CHAPTER 43: I'll Take You Back To The Start

37K 442 28
                                    


*********

'Last week, mga kaibigan ay nakapanayam ko dito sa The Buzz ang pinakamatapang na 18 year old today. At least for me.' Panimulang sabi ni Boy Abunda sa pagbubukas ng kanilang pang-linggong programa. 'Mamaya naman po, ay makakausap natin ng live ang kanyang other half. Ang sabi nga nya ay 'partner for life'. Eversince naman na nakilala ko itong batang ito ay alam ko ng palaban siya. He was 16 when I first interviewed him and may ngipin talaga ang mga salitang binibitawan niya. Mga kaibigan, abangan po natin mamaya. Daniel Padilla.'

And cut.

Tila nagkagulo ang mga tao sa set ng The Buzz matapos dumating ang tinaguriang 'Man of the Hour'. Ilang oras pa lang ang nakakaraan mula nung dumating si DJ mula sa Davao kung saan siya nagkaroon ng provincial show. Mula sa airport ay dumirecho na sya sa bahay nina Kathryn.

Walang sinabi sa kanya ang kasintahan at panay yakap at halik lamang ang ginawa nito ngunit alam nyang may bumabagabag dito. Nakumpirma lamang ang kanyang mga katanungan nang pinaupo siya sa living room ng bahay ng mga Bernardo ng kanyang Tita Min para kausapin.

'Kath has been pulled out from the movie.' Sabi ni Min saka ito bumuntong hininga.

Napakapit naman sa braso niya si Kathryn.

'Po?' Gulat na gulat na tanong ni DJ.

'Nagulat ka rin diba? Kami din e. She'll be replaced by Jane.'

'Ano pong sabi nila? Bakit naman ganun, Tita?' Hinawakan ni DJ ang kamay ni Kathryn at hinigpitan iyon matapos mapansing tila yumuyugyog na ang balikat ng katipan.

'Sabi nila, they're rushing the movie para mahabol dun sa scheduled showing. They can't take the risk of 2 weeks leave of Kath. Kung kukuha daw sila ng ibang artista, tuloy tuloy pa rin ang shooting.'

'E bakit hindi nila agad sinabi sa amin nung nandun kami? Nakakainit naman ng ulo yung mga yun o. Ang paplastik nila! Meron pa silang pasabi- sabi ng 'You take care Kath. We'll wait for you.' Tapos, ganito?' Nagpupuyos na ang damdamin ni DJ.

'Babe.' Sinusubukang pakalmahin ni Kath ang binata.

'Kalma DJ. May guesting ka pa mamaya.'

'Pero Tita...'

'Okay na yun. After manganak naman ni Kath, naka-line up pa yung ibang projects niya e. Hindi lang maganda kung paano ang naging treatment pero tanggap naman na namin.'

Malungkot na tiningnan ni DJ si Kathryn na kasalukuyang nakahilig sa kanyang braso.

'Ngayon, may pag-uusapan pa tayo.'

Hindi alam ni DJ ngunit tila kinabahan siya sa pagkakasabing iyon ng ina ng girlfriend.

'DJ, alam naming hindi nyo talaga kayang mahiwalay sa isa't isa ni Kath.'

Sa pangungusap pa lamang na iyon, mukhang alam na ni DJ ag kahahantungan ng usapan.

'Kaso, meron talagang sukdulan ang lahat. Please realize na hirap na hirap na si Kath.'

Humigpit ang hawak ni Kathryn sa braso ni DJ at napahalik na lamang ang binata sa bumbunan nito.

'Kung hindi mo kayang mahiwalay sa kanya ng sandali, gawin mo na lang para sa baby nyo. Gasino na lang ba ang 7 months diba? Napag-usapan na namin 'to kanina ni Kathryn e. Yung Star Magic kasi, nagbigay din ng ibang options para kay Kath. Nahirapan siyang mag-decide pero mas nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon DJ. Intindihin mo na lang, please?'

'Aalis po kayo? Iiwan mo ba ako Ba?' Malungkot na tanong ni DJ kay Kathryn.

Dahan dahang tumango si Kath at parang nabasag ang puso ni DJ sa pagkakataong iyon. Kung meron man siyang kinatatakutan, iyon ay ang humantong sila sa ganoong sitwasyon.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now