CHAPTER 4: Doubts...

68.9K 716 23
                                    

Tila hindi na makapaghintay si Kathryn sa nalalapit nilang pagbabakasyon ni Daniel sa Paris. Gusto na niyang hilahin ang mga araw sa kalendaryo para mapabilis na lahat. Naayos na rin naman ang schedule nila. Wala na silang mga trabahong kailangang isipin pa.

Maayos ang naging pagpaplano ng kanyang kasintahan. Tiniyak nitong ang date na napili niya ay nagtutugma sa lahat ng schedule nila. April 21 ang departure nila at one week sila mamamalagi doon. After naman ng trip nila ay balik trabaho na uli sila kaya okay na rin kay Daniel kung doon nya na rin maiicelebrate ang kanyang 19th birthday. Nakapagpaalam na rin ang aktor sa kanilang management. Kaya lamang ay binigyan sila ng isang kondisyon kapalit nito: Hindi maaaring malaman ng media ang kanilang pagbabakasyon. She just turned 18 at hindi pa naman nagbibirthday si Daniel. Literally, they're both 18 year olds and sa tingin ng kanilang home studio ay hindi magandang halimbawa ito sa kanilang mga fans lalo na't mangingibang bansa sila ng walang kasamang guardian. Isa pa, hindi pa nila inaamin sa lahat na may relasyon na sila and that they're fully committed. Ang alam pa rin ng mga manonood ay nasa MU stage pa rin sila.

Kaya naman ng ipinalabas sa ABS ang coverage ng debut ni Kathryn ay cut na ang portion kung saan iprenesent ni Daniel ang kanyang birthday gift sa girlfriend. Dahil dito, pinutakte ng mga katanungan mula sa press ang binata kung ano nga bang ibinigay nito sa 'ka-MU'.

'Daniel, kung last year ay isang mamahaling bag ang ibinigay mo kay Kath, ano namang iniregalo mo sa kanya nung debut nya?' Isang interviewer mula sa PEP ang nagtanong.

'Ano ah.. Basta mamahalin din.' Pabirong sagot nya. 'Hinde. Loko lang. Ahm, isang set ng jewelry. May hikaw, kwintas tsaka bracelet.' Pagsisinungaling nya.

'Sinong pumili nun?'

'Siya. Hindi naman nya talaga hiniling yun saken. Basta may mga kinuntsaba ako para malaman ko talaga kung ano yung gusto nya.' Patuloy ang pagkamot nya sa ulo habang sinasabi nya iyon. 'Tapos yon. Nalaman ko nga na yun talaga gusto nya.'

'Anong naging reaction nya nung nakita nya yun? Sa mismong party mo ba yun binigay sa kanya?'

'Ah, no. Ibinigay ko yun before the party. Bale nagpunta ako sa kanila nung pinakamidnight nung birthday nya. Binulabog ko yung kabahayan ng mga Bernardo.' At natawa na lamang siya sa sobrang solid na kwentong nahabi nya on the spot.

Maging ang mga press na nakarinig nito ay napahalakhak din.

'Ano ngang naging reaction ni Kath?' Patuloy na pangungulit nila.

'Ayun. Natuwa naman siya. Tas medyo nainis din kasi pinutol ko daw yung beauty sleep nya!' At muli siyang tumawa.

*****

'Yung vitamins mo at mga meds ni DJ, ok na ba?' Tanong ni Mama Min kay Kathryn.

On the way na sila sa airport habang si Daniel naman at ang mother niya ay pareho nang naghihintay dun. Nagkasundo ang dalawang nanay na ihatid kahit man lamang sa airport ang mga anak.

'Yes Mama. Andito na po sa hand carry ko yung vitamins. Yung kay DJ, iaabot na lang nya sakin mamaya para ako na lang mag-keep. I've reminded him already naman na about dun.' Sagot naman ni Kathryn na hindi na mapigilan ang excitement.

'Mag-ingat kayo dun Kathryn ha? Yung mga sinabi namin ng papa mo. Ipinaalala ko na rin kay DJ na dalawang room ang ipa-book. Hindi kayo magkatabi matutulog. Naiintindihan mo ba Chandria?'

'Mama...' At isinandal ni Kathryn ang ulo sa balikat ng ina. 'Don't worry po. Hindi kami magtatabi ni DJ matulog.' Natatawang sabi nito. 'Si Mama talaga o..'

Pagkababa nila mula sa van ay sinalubong agad sila nina Karla at Daniel. Yumakap ang binata sa ina ni Kathryn at pagkatapos ay hinalikan naman nito ang noo ng kasintahan bago tinulungan ang driver ni Kath na ibaba ang mga maleta nito.

'Ba!' Natatawang pagtawag ni DJ. 'Wala ka na bang planong umuwi? Ang bigat ng maleta mo! Baka mag-over yung weight nito.' Pagbibiro nya.

'Tinimbang ko yan sa house before we left Pot. Hindi yan mag-eexceed.' Sabi nya sa kasintahan matapos nitong lumapit.

'Maging OK sana sila dun.' Nag-aalalang sabi ni Mama Min kay Karla.

'Ate Min, hayaan na lang muna natin sila. May tiwala ako kay DJ. Hindi nya papabayaan si Kath. Tsaka kahit medyo shushunga shunga yang si DJ, matalinong bata naman si Kath. Hindi naman siguro sila maliligaw dun.' Karla assures her habang nakasunod sa magkatipan.

'Hindi lang naman yun ang inaalala ko e.' Bumuntong hininga si Min.

Naintindihan naman agad ni Karla ang nasa isip ng isa pang ina.

'Araw araw ko nang pinapangaralan si DJ, Ate Min. At nangako naman siya saken. Malaki talaga ang tiwala ko dyan sa anak ko. Kapag sinabi niyang hindi mangyayari. Alam kong hindi. Tsaka si Kath din naman. Nakakausap ko rin paminsan minsan. Hindi nila sisirain ang pagtitiwalang ibinibigay natin sa kanila.'

Ngumiti na lang si Min kay Karla bilang tugon.

*****

'Nakakatawa si Mama..' Bulong ni Kathryn kay Daniel habang nakasandig ang ulo nya sa balikat ng huli.

On the way na sila sa HongKong. Ang kanilang stop over. From there, one and a half hour silang maghihintay para naman sa connecting flight nila to Paris na aabutin naman ng 13 hours.

'Bakit?' Hawak hawak ni Daniel ang kamay ng dalaga habang masuyong pinipisil pisil iyon.

'E kasi pinalabas uli kagabi sa HBO yung Taken. Tas napanood niya. Tapos parang ayaw na niya akong payagan.' Nakangiti siya habang nagkkwento.

'Ilang beses ko bang sasabihin kay Tita Min na hindi kita papabayaan?' Seryosong sambit ni DJ. 'Tsaka fictional naman yun e. Si Tita talaga masyadong paranoid. Syanga pala Ba...'

'Hhmmm?'

'Isang room lang ang pinabook ko.'

Napatingin si Kathryn kay DJ at halos singlaki na ng mga plato ang mga mata nito.

'Pottie!' Kinurot kurot niya ang braso ng boyfriend. 'Pls. Tell me you're joking.'

'Of course not.' Sabi nya sabay akbay kay Kathryn. 'Bakit? Ayaw mo ba akong makatabi matulog?' Ngumisi ito at kumindat. 'E db, dati naman...'

'Stop it DJ!' Pagputol ng dalaga sa sinasabi ni Daniel.

Nahihiya kasi sya sa tuwing mauungkat ang mga pagkakataong hindi lang iisang beses na halos mawala sila sa sarili. Kung hindi lamang siguro sa mga katok sa pinto ng kwarto nya, siguradong sa iba na mapupunta ang kapusukan nila. At dahil may pagkapilyo ang nobyo, ito ang gustong gusto niyang ipang-asar sa kanya.

'Magagalit sayo si Mama.' Simangot ni Kathryn.

'Bakit. Malalaman ba niya?' Bulong nito sa kanyang tenga.

'DJ naman e. Seryoso ako.'

'Seryoso din naman ako a.'

'DJ, it's not funny. Please tell me you're kidding. Or else.' She threatens him.

'Or else, what?' Panunubok naman nito.

'Pagbaba natin sa HongKong, I'll find the earliest flight para makabalik ng Pilipinas!' Pananakot nito.

Mukhang umepekto naman.

'Ang KJ mo talaga kahit kelan, Ba.' At inakap nya si Kathryn. 'Oo na. Joke lang yun.'

Nakahinga ng maluwag ang dalaga.

'We'll be staying in Hotel Montholon. As promised kay Tita Min, two rooms.' At hinalikan nya ang noo ng girlfriend.

'That's good to know.' Ngiti ng dalaga bago ipinikit ang kanyang mga mata.

'Two rooms pero may connecting door.' Huling hirit ni DJ before he received a power punch from Kathryn.

******

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon