Chapter 3

10 0 0
                                    

Chapter 3

Pag Masaya ka, nakakalimutan mo yung mga bagay na nagpapalungkot sayo o maaraing magpalungkot sayo.

Parang ayaw mo ng matapos ang lahat, na sana tumigil ang mundo ang oras para mas lalo mo pang ma sulit ang nararamdaman mong saya.

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi mo, patapos man na ang araw.

Haay sana, iisipin mo na ganun na lang lagi.

***Den’s POV***

Ang aga ko naman magising, istorbo kasi tong alarm clock ko eh, nakakalimutan kong baguhin tuwing gabi, pagka umuuwi kasi ako, sa ibang bagay na nakatuon yung pansin ko, gaya na lang sa mga Gawain sa orgs, sa student council, sa school bilang isang huwaran na studyante, okay huwaran daw. Haha, at higit sa lahat ang pagiging anak at girlfriend. Hirap mag balance kaya eto minsan nasa planner, para planned hehe.

I was thinking, kung ano yung sinasabi ni Gio na kayanin ko daw? Mahirap ba exam naming? Tungkol sa policy sa retention? O worse, wag naman sana si Drew? Anung nangyayari? Baka ma surpresa ako sa Valentine’s ah? Baka ma supalpal ako, ma in-your-face ako.

Pero I doubt that, I think nga Drew prepared a dinner for us somewhere fancy, ganun naman yun eh. Full of efforts, thoughtful and sweet. He never fail to make me feel special.

Parang nung nagpropose siya after a year of courtship, he then decided to propose to me.

**flashback**

“Denise, anong oras ka papasok bukas?” Drew

“ I don’t know? Maaga siguro since I have a call time, we have meeting tomorrow why’d you ask?” ako

“Ah, wala lang, estimate time?” Drew

“Why’d you ask? Are you stalking ?” Biro ko.

“Hahaha grabe ka naman, wala lang naman. Are you going to be busy tomorrow?” Drew

“Ah, actually no naman, I’ll be free on the afternoon na. Oh I’m giving you a hint, you should date me, got something to tell you also haha” Ako

Actually, eto din yung time na plano ko na siyang sagutin at gawin ng official ang relationship namin, kasi natiis nya akong hintayin for a year, kaya dapat siyang bigyan ng reward. Kokonti lang ang mga lalakeng kagaya nya na talagang maghihintay para sayo, hihintayin ka ng ganun katagal, sa lagay pa nya na madaming babaeng umaaligid sa kanya, plus? Hindi naman ako kagandahan para hintayin, wala din naman siyang makukuha sakin, pagmamahal ko lang pero sobrang naghintay siya so there.

(message to drew)

I’ll be in school at 9am, our meeting will start at 10, if you’re planning to go on a breakfast with me then good.

(Drew’s reply)

Sure, sige tatawagan kita.

Ano kaya tong binabalak nya, makatulog na nga. Maaga pa akong gigising bukas, layo ng school ko eh, nahiya yung pagkalayo kila Gio. Heheh

*end of the night*

Kinabukasan, maaga akong nagising, 6:30 palang gising na ako, nag shower na rin ako kasi pag dumating si Gio, magdudumali nanaman yun, akala mo kasi sinisilaban pwet nun pag papasok kami sa umaga, ayaw nya kasi ng nalelate din kaya maaga niya akong sinusundo. Ayoko kasing magkaroon ng sariling sasakyan kasi medjo may pagka irritable ako, mamaya bunguin ko yung mga makakasalubong ko pag na-late ako kaya eto, dakilang service si Gio, hehe pero mas gusto nya daw yun para hindi siya nabobore.

7:30 nang dumating si Gio sa bahay, as usual maaga, pero kasi favorite nya yung French toast ni Mommy kaya sinasadya nya talagang magpunta dito bago pumasok sa school para makakain pa muna siya, although walking distance lang yung dorm niya sa school, dumadaan padin siya.

Toss CoinHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin