Chapter I: Vamp Empire

1.9K 35 0
                                    

3 years later....

Mitch's pov.

"MITCH anak! Bilisan mo na sa pagiimpake at aalis na tayo!"

"Opo nay! Susunod na!"

Binilisan ko na nga ang pag iimpake pero bago umalis ay pinagmasdan ko muna ang maliit kong kwarto na nagsilbi ko na ring tahanan sa mga nagdaang taon.

Mamimiss ko to....

*sigh

Bago pa ako maluha ay sumunod na ko sa labas kung saan nag aantay sila nanay at ang nagiisang anak nito na nasa limang taong gulang pa lamang.

"Sorry po sa pag aantay tara na po?"

Nilagay ko na rin ang mga gamit ko sa sasakyan na susundo sa amin patungo sa bagong bahay na pagtatrabahuhan ni Inay. Nagtatrabaho si Inay bilang kasambahay sa isang mansyon at inilipat sya ng amo niya sa isa pa nitong pag mamay-aring mansyon kaya walang nagawa si Inay kundi ang sumunod. Ayaw naman niyang mapalayo sa amin kaya sinama na lang niya kami. Mabuti na lamang at pinayagan siya ng kaniyang mga amo.

Nang umandar na ang aming sinasakyan ay binigyan ko muna ng huling sulyap ang dati naming tinitirhan hanggat sa mawala na ito sa aking paningin.

Napasandal na lang ako at pumikit.

Mga ilang oras pa ay mukhang malapit na kami sa aming destinasyon.

"Nanay malapit na po ba tayo?" Tanong ng kyut na kyut na anak ni Inay na si James at halatang inaantok pa ito.

"Malapit na anak sandali na lang."

Tama nga si Inay dahil onting andar pa ay nasa pinaka gate na kami ng tribong...

"Delatora tribe." Basa ko sa nakaukit dun sa gate.

Delatora tribe. Ayon sa nabasa kong libro, ito ang pinakamakapangyarihan at ang may pinakamataas na ranggo sa lahat ng tribo dito sa Vamp Empire.

Pagpasok pa lang namin ay namangha na agad ako sa ganda ng tribo na ito. Halatang organisado at magaling ang mga pinuno rito.

Nagpaikot-ikot pa ang sasakyan namin at sa wakas ay nakarating na rin kami sa isang malaking mansyon.

Wow.

Napangiti na lang ako dahil napakaganda ng mansyon na tutuluyan namin.

Kahit si james na mukhang inaantok ay nagising at masayang bumaba sa sasakyan.

"Wow ang ganda naman dito nay!" Tuwang-tuwa na ani ni James.

"Oo naman anak at siguradong mas magugustuhan mo sa loob."

Nang pumasok kami ay bumungad sa amin ang dalawang mag asawa na mukhang may edad na pero hindi halata dahil nga mga bampira sila. Sa tingin ko ay ito na ang mga amo na sinasabi ni Inay.

"Nay Delia nakakatuwa naman at pumayag kayong dito na lang magtrabaho sa aming main mansion." Bati sa kanya ng babae.

Ang alam ko kasi ay close na ni nanay ang mga amo niya sa tagal na rin nyang naninilbihan dito.

"Naku! maam nagpapasalamat nga ako at pumayag kayong isama ang mga anak ko dito."

"Ano ka ba naman nay delia wala yun, para ka namang iba sa amin. O sya ipakilala mo naman samin ang mga anak mo." Ngumiti ito sa amin na siya ko namang tinugunan pabalik.

"Eto po si Mitch at ito naman po si james mga anak ko po."
Pakilala ni inay samin ni James.

"Magandang umaga po maam...sir." Bati ko sa kanila.

She's A Runaway PrincessWhere stories live. Discover now