Prologue

2.5K 34 0
                                    

3rd Person's pov.

Mga ilaw na nagbibigay kinang sa loob ng palasyo, ibat-ibang putaheng nakahain sa mahahabang lamesa, mga kulay pulang kurtina sa bawat gintong bintana at mga aligagang katiwala. Ganito ang masasaksihan sa loob ng kaharian ng mga Haverron.  Lahat ay abalang-abala para sa magaganap na okasyon.

Ngunit sa isang malaking silid, dito matatagpuan ang isang nagugulumihanang prinsesa. May nagaayos ng kaniyang kulay gintong buhok, kilay at mahahabang pilikmata habang kinukulayan naman ang kanyang namumutlang labi. Mahahalata rin ang pagiging balisa ng prinsesa sa kadahilanang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang anumang ideya kung bakit may magaganap na selebrasyon sa loob ng kanilang kaharian.

Marami ring imbitadong panauhin na mas lalong nagbigay ng katanungan sa prinsesa. Hindi niya batid, pero masama ang kutob niya rito.

"Mahal na prinsesa pinapatawag na po kayo ng mahal na reyna..." Rinig niyang ani mula sa kanyang likuran.

Huminga muna ito ng malalim at tiningnan ang kabuuan sa harap ng salamin bago lumabas ng kaniyang silid.

Pagbaba pa lamang ay tanaw na tanaw na niya mula sa itaas ang ibat-ibang mukha ng kanilang mga panauhin. Ang iba ay namumukhaan niya, ang iba naman ay hindi.

At nang siya'y makarating na sa pinakahuling baitang, sinalubong na ito ng kaniyang mga magulang na gaya niya ay nakasuot din ng ibat-ibang mga palamuti–kabilang na ang kanilang gintong korona, isang sagisag na nagpapakita na ang pamilya nila ang namununo sa imperyong iyon.

"You look wonderful as ever princess." Bati sa kanya ng kaniyang butihing ama.

"Thank you dad. You and mom look great too." Napahinto siya dahil hindi niya alam kung maaari niya bang itanong ang kanina pang gumugulo sa isip niya, ngunit sa huli ay napagpasiyahan niyang banggitin na rin ito. "But may I ask... bakit napakarami naman po yatang panauhin ngayon? May okasyon po ba? Hindi ko naman po kaarawan ngayon." May pagtatakang tanong ng prinsesa sa nag iisang hari ng palasyong kanyang kinatatayuan. Si King Elmer Haverron.

"Silly, of course we know its not your birthday today princess. " Sabi naman ng kaniyang inang reyna bago tumingin ng makahulugan sa kaniyang ama. Nag usap ang kaniyang mga magulang gamit ang kanilang mga mata bago binalik ang atensyon sa kaniya. "But we're having a big announcement for today." Dagdag ng kaniyang inang reyna, si Queen Elle Haverron.

Nang marinig iyon ay nahulog na naman sa isang malalim na pag-iisip ang prinsesa.

'Ganun ba kaimportante ang anunsyo at kailangan pa talaga ng ganitong kagarbong handaan?'

Iyan ang paulit-ulit na tinatanong ng prinsesa sa kaniyang sarili. Sa huli ay pinili na lamang nitong manahimik at umupo sa nakaayon na pwesto para sa kaniya.

Hindi naman nag tagal ay nagsimula na ang selebrasyon.

"Good evening to everyone. I just want to thank all of the guests for coming–" Narinig niyang panimulang bati ng kanyang ama ngunit hindi na niya narinig pa ang mga sumunod pang mga sinabi nito dahil hanggang ngayon ay okupado pa rin ang kaniyang isip.

"Maybe some of you are wondering why all of a sudden you are invited here in our palace."

"I, the king of this empire, just want to announce that my one and only daughter, Princess Ellaine Haverron is now engage to Ashton Hamston, the eldest son of Sinthia Hamston and Alfred Hamston, the top elites of our empire since both of them are in the right age already. And once they get married they will be the next in the throne to rule the Empire! Im warmyly welcoming here in front–our future King and Queen!"

Nagkaroon ng isang malakas na palakpakan at tumingin ang halos lahat ng panauhin sa prinsesa at sa mapapangasawa nito.

Habang nanatiling nakatulala ang prinsesa dahil hindi niya alam kung tama ba ang mga narinig niya o pinaglalaruan lang siya ng kaniyang pandinig. Ngunit napatunayan niyang tama nga ito nang mapansing nasa kanya na nakatutok ang lahat ng mga mata ng mga panauhin.

Lahat ay mukhang nagaantay sa sunod niyang ikikilos. Ang sinabi naman ng kaniyang ama na mapapangasawa niya ay nasa unahan na rin katabi ng kanyang amang hari.

Walan ng ibang nagawa ang prinsesa kundi ang tumayo at lumapit sa kanyang ama. Tanging pekeng ngiti na lang ang kanyang naihandog sa harap ng mga panauhin.

Natapos ang selebrasyon ng hindi namamalayan ng prinsesa. Nanatili itong tahimik at tulala sa kawalan.

Nang wala na ang mga panauhin ay hindi na nagdalawang isip ang prinsesa na komprontahin ang kanyang mga magulang.

"W-why..why I am getting married? Mom? Dad? You know Im not ready for this yet..."

"Princess, we think this is the right time to give you our throne. Besides you are more powerful than us and I think you can lead our empire well with the help of your husband." Sagot ng kanyang ina.

"B-but...but Im not ready to get married! You know that! And besides... I want to marry the person that I truly love, the person that I chose myself, the person that I want to share my responsibilities with for eternity.. Please your highness Im begging you...I cant do this."

"Anak, this empire needs you. Besides we can't wait for the time that you're already ready. Please understand princess."

"I..I don't understand and I choose not to understand. Im sorry please excuse me. Magpapahinga na po ako."

Tinalikuran na nito ang kanyang mga magulang at nagsilabasan ang masasaganang luha mula sa kanyang mga mata.

No..

'Bakit ba hindi nila ako maintindian? I dont want to get married for pete sake! I'm 18 years old and Im too young for that' the princess said in mind.

Kaya may nabuong ideya sa kanyang isip...

'I'm sorry mom and dad, but I dont want to get married. I need to do this...im sorry...'

Kasabay ng pagtalikod niya sa kanyang mga magulang ay ang pagtalikod niya sa lahat ng kanyang mga responsibilidad. Bilang isang prinsesa ng kanilang emperyo at susunod na reyna ng buong Crimrose Kingdom.

She's A Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon