CHAPTER 1: The Baby is Now a Lady (Part 1)

108K 1K 77
                                    


**********

'Anong birthday gift ni DJ kay Kath?' Tanong ni Kiray kina Julia at Miles habang hinhintay nilang lumabas ang kanilang kaibigan.

18th birthday na ni Kathryn. Debut. Sinasabing ang pinakahihintay ng mga babae sa kanilang buhay bukod sa makita ang taong makakasama nila sa panghabambuhay.

Para kay Kathryn, matagal tagal na panahon na rin mula nung nangyari na ang huli. Medyo maaga pa kung iisipin nila pero sa puso at isipan niya, si Daniel na ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. At ipinagdadasal niya na hindi na magbabago iyon.

Nahirapan man sila noong una, napatunayan naman nila na sila talaga ang para sa isa't isa. Hindi naging madali na itago iyon.

Unang pagkikilala: Isnaban.

Wala lang.

Nagkaroon sila ng project together at dun na nagsimula ang lahat.

Ayon nga sa isang kasabihan:

'Lucky is the man who is the first love of a woman. But the luckiest is the woman who is the last love of a man...'

Napatunayan na ni Daniel sa kanya iyon. Kesehodang masaktan na ang huli wag lang s'ya. Ipaglaban s'ya at ipagsigawan sa lahat kung gaano siya kaimportante sa kanya.

Just thinking of everything they have gone through was enough to make her teary eyed. Maingat n'yang pinahid ang luhang namumuo sa sulok ng kanyang mga mata bago siya huminga ng malalim. Narinig n'ya ang tugtog ng orchestra matapos ang isang visual presentation sa isang malaking screen sa may entablado.

Ngumiti siya.

Marahang itinaas ang kanyang gown at unti unting humakbang pababa sa hagdanan.

Lalong lumuwang ang kanyang ngiti ng mapansin niya sa may baba ng hagdan ang kanyang escort para sa gabing iyon. Si Daniel.

Hindi pa siya nakakapangalahati pababa ngunit sinalubong na agad siya ng binata at kinuha ang kanyang kamay.

'Happy Birthday, Ba.' Nakangiting bati n'ya dito. 'I love you.' Dagdag pa niya na pabulong.

'Love you too, Pot. Salamat.'

Narinig na nila ang palakpakan ng mga bisita habang pababa na sila. Todo alalay si Daniel sa dalaga dahil sa haba ng suot nito at sa taas ng kanyang heels.

Nasa huling hakbang na si Kathryn ng medyo matapilok ito.

'Ooopsss...' Sabi ni DJ. 'Yang Louboutin mo kasi. Itatapon ko lahat ng mga 'yun e.' Pagbibiro niya.

'Sabihin na nating sa sampung Louboutin ko, walo dun ay bigay mo. Ano? Itatapon mo pa ba?' Balik naman ng debutante na nakangiti.

'Ganung kadami na ba ang naibigay ko sa'yo? Shet. Magkano na lahat 'yun kung iaadd mo? Tatlong kwarto na sa dreamhouse natin 'yun a.'

Siniko naman siya ni Kathryn.

'Sinabi ko ba sa'yong bigyan mo ako? Nagkusa ka sa lahat ng iyon.' Tugon niya.

And she pouted.

'Ganda mo talaga, Ba.'

At pinisil ni DJ ang tungki ng ilong niya.

'Pottie...' Naiinis na inalis ni Kathryn ang kamay ni Daniel sa ilong niya. 'Masisira make up ko.'

'Paretouch ka na lang kela Kuya Mike at Ate Den mamaya.' Ngiti ni Daniel bago nito muling pinisil ang ilong nya. 'Dalaga na ang baby ko...' Panggigigil n'ya.

'EHEM... Mic test. Check...'

Tumigil sa pagkukulitan ang dalawa ng marinig ang boses ng emcee para sa gabing iyon.

'Bilang solid na solid ang kulitan ng magjowa dun sa harap, etong mga guest na lang dito ang kakausapin ko.' Si Vice Ganda.

Nagtawanan naman lahat ng panauhin.

'Eto. Eto muna ang tanungin natin.' At hinila niya patayo si Miles. 'Miles, Bestfriend, anong masasabi mo sa haba ng buhok ni Kath ngayon?'

Muling nagtawanan ang mga guests.

'Joke lang. O sige. Akyat na nga ako dun. Eto kasing dalawa na 'to e. Pormal na okasyon, PBB Teens ng PBB Teens!' Walang puknat ang pagbibiro nya habang paakyat ng stage upang puntahan ang pares.

Lumapit siya kay Daniel at inakap ng konti. Tinapik naman ng huli ang likod niya.

'Hi there, birthday girl!' Bati nya kay Kathryn bago niya ito inakap din at hinalikan sa pisngi. 'Ang ganda ganda mo ngayon girl. Dalagang dalaga ka na.'

'Thank you.' Matamis na ngiti ni Kathryn. 'At sa lahat po ng pumunta ngayon, maraming maraming salamat po.'

Kinuha ni Daniel ang kamay ni Kath pagkatapos at inihatid siya sa isang magandang silyang nasa gitna ng stage. Dahan dahang umupo si Kath habang todo alalay pa rin ang binata.

'Dito ka daw muna Ba. Tas dun ako.' Turo ni DJ sa isang bakanteng upuan sa table ng pamilya ni Kathryn.

Ngunit bago umalis si DJ ay hinalikan niya muna ito sa sintido.

'O halika na muna DJ.' Aya sa kanya ni Vice na nasa baba na uli ng stage.

Bumaba si Daniel at bumeso kay Tita Min. Kinamayan naman niya si Tito Teddy bago umupo. Isa isa din niyang binati ang mga kapatid ni Kathryn.

'Good evening everyone.' Muling sabi ni Vice. 'Welcome to the 18th birthday party of our very beautiful debutante who is now turning into a fine lady. This is quite an important event in her life and she is very much honored for your presence. Like Wendy in Peter Pan, no more fairy tale stories every night. She is now a real lady as she steps onto the much higher level of what we call LIFE.'

Muling nagpalakpakan ang mga guests sa introduksyon ni Vice.

'Pero bago natin ipagpatuloy ito, isang ice breaker muna.' Masayang pagpapatuloy ni Vice. 'Eto, random lang 'tong gagawin natin.'

At lumapit siya sa mga mesa na kinaroroonan ng mga panauhin.

'Now, who really is Kathryn Chandria in the real sense of her name? Syempre, bukod sa pagiging mabait at responsableng anak, kaibigan, kaklase o ka-MU...'

Parehong natawa sina Kathryn at Daniel sa narinig.

'Meron pang mga bagay na alam ng iba pero hindi naman alam ng iba. Katulad nito...'

At lumapit siya kay DJ.

'Daniel, anong alam mo kay Kathryn na hindi alam ng parents niya?'

Natawa lalo si Daniel.

'Uhm, hindi ko alam kung alam 'to nina Tita Min at Tito Teddy e. Pero baka alam na nila...' Nahihiyang sabi ni Daniel. 'Kahit endorser po siya ng Coke, hindi niya po kayang umubos ng isang Coke in can.' Napakamot na lang ang binata sa sinabi.

'Ang ganda ng trivia mo DJ a. Balak mo pa yatang tanggalan ng endorsement si Baby Girl. Alam nyo po ba yun, Tita and Tito?'

Umiling ang mag-asawa.

'Hanep ka talaga Padilla!' At naghigh five ang "mag-tiyahin".

***********

***Nishi's Note***

*Ayoko na sana ibalik 'to kasi korning korni ako sa pinaggagawa ko nung 2013. Kaso gusto ko ibalik ung Part 2 e. 😅

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Where stories live. Discover now