CHAPTER 30: Ano Na Naman This Time?

42.8K 428 16
                                    


**************

'DJ! Hanggang anong oras ka ba dyan?' Tanong ng kanyang Tito Dho.

Nakailang tawag na sa kanya ang bestfriend ng kanyang ina within the last 2 hours at hindi pa rin sya makaalis sa bahay nina Kathryn.

'Tito Dho, sunod na lang ako dun. Pakidala na lang nung isusuot ko.' Bulong niya.

He was lying on Kathryn's bed as her head rests on his chest.

'Kakatulog lang po ni Kath e. Baka pag gumalaw ako dito, magising siya agad.' Dagdag niya.

'Hay naku talaga oo!'

'Yung bagoong po?'

'Wala pa ring nahahanap. Grabe naman maglihi yang si Kath, DJ! Hindi ba pwedeng normal na bagoong na lang?'

'Umiiyak kasi Tito e. Ayoko namang sumama ang loob sa akin. Baka pati yung baby namin, masama loob sa akin paglabas.'

Kath stirs a bit before she rolls away from him and settles on the other side of the bed.

'O sige po Tito Dho. Kita na lang tayo dun.' And he drops the call.

Unti unting tumayo mula sa kinahihigan si DJ.

'Mga baby, alis muna si tatay ha. Love you.' He whispers before he kisses Kath's forehead.

*******

Patakbong lumabas ng kotse si DJ upang puntahan si Dho na naghihintay sa parking lot.

'San na yung damit ko Tito?'

'Eto. Inayos na ni Ton lahat.' At iniabot nito ang ilang hanger ng damit. 'Ikaw bata ka o.'

'Akin na.' Hinablot niya ito at pumasok sa likod ng kanyang GMC na dala ni Dho.

'Diyan ka na magbibihis?'

'Dito na po!' Nagmamadaling sagot ni DJ habang nagtatanggal ng kamiseta.

Hindi pa lumagpas ng sampung minuto at lumabas na ng sasakyan si DJ. Nagsasara pa ito ng ilang butones ng kanyang polo habang papalapit kay Dho.

'Tito yung bagoong Balayan ni Kath? Meron na?'

'May nahanap na ang mama mo. Naku. Pasalamat ka. Hindi talaga kayo matiis ni Karla.'

'Wow. Ang bait naman ni Mama. Kaninang umaga halos isumpa na rin ako a.'

'E hindi ka nga matiis e. Lalo na si Kath. Sya na lang din daw ang magdadala.'

Tumango tango si DJ.

'Yun naman pala e. Pinaliguan pa ako ng mura kagabi. Hindi rin pala kami matitiis.' Ginulo gulo niya ang buhok saka muling inayos. 'Pengeng oil blotter Tito.'

'Nagtatampo ka sa mama mo?'

'Kanina. Ngayon hindi na masyado.'

'Mama mo yun Deej. Inaalala lang nun kayong dalawa ni Kath. Kung paano niyo ihahandle pareho yung nangyari. Kung may mas makakaintindi man kay Kathryn e si Karla. Pareho silang nagmahal. Pareho silang nabuntis ng maaga.' Pangaral ni Dho. 'Alam niya ang hirap DJ. At alam niyang hindi biro ito sa inyo lalo na kay Kathryn.'

Matamang tiningnan ng binata ang kaibigan ng kanyang ina. Nasa isip na tama naman ang pinupunto niya.

'Siguro ang pagkakaiba lang nila ni Kath ay hindi kami mag-iiwanan. Si Mama, lumayo kay Papa. Si Kath, kung gawin man niya yun, kahit baliktarin ko pa ang mundo, gagawin ko makita ko lang siya uli.' Seryoso ang tono ng boses ni DJ.

'Hindi naman siguro gagawin ni Kath yun.'

'Kung walang mamimilit. Sigurado akong hindi. Pero pag inipit na sila, natatakot ako Tito Dho, baka mapilitan sila na ilayo si Kath sa akin.'

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now