OO1

8.7K 76 297
                                    

"Hoy! Akin na nga kasi 'yang pagkain ko!"

"Madamot ka, kaya dapat kinukuhanan ka ng pagkain!"

"Ang sakit niyo sa tenga tangina ha."

"Wag kang makinig, napakadali e."

"Magbigay-galang naman kayo sa maganda!"

Umagang-umaga ay ayan kaagad ang narinig ng bagong dating na si Seokmin, masyado na siyang immune kaya naman hindi na bago sakanya 'to. Jusko, pag nagsama-sama ang mga 'yan pwede ng palitan yung manok nila Soonyoung na si Coco.

"Hello sa mga panget kong kaibigan!" Bungad naman ni Seokmin sakanila, tiningnan nilang lahat si Seokmin ng masama. Yung tipong mamatay na-- joke.

"Buti kami panget lang, ikaw kabayo. HAHAHAHAHAHA." Sabi ni Soonyoung.

"Nagsalita 'tong walang mata." Sabi ni Jeonghan habang nanalamin, bes, ano ba? Mas maganda ka pa sakin, alam na namin 'yan. Enge genes-- charot.

"Sana hindi ko kayo maging kaklase." Hay nako Jehun. Alam naman namin na gusto mo din silang maging kaklase, lalo na si Soonyoung, pa-shy effect ka pa. Sakto naman na tiningnan siya ni Soonyoung-- OHMAYGADUE ang landi.

"Sa tingin mo, gusto ka naming maging kaklase?" Walang ganang sagot ni Minghao kay Jihoon kaya naman sinamaan ng tingin ni Jihoo itong Thug Hao na 'to. Baka anuhin ka niyan. Hehe. Ng gitara kasi, mga utak niyo.

Unang araw ng pasukan, maaga pa nga e. Napag-usapan lang nila na maaga silang papasok kasi ano... ano... wala lang, pake niyo daw ba. Joke. Lagi kasing huling nagigising si Jihoon kaya nagpumilit sila Seokmin na mag-sleep over sila sa bahay nila Jihoon. Muntik na nga silang mahampas ng gitara dahil sa sobrang ingay nila.

Pero ayun nga, iniwanan na nila si Mingyu doon. Ayaw pa bumangon.

"Mga mamsh, may nakita akong gwapo kanina! Kaso magilagid, pero mapagtiyatiyagaan na!" Sabi ni Jeonghan, hindi na bago kay Seokmin kung ganyan si Jeonghan. Nung nagpasabog ng kalandian, sinalo niya lahat.

"Betch siguraduhin mong pogi kundi ipapalapa kita kay Seokmin!" Sabat kaagad ni Seungkwan, napatingin naman sakanya si Seokmin.

"At bakit mo sakin ipapalapa 'yan?!" Sabi ni Seokmin habang nakapameywang kay Seungkwan.

"Kabayo ka e." Diva Boo is lyf.

"Tigil nga parang mga ewan 'tong mga 'to." Sagot naman ni Jeonghan. "So, ayun nga mga mamsh! Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero sana maging kaklase ko! Lalandiin ko este magpapakilala ako tapos ayun na. Omg, kinikilig ako."

Napailing nalang si Seokmin, may nakita din kasi siyang gwapo kanina habang papasok sa main gate ng school. "Ako din may nakitang gwapo mga hangal!" Proud na sabi ni Seokmin pero walang nakinig sakanya, ganyan nila kamahal si Seokmin.

"Grabe kayo sakin!" Maktol niya pa, kaya tinawan nalang nila si Seokmin. "Balakayojan, basta ikwekwento ko."

"Kasi ganito, ehe ehe. Teke leng mge memsh--" Naputol ang sinasabi niya ng kunin ni Jihoon ang bag niya at akmang ihahampas na kay Seokmin.

"Joke lang Jihoon! Eto na nga, aayos na. Ehem. Kanina kasi habang papasok na ako--" Natigil na naman si Seokmin dahil may umepal este may sumabat na naman.

"Saan pumasok? Ikaw ha." Iba na naman ang tingin ni Sunyang. Nakakaloka ka beshy. Kaya ayun, nabatukan nilang lahat.

"Epal. Nakasabay ko siya pagpasok sa gate, mukhang bago lang dito pero gRABE ang gwapo! Ang amo ng mukha! Pak!" Nagsitanguan naman 'yung iba. Si Jeonghan lang ata 'yung interesado.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now