Chapter III: He's A Prince?

1.3K 26 1
                                    

Mitch's pov.

PAGDATING ng pagkain namin ay nilantakan ko na agad yun. Grabe nakakagutom palang tumakbo.

At dahil nga binilisan ko ang pagkain ay nauna akong natapos sa kanila. Nabigyan naman ako ng pagkakataong pagmasdan silang dalawa. Si Airine hanggang balikat yung buhok niya at kulay brown yun na curly. Matangos din ang ilong nito at maputla ang balat. Oh well lahat naman ng bampira ay mapuputla. Si Kyla naman mas mahaba ang buhok nito kay Airine at itim na itim ito kaya mas lalong tumingkad yung puti niya. Chubby rin yung pisngi nya at ang cute niya talaga. Parehas silang maganda pero mas maganda pa rin ako hahaha.

But yeah...kidding aside, hindi talaga biro ang looks ng mga bampira dito.

Napatigil ako–maski lahat ng mga nandito, nang marahas na bumukas ang pinto ng cafeteria at isa-isang pumasok ang mga bampirang akala mo nagmomodel sa angas ng paglalakad nila.

Unang pumasok ang isang babae na nasa bungad palang ay naka taas na agad ang isang kilay. Mukhang suplada o masungit. Sumunod sa kanya ang isang lalaki na nakangisi at kamukhang-kamukha niya ang babaeng naunang pumasok, so I therefore conclude na kambal sila. Tapos nasa hulihan naman ang lalaki na nakaheadset na parang walang pakielam sa paligid.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa ginawa nilang 'grand entrance' kuno.

Sino ba sila?

Tsaka ko lang napansin ang mga  bulungan at mga mahihinang hagikhikan ng mga kapwa ko estudyante.

"Who are them? Lakas makagrand entrance ah!"

Nagulat ako ng mabilis na tinakpan ni Kyla yung bibig ko.

Problema nito?

"Ssshhh.....Tone down your voice Mitch. Baka marinig ka nila at pare-parehas tayong malilintikan dito."

Mas lalo akong naguluhan sa inakto niya. Wait...What is happening in the first place.?

Tinanggal ko naman yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

"Okay...okay...hihinaan na pero sino ba sila?" True to my words, hininaan ko na talaga yung boses ko.

"Nakita mo yung unang pumasok na babae diba? That's Shendrix Jane Almania. Mataray yan, masungit, suplada. Halata naman diba? Everyone knows she's a bitch kaya maraming ilag sa kanya. Next is her twin Sherix Miguel Almania also known as the Cassanova prince. Babaero, playboy, malandi, makati, maharo-"

"Airine ang OA mo na, hindi naman halatang may pinanghuhugutan ka?" May panunuksong ani ni Kyla.

Mas lalong napairap si Airine.

"Tsk. Totoo naman, akala mo lahat ng babae patay na patay sa kanya hmmp.!"

May galit ba to dun sa Sherix?

"Anyway lets not talk about that jerk. Next is si Jeremiah Josh Zafante. Sobrang tahimik niyan. Mga malapit na kaibigan lang kinakausap niyan at laging nakaheadset. Onti na nga lang mapagkakamalan ko siyang pipe. So may tanong ka pa?"

"Nakakapagtaka lang, Bakit parang iba yung awra nila? Alam mo yun parang kinakatakutan?" Well. Nakakabother lang kasi.

"Exactly! Kinakatakutan talaga sila dahil matataas ang rank ng family nila dito sa empire natin at sila rin ang Student Council ng school na to kaya takot din sumuway sa rules ang mga estudyante dito."

"Sila lang tatlo sa council?" Tanong ko uli.

"Nope marami pa sila at nakakatakot din yung iba pa."

Napatango na lang ako.

Just thinking of them makes me shivers. I dont want to get engage with any of them as much as possible. Kung gusto ko ng tahimik na stay dito sa academy na to.

She's A Runaway PrincessWhere stories live. Discover now