CHAPTER 41: Domestication

36.3K 391 41
                                    


************

'Ba, gising na...'

Kath opens up her eyes to that familiar smell and smiles.

'Kamusta tulog mo?' Tanong ni DJ.

'Ayun. Napanaginipan kong pinapagod mo ako.' She jokes.

'Anong panaginip? Totoo yon no!'

Ngumiti muli si Kathryn at hinila pataas ang kumot upang matakpan ang kanyang kahubdan.

'Parang ayaw ko pang bumangon, babe. Ang sakit ng katawan ko.'

Pinamulahan ng mukha si Dj sa narinig.

'E diba, may pictorial ka mamayang 2PM? 11:30 na o.'

'Shower na lang muna ako. Hatid mo ba ako?' Paglalambing ni Kath.

'Oo naman. Pero kumain ka muna o. Ginawan kita ng brunch. Hehe...' And he shows her the tray which he put atop the bedside table.

Her eyes widen upon seeing a plate of perfect scrambled eggs, bacon and french toast. Sa tabi nito ay may maliit na bowl ng mixed fruits, isang basong fresh milk at ang mas lalong ikinatuwa pa niya ay ang isang rose na nasa long neck crystal vase.

'Ikaw nagluto?' She asks him skeptically.

'Oo naman. Kain na o. Para di malamigan tyan mo habang naliligo ka.'

DJ spoons some eggs and offered it to Kath.

'Wait lang. Ayos lang ako ng higa.' She wraps the blanket more securely around her upper body and tries to slide up.

Ibinaba naman ni DJ ang kutsarang hawak at tinulungan niyang maayos ang unan sa likod ni Kath.

'Ok na?' Tanong ni DJ.

Tumango si Kathryn at ngumanga.

'Ikaw ba talaga nagluto nito?' Tanong ni Kath through mouthful of eggs.

'Oo nga.'

'E bakit ang sarap?'

'Wala ka bang bilib sa akin?'

Ngumiti ng pilya si Kathryn.

'Madami akong bilib sayo. Bilib na bilib nga ako sa ano e...'

'Saan?'

Kinuha na ni Kath ang kutsara't tinidor mula kay DJ and she starts feeding herself.

'Wala.' Iling ni Kath habang nangingiti.

'Saan nga?'

'Ayokong sabihin. Magyayabang ka lang.'

'Sabihin mo Kathryn, kundi kikilitiin kita!'

'Kumakain pa ako. Mamaya na.' Dinampot niya ang french toast tsaka kinagat ito.

'Ba, naman e. Saan ka nga bilib sa akin?'

'Bilib ako sayo kagabi hanggang madaling araw! Masaya ka na?' And she hides her face on her palms.

Napangiti naman si DJ.

'E tinigang mo ba naman ako ng ilang buwan, syempre naipon!' He jokes. 'Pero seryoso Ba, ok ba? Hindi ba kita nasaktan?'

'Ano bang klaseng tanong yan babe? Pwede wag na lang natin pag-usapan?' And she spoons some fruits.

'Wag pag-usapan? Hindi ka nasiyahan? Ba naman! Kelangan ko ng feedback!'

'Bakit kelangan mo ng feedback?'

'Para alam ko kung may iiimprove pa ba ako.'

'Sira ulo.' Kinuha ni Kath ang katabing unan at inihampas yun sa mukha ng kasintahan. 'Tapos na ako kumain. Tanggalin mo na yan. Maliligo na ako.' She points at the tray on her lap.

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now