CHAPTER 19: Avengeful and Mincing Innocent Demon

4 0 0
                                    


(Carrelliel Maiden Vanlly's P.O.V.)

Pinupunasan ko ng bimpo na ibinabad sa maligamgam na tubig ang noo ni Sienna.

Mag-iisang buwan na rin simula ng mangyari ang battle sa Arena. At heto si Sienna, hindi pa rin nagigising. Ewan ko nga kasi sabi naman ni Nurse Fiara successful naman daw ang operasyon kaya wag na daw kami mag-alala. Pero syempre natural lang na mag-alala kami kasi kaibigan namin 'tong si Sienna.

Si Quaira at Yier naman ay umalis. May meeting daw silang guild. Napansin ko nga na napapadalas ang meeting nila pero ni isang impormasyon walang sinasabi si Quaira. Syempre nahihiya naman akong magtanong 'tsaka ano bang pakialam ko dun di ba? Pero palagi naman nilang binibisita si Sienna pag may free time.

Tumayo ako at pumunta sa may kalendaryo. Kinuha ko ang marker at nilagyan ng X ang petsa ngayon.

Ginagawa ko 'to para malaman kung ilang araw bago magkakamalay si Sienna.

Matapos kong gawin iyon ay kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng infirmary. May klase pa kasi ako ehh.

"Carrelliel!"

Napalingon ako ng may tumawag sakin.

"Kumusta na si Sienna?" Tanong ni Reina na ngayon ay sumasabay na sakin sa paglalakad.

"Ok naman. Pero wala pang nakaka-alam kung kailan sya magigising. 'Tsaka kung may vacant time ka, pwede mo naman syang bisitahin." Sabi ko naman sa kanya.

"Sige ba. Baka mamayang hapon siguro." Sabi naman nya.

"Ano yun?" Tanong nya habang nakatingin sa isang banda kung saan nagkakagulo ang mga estudyante.

"Tara puntahan natin." Sabi ko 'tsaka sabay kaming tumakbo papunta sa umbok ng mga estudyante.

Nakipagsiksikan kami hanggang makita namin ang nasa gitna.

Agad akong napapikit ng makita ang isang nakakasukang senaryo.

Dalawang men in black at isang babae na bangkay na. Nakatali ang tatlo ng magkakatalikuran at pare-parehong may tama ng palaso sa kaliwang dibdib. May mga tama rin ng baril sa noo na bull's eye ang pagkakatira.

May nakasulat din sa isang puting rectangle na plywood gamit ang dugo na..

'All will expiate in the deed of one '

Ano daw?

Lahat magbabayad sa ginawa ng isa?

Sino ba may gawa nito?

Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan ito ng picture.

Pero may nakakasilaw na bagay sa pagitan ng dalawang men in black kaya medyo di maayos sa part sa 'yon ang pagkakakuha ng picture. Nasisinagan kasi ng araw kaya nakakasilaw.

Ano yun?

Lumapit ako kay Reina at pasimpleng lumapit sa tenga nya.

"Reina, kunwari itulak mo 'ko. Bilis!" Bulong ko sa kanya.

"H-ha? B-bakit naman kita itutulak?" Nanlalaking matang tanong nya.

"Basta. Bilis na." Sagot ko naman sa kanya.

At bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

Maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay ni Reina sa likod ko at malakas akong itinulak.

Sinadya kong i-landing ang kamay ko sa pagitan ng dalawang men in black. Pero syempre hindi ako lumanding sa mga bangkay. Ano ako tanga? Yucks to the nth power!

Thorn Blood Academy(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon