CHAPTER 31: May Tainga ang Lupa

43.5K 439 32
                                    


***********

'Kaso babe...'

Kinabahan agad si DJ sa narinig. Ano na naman kayang hihilingin ni Kathryn?

'Ano yun?' Mabait na sabi ni DJ bago nito inakbayan ang kasintahan.

'Gusto ko sabay tayo kumain.'

Nakahinga ng maluwag si DJ. Maglalambing lang naman pala si Kathryn. Akala niya ay may hihilingin na naman ito. Ang bilis na niyang ma-paranoid.

'Sabay?'

Tumango si Kathryn.

'Yun lang pala e. O halika na, kumain na tayo. Manang!'

Hinila ni DJ ang isang upuan at pinaupo dun si Kathryn bago ito umupo nang kanya.

'How was your meeting babe?' Tanong ni Kathryn habang ipinaghahanda sila ni Manang ng pagkain.

'Ok lang. Shampoo endorser na ko Ba!'

'Really?' Bakas na bakas ang excitement sa mukha ni Kathryn.

'Yup. Head and Shoulders.' Ngiti ni DJ. Inilapit niya ang upuan kay Kathryn at ipinagsandok ito ng kanin sa isang plato.

'Thanks babe.' Pasasalamat ni Kathryn habang pinagsisilbihan sya ni DJ.

DJ smiles again before he kisses Kath's temple.

'Hay, mahal na mahal talaga ni tatay si baby!'

'Mahal na mahal din ni baby si tatay. Diba, baby?' Kunwa'y sabi ni Kathryn sa kanyang tiyan.

'E ang baby damulag ko, mahal din ba si tatay?' This time, niyakap naman ni DJ si Kath.

'Hindi lang mahal. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal.'

Wagas ang ngiti ni DJ nang marinig ito mula kay Kathryn. Hindi naiwasan at nanggigil na si DJ sa girlfriend.

'Aray!' Kath shrieks as DJ squeezes her.

'Ay sorry Ba.' Bungisngis ni DJ bago nito muling niyakap si Kathryn.

'Babeee!' Palirit na naman ni Kathryn nang pigain na naman siya ni DJ.

********

Hindi pa man napapangalahati ni Kathryn ang kinakain ay sumama na ang pakiramdam niya. It's as if an invisible hand gets into her mouth, rummaging through her throat.

Tutop ang kanyang bibig, agad siyang tumakbo sa may kitchen sink. Agad na sumunod sa kanya si DJ.

'Babe...' Iyak ni Kathryn matapos niyang subukang iluwa lahat ng kinain ngunit ang tanging lumabas lamang ay tubig na may halong acids.

'Sshhh...' Niyakap ni DJ si Kath at hinagod hagod ang likod nito.

Ilang sigundo lamang ay napadukwang na naman si Kath sa lababo.

'Gusto mo punta na tayong doktor?' Nag-aalalang tanong ni DJ. 'Ano bang nararamdaman mo? San masakit?'

Umiling iling habang umiiyak si Kathryn. Hindi talaga maganda ang nararamdaman niya.

'Tulog na lang muna ako J. Natatakot na uli akong kumain e.' Sabi nito at inalalayan na lamang siya ni DJ paakyat sa kanyang silid.

**********

Kapapasok pa lamang sa loob ng kwarto niya si Karla nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

'O, Lola Doms.' Sagot nito sa tumawag.

'Karla! Totoo ba tong nababalitaan ko tungkol sa apo ko?'

'Kay DJ? Anong bago na namang tsismis ang naririnig mo dyan sa mga kumare mo dyan?' Baklang baklang tanong ni Karla.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon