Tumatagos sa mga kalamnan niya ang sakit ng bawat salitang naririnig ...ngunit hindi siya nagpaapekto sa mga sinabi ng ginang. Tumalikod siya ng walang anumang reaksiyon. Dati pa naman ay ramdam niya nang ayaw nito sa kanya.

"Miisha!" tawag ulit nito.

Nagdalawang-isip siya kung muling lilingon pero hindi rin siya nakatiis.

"Next time when you talk to older people, matuto kang maging magalang," sabay tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Palibhasa walang inang nagpalaki sayo," mahinang dagdag nito.

Sumagot siya ng tango sabay labas ng pintuan.

"Yaya Merced itapon mo yang mga prutas na yan baka lalong hindi gumaling ang anak ko pag nakakain niyan!" dinig niyang sigaw bago maisara ang pinto.

Pagkalabas ng gate ng bahay ay humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at matamlay na yumuko. Kinagat niya ng madiin ang labi upang pigilan ang pagtulo ng luha. Nilakasan niya pa lalo ang pagkakakagat para mas maramdaman ang sakit nito kaysa sa sakit ng dibdib.

Nakakita siya ng bato. Napagdiskitahan niya itong sipain habang naglalakad sa tabing kalsada. Nanatili siyang nakayuko habang sinusundan ang sinisipa-sipang bato. Huminto lamang siya nang marating niya ang tapat ng isang mansyon na may layong limang bloke mula sa bahay ng kaibigan.

Binuksan ng security guard ang gate nito pagkakita sa kanya. Mga sampung minuto muna siyang nanatiling nakatayo lang sa harap ng gate. Ilang beses muna siyang nagdalawang-isip bago pumasok dito. Pagdating sa loob, nakita niya sa hardin ang limang kalalakihang nakasuot ng barong at nakatambay sa isang pahingahang nipa hut.

"MIISHAAAA! Long time no see!"masayang tawag ng mga ito sa kanya habang kumakaway.

Matamlay at walang reaksiyong tiningnan niya ang mga lalaki. Wala siya sa mood makipagbatian sa sinuman kaya itinuloy niya ang paglalakad patungo sa bahay. Mga bodyguards ito ng kanyang amang congressman na si Francis Carballo. Hindi siya ampon. Hindi niya lang ito kaapelyido dahil hindi kasal ang mga magulang niya.

Nakatungong pumasok siya ng main door. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niya agad si Wendy, ang kasalukuyang kinakasama ng kanyang ama. Nakaupo ito sa kanilang magarang sala habang may mga nakaunipormeng beauticians na nagmamanicure at nagfi-facial dito.

Napaigtad ng upo si Wendy pagkakita sa kanya at namilog ang mga mata nito. "Oh my! Miisha you're here!" she greeted with a wide smile.

Hindi niya ito pinansin at tahimik na nilagpasan niya lang ito sa sala. Hinawi ng babae ang mga kamay ng beauticians at sumunod ito sa kanya. "Kumain ka na ba? What do you want magpapahanda ako sa mga maids or kung gusto mo ipagluluto kita?"

Parang walang narinig na umakyat siya sa hagdan. Hinayaan niyang nakabuntot lang sa kanya ang babae.

"Oo nga pala Miisha. Pinakuha ng Daddy mo ang record ng mga grades mo sa school at nakita niya yung mga bagsak mong grades. Gusto mo bang sabihin sa akin ang paliwanag mo para ako na muna ang kakausap sa kanya?" malumanay na sabi nito.

She's A Bad GirlWhere stories live. Discover now