Chapter IV: First Day Of School

1.3K 25 1
                                    

Mitch's pov.

"O Mitch bat nasa labas ka pa?"

"Mitch?"

"Mitch!"

"MITCH!!!"

Nabalik lang ako sa ulirat nang may biglang sumigaw sa mismong tapat pa talaga ng tenga ko.

Si Kyla lang pala.

"Bakit?" Lutang ko pa ring tanong.

"Sabi ko kako bat nasa labas ka pa. Kanina ka pa tulala diyan. Anyare? Ayos ka lang ba?"

"Ha?" Tanong ko uli. Di ko nasundan yung mga sinabi niya, ang bilis kasi.

"Ha?" Tanong naman niya pabalik.

"Ha?" Tanong ko uli.

"Ha–"

"Ano ba! Ha kayo ng ha! Sumasakit ulo ko sa inyo." Reklamo ni Airine. "Mitch, tinatanong niya kung bat nasa labas ka pa at tulala. Ayos ka lang ba?"

"Ah...wala...wala. At ayos lang ako." Sabi ko na lang bago naunang pumasok sa kanila at dumiretso agad ng kwarto ko. Malamang tatadtarin lang ako ng tanong ng dalawang yun pag di pa ko umalis. At hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila.

Pagod na napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang labi niya hanggang ngayon. Ano bang ginawa niya? Hinalikan,sinipsip niya ang lee-

Napabangon ako bigla nang may mapagtanto.

Dali-dali akong tumakbo papuntang salamin at tiningnan kung anong nangyari sa leeg ko.

What the...

May hickeys!!!

"AARRGGGHHHH!" Hayop na bampirang yun!

Pano ko matatanggal to?! Pano ko matatago to? Lintek na bampirang yun.

Kinusot kusot ko pa to sa pagbabakasakaling matanggal pa to pero wala! Ayaw talagang matanggal!

Patay sakin yung bampira na yun. Akala niya natatakot ako sa kanya huh. Wala akong pakielam kung anak sya ng hari at reyna! Bakit anak din naman-

"Mitch okay ka lang? Bakit bigla-bigla ka na lang sumisigaw diyan." Napahinto ako nang marinig iyon. Base sa boses ay si Airine ito.

"Oo, okay lang ako. May ipis lang kaya ako sumigaw." Palusot ko, although di ko alam kung may nageexist ba talagang ipis sa dorm na to.

Thankfully, mukha namang naniwala siya dahil nakarinig ako ng yabag papaalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papano. Pero...ano ng gagawin ko?

First day ko pa naman bukas. T_T

Sa sobrang pag iisip ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

.

*kinabukasan

Maaga akong nagising at hanggang ngayon ay nagiisip pa rin ako ng paraan kung paano ko matatago tong–basta itong something na ginawa ng lintek na bampirang yun sa leeg ko.

By the way, nakapag uniform na rin pala ako at ang cute talaga ng design nito.

Polo na puti ang nasa ilalim na may linings na black and red sa collar. May neck tie din na kulay red. Yung palda naman ay color black na above the knee. May coat din ito na black na may linings na red sa gilid. Pinaresan ko naman ito ng black boots na hanggang tuhod.

She's A Runaway PrincessWhere stories live. Discover now