Chapter V: Combat Class

1.3K 22 0
                                    

Mitch's pov.

HINDI naman nagtagal ay pumasok na rin ang sunod na prof namin.

"Good day students! I heard we have a new student here so I want to introduce myself once again. This is Toshiro Nakamura, your one and only professor on your Combat class."

Ah combat class lang pa-

Combat class?!

Teka bakit may ganun na subject?

Tiningnan ko naman si Airine ng nagtataka at sinenyasan niya ko ng mamaya na.

"For todays activity class, we will examine your fighting skills–your strength, agility and how you fight in general without using any weapon." Panimula nito. Nakarinig naman ako ng mga mahihinang reklamo.

"I'll give you 10 minutes to change into your PE uniform and meet me at the training room." And then he left.

Tumayo na rin kaming lahat at ang iba pa nga ay nagrereklamo pa rin.

"Airine bakit di niyo sinabi na may combat class pala tayong subject?" Oh well kasalanan ko rin naman kasi hindi ko binasa yung schedule ko.

"Sorry nakalimutan namin. But anyway marunong ka naman sigurong makipaglaban?" May pag-aalalang tanong nito sakin.

Natahimik ako bigla nang tanungin niya ako nun. Of course, I know how to fight. Gosh I've been training since I was a kid. BUT its been a while since I last did that. And Im not in my natural form. My current body right now is weak. Can I do this?

"Oh my god you dont know?!" Kinakabahang sabi ni Kyla nang mapansing niyang natahimik ako sa tanong ni Airine.

"Silly, of course I know. Im just nervous." Sagot ko sa kaniya.

Matapos naming magpalit ng PE uniform ay dumiretso na rin kami ng training room. Simple lang naman yung uniform, Black tshirt ito at red naman yung shorts. May stockings din na black at syempre rubber shoes.

Namangha naman ako sa loob ng training room pagpasok na pagpasok pa lang namin. Ang laki. Nakakalula sa loob.

"Okay class may I have your attention please." Tawag ni Sir Nakamura kaya natahimik na rin ang lahat.

"Gaya nga ng sabi ko kanina ay titingnan natin kung gaano kayo kalakas, kabilis at kung paano kayo makipaglaban. So magkakaroon tayo ng bunutan at kung sino ang mabubunot niyo ay yun ang makakalaban niyo. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Ang unang grupo ang bubunot at ang mabubunot nilang pangalan ay magmumula sa pangalawang grupo at yun ang makakalaban niyo. Understand?"

"YES SIR!"

Napunta ako sa grupo kung saan kami ang bubunot ng pangalan. Nagsibunutan narin sila kaya bumunot na rin ako. Sana di ko mabunot ang mga nasa student council dahil yung apat na kilala kong nasa student council ay nasa isang grupo kung saan sila ang mabubunot.

*cross-fingers

Nakahinga ako ng maluwag nang ibang pangalan ang nabunot ko pero di ko kilala.

Tres Savilla. I think its a guy.

Tinanong ko kay Kyla kung sino yung nabunot ko kaso ang naging reaksyon niya lang ay titigan ako na para bang siya ang natatakot para sa buhay ko.

Bakit?

"Bat ganyan ka makatingin?" Kinakabahan kong tanong.

"Yung ano kasi yung nabunot mo ano-"

"Kyla calm down ang gulo mo eh." Sabi ko sa kanya pero parang maski ako ay nagsisimula na ring magpanic.

Sino ba kasi to?

She's A Runaway PrincessWhere stories live. Discover now