Chapter 12

11 0 0
                                    

Chapter 12

 

“Only your heart, not your mind, decides who you love”

---

8months later

**Den’s POV**

Matagal na akong tinatanong ni Teddy kung kalian ko sasagutin si Adam, kung kalian ko sasabihin yung sagot ko?

Hindi ko alam kung kalian naghihintay ako ng sign, naghihintay ako sa isang taong wala naman atang balak na sabihin sakin yung hinihintay kong sabihin niya sakin.

Walang buwan na rin yung nakakalipas, walong buwan na rin akong nililigawan ni Adam, matagal tagal na rin at masasabi kong okay na siya sa parents ko, okay na rin siya kay Ate at kay Kuya, kay Gio? Hindi ko parin sigurado kung okay siya, pero alam ko at hinihiling ko na sana ay okay.

(message from Gio)

Denden, I need you to come with me, may bibilihin ako.

Inaaya niya nanaman akong sumama sa kanya, parang netong mga nakaraang limang buwan laging ako yung inaaya niya, hindi si Teddy, minsan nga nahihiya na ako both kay Teddy at kay Adam eh.

Para akong nagtataksil sakanila kahit na wala naman talaga kaming ginagawa minsan nga isang beses di ako pumasok dahil sa kanya, pilit niya akong pinapasama sa kanya, hindi ko alam pero napaka unreasonable niya nung mga nakaraang araw, nung isang araw nga may usapan kami ni Adam na aalis kami pero pilit niya akong pinasama sa kanya na wala naman kaming ginawa. I just can’t say no. I mean, gusto kong tumanggi pero hindi ko magawa.

“Denise, sama ka samin mamaya?” Bobby

“Naku Bob, di ako pwede eh” Ako

“Bakit?” Ina

“Aalis kasi kami ni Gio nagpapasama may bibilhin daw siya eh” Ako

“Aalis nanaman kayong dalawa. May girlfriend naman siya bakit hindi siya dun magpasama?” Isa

“Eh kasi bestfriend niya ako eh.” Ako

“Bestfriend ka niya, hindi ka dakilang martir Denise.” Bobby

“Ano ba kayo. Next time na lang” Ako

“Den, this is just a piece of advice ha? Learn to say NO, I mean no will mean no to you. Fight the urge to say yes it’s for your own” Bobby

“Kayo talaga okay naman sakin tska bestfriend ko siya eh” Ako

“Pero sa tingin naming hindi ka niya bestfriend eh. Unreasonable siya, gusto lang niya yung nasusunod pano ka naman? Masaya siya, bakit ikaw? Masaya ka ba? Tska alalahanin mo, may girlfriend siya” Bobby

“Haha sige next time na lang o kaya hahabol ako san ba kayo?” Ako

“Sa mall lang sasamahan naming si Isa bumili ng damit” Bobby

“Sige sunod ako” Ako

Saka na ako gumawa ng mga dapat kong gawin. Oo nga nagiging unfair na ako sa sarili ko, kay Adam at siya rin nagiging unfair siya kay Teddy, kahit hindi niya gustuhin niloloko pero parang niloloko niya si Teddy.

Toss CoinWhere stories live. Discover now