, naiintindihan na niya ang me time haha.

Kung tatanungin nyo kasi, isa yung coach naming sa terror coach, pag sinabi niyang hindi pwede, hindi pwede. Strict siya, kaya din siguro nakapag 5 peat ang team dahil sa strict niya, di ko nga nakakausap yan dati si coach eh, pero nung napapadalas ako sa gym para makanuod ng practice, nakakausap ko na din siya. Natanong ko siya one time kung bakit ang sungit niya, ang sabi niya lang sakin na madaming benefits ang pagiging part ng basketball team, pero sa kabila ng mga benefits na yun, ang sarap ng libreng tirahan, pagkain at lahat, kapalit neto ang sakit ng katawan. Hindi biro biro ang makasama sa basketball team, kaya din saludo ako sa basketball team ng school, not because may boyfriend ako, pero talagang hardwork ang katapat neto.

Simula nun, ako lang yung ka close ni coach na girlfriend ng isa sa mga players niya, sensible daw ako kausap at hindi ako maarte, na flatter ako, crush ko kasi to si Coach eh, gwapo kasi siya talaga pang heartthrob masungit lang talaga at seryosong tao. Haha palibhasa kasi single dad kaya ayan.

Maliligo na nga ako, baka dumating na si Drew eh, si Drew pa naman pag dumating saktong sakto sa oras, akala mo wala kaming hinahabol kaya sinasabihan ko siya anung oras siya dapat nandito sa bahay. Sa dorm lang din siya ng school nakatira, pero iba yung dorm ng mga atheletes sa mga academic scholars, mas malaki yung dorm ng mga athletes, kasi may gym sila dun. Kaya basically hindi sila magkasama sa dorm ni Gio.

Pagkatapos ko maligo, nagpahain na ako kay manang dapat akong maka kain na bago dumating si Drew dito, kasi pagdating nun sure ako aalis kami kaagad.

After 15 miuntes tapos na akong kumain sakto namang dating ni Drew

“Denden, si Drew nasa labas na” manang

“Sige po manag, sila dad maaga umalis?” ako

Maaga talaga kasi umaalis sila daddy eh, sila kuya din si ate lang late, tapos late uuwi, late magigising ganun. Nagfifield eh. Hehe

“Oo kanina pa, may iniwan daw sila diyan sa ref” manang

“Ah, oo nakita ko na” ako

Iniwanan ako nung tiring ulam kagabi, akala nila kakain pa ako pagkadating pero hindi na sobrang busog ko kaya dun sa dami naming kinain haha.

“Babe” tawag ko kay Drew habang nasa loob ng sasakyan

Lumabas naman siya para i-kiss ako at yakapin. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan niya, gentleman talaga tong baby boy ko.

Toss CoinWhere stories live. Discover now