CHAPTER 61: Juan Danilo

32.8K 592 100
                                    


************

'Hindi pa ba sumasakit ang tyan mo? Inform mo agad kami pag may nararamdaman ka na ha.' Sabi ni DJ kay Kath habang nakahiga ang huli at nakaunan ang ulo nito sa lap ng una.

Silang dalawa lamang ang naiwan sa bahay dahil nasa supermarket ang Aunt at Ang Mama Min nila samantalang nasa trabaho naman ang uncle niya.

Umiling si Kathryn.

'Babe, itayo mo ako. Naiihi ako.'

Marahang sinuportahan ni DJ ang ulo ng asawa at tinulungan itong makaupo ng maayos. Tumayo muna si DJ at iniabot ang kamay kay Kath saka hinila ito patayo.

'Hay, ang bigat ni baby!' Nakatawang reklamo ni Kath habang naglalakad papunta sa CR. Nakasunod lamang ang tingin sa kanya ng asawa.

Muling ibinaling ni DJ ang atensyon sa TV. His right foot stomping to an inexistent music, hindi niya alam kung bakit pero he feels very anxious.

'Ba.' Tawag nito matapos tumayo at sundan si Kath sa CR. Kumatok ito. 'Ba.' Tawag muli niya.

'Hmmm?' Tanong ni Kath mula sa loob.

'Kung pa-admit na kaya tayo ngayon para hindi tayo nagkukumahog 'pag lalabas na si baby.' He suggested.

Hindi sumagot si Kath. Parang napa-praning na si DJ.

'Ba, ang tagal mo yata dyan? Kanina pa a.' Katok muli ni DJ.

'Wait lang babe. Di pa tapos. Konti na lang.'

Pagkuwa'y bumukas na ang pinto at lumabas na si Kath mula sa CR.

'Ano uli yung sinasabi mo?' Tanong nito.

'Sabi ko, magpa-admit ka na kaya para hindi tayo natataranta kung manganganak ka na.'

'Ok pa naman ako babe. Wala pa naman akong nararamdaman.' Ngumiti si Kathryn at yumakap sa asawa. 'Hay, ang mister ko the best talaga o.' She smiled before kissing him on his chin. 'Ang gwapo pa.' And she kissed him more. 'Ang tangkad pa.' At hinalikan niya naman ang labi nito. 'Kaso walang abs.' She joked.

DJ pouted.

'Lika na, nood na uli tayo.' Hinila na ni Kathryn pabalik sa living room ang asawa. 'Ay babe, gawan mo naman ako ng mashed potato.' Paglalambing niya bago pa man sila makaupo muli sa couch.

'Yun lang ba?' Nagyayabang na tanong ni DJ.

Sa lagpas 2 months na pag-stay nya doon, na-perfect na niya ang mashed potato na gusto ni Kathryn. Halos araw araw kasi ay yun ang hinihingi ng asawa. At hindi niya ito kinakain kung hindi si DJ ang gumagawa. It was a series of hits and missed during the first few days pero di nagtagal ay nakasanayan na rin niya kung paano.

'Yun lang po.' She smilingly said.

Tumalikod na si DJ at kasalukuyan nang papunta sa kusina nang tawagin siya muli ni Kath.

'Yes baby?' Lingon ni DJ.

'I love you.'

Bumungisngis naman si DJ at naglakad na muli papuntang kusina.

Nagpapainit na ng skimmed milk si DJ at nailabas na niya ang pre-boiled potatoes mula sa refrigerator nang muli niyang marinig ang mga tawag ni Kathryn.

'DJ!'

He heard her scream.

'DJ!'

Tawag muli nito.

Agad na pinatay ni DJ ang apoy sa gas range at kumaripas ng takbo pabalik sa living room. He saw Kath on the couch, wincing in pain.

'J, manganganak na yata ako.' She tells him, a hand on her bulging tummy.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon