Chapter II: Vampira Academia

1.5K 27 0
                                    

Mitch's pov.

Ok ito na talaga...

Sa oras na tumapak ako sa loob ng academy ay wala ng atrasan ito. Sa oras din na pumasok ako sa loob, ibig sabihin lang nito ay maeexpose rin ako sa ibat-ibang mga bampira maliban kala inay.

At kailangang kong tanggapin ang mga maaaring mangyari sa loob. Sana lang ay hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko. Not now when I came this far...

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinapat sa parang scanner ang ID na binigay sakin ng school nung ienroll ako at maya-maya pa ay unti-unting bumukas ang gate ng kusa.

Nang tuluyan na itong bumukas ay pumasok na agad ako bago pa ko magdalawang isip pang muli. Tsaka magmumukha naman akong tanga kung tutunganga lang ako sa labas diba?

Pinagmasdan ko naman ang bungad ng school at isa lang ang masasabi ko...

Wow.

Ang ganda dito. Sobra.

Kaso nga lang....



Nakakaligaw?!

Hala saan ba yung Headmaster office?! Wala ba silang mapa dito?

"Ahm...excuse me miss?" Sa pangalawang pagkakataon ay napatalon na naman ako sa gulat. Hays..uso na ba ang mang gulat dito??

"Opps..sorry nagulat ata kita. Uhm..If Im not mistaken you're Mitch Alleford right? By the way Im Airine Mozeno and Im here to show you the headmaster office." I was about to say something nang mauna na ito sa paglalakad, so sumunod na lang din ako.

Buti na nga lang talaga at nandito siya kundi kung saan-saan na siguro ako napadpad.

Medyo mahaba-habang lakaran pa ang binaybay namin nang sa wakas ay nasa tapat na rin kami ng pinto ng HM office.

"Pasok ka na. Hihintayin na lang kita dito sa labas." Ngumiti muna ako sa kanya at nagpasalamat bago pumasok sa loob.

Agad akong napanganga sa ganda ng opisina ng headmaster. Like wow...this place screams wealth!

"Miss Alleford?" Nabaling naman ang atensyon ko sa lalaking nakaupo sa sentro ng isang gintong lamesa. Ito na yata yung headmaster?

But then...ibang-iba sya sa iniimagine kong itsura ng headmaster. Ang nasa isip ko kasi ay mataba, may katandaan na, kulubot na ang mga balat at nakakatakot.

But this guy.....


Is freaking H-A-N-D-S-O-M-E.

Napahagikgik naman ako dahil sa mga kalandian na pinagiisip ko.

Okay Mitch kumalma ka. Headmaster pa rin yan, kailangang igalang.

"Miss Alleford."

"Ay gwapo-! Sir bakit ba kayo nanggugulat?!" shit.

Nakita ko namang tumaas ang sulok ng labi niya. Yan huli ka Mitch ang landi mo kasi.

Tumikhim muna ito bago magsalita.

"Miss Alleford I know im definitely handsome no need to state the obvious." He said and gave me a teasing grin.

Na turn off naman ako agad. Mayabang naman pala.

Tinaasan ko siya ng isang kilay pabalik. Neverminding the fact that HE is the one and only headmaster of this prestigious school (although he look young). I mean...he' so confident? And ayoko talaga sa mga ganun. I know gwapo sya pero pwede namang maging humble kahit paminsan-minsan diba?

"Excuse you–? Oh yeah?..Ok? If you say so." Sabi ko na lang.

"What, you don't belie-"

"Can I please have my schedule now?" Putol ko sa kanya. Hindi naman sa bastos ako pero masyado ng humahaba ang usapan. And he really look young kaya siguro nakakakuha ako ng tapang na sagut-sagutin siya.

She's A Runaway PrincessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora