CHAPTER 18: Ares and Demeter

2 0 0
                                    


(Third Person's P.O.V.)

Halata ang pagkasabik sa mukha ng mga estudyante sa maaaring gawin ni Venus. Samantalang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ni Calliel at tila hindi alam ang dapat nyang gawin.

Ang ibang myembro naman ng dalawang guild na nakakakilala kay Sienna ay di mapakali at halatang kabado sa mangyayari.

Itinaas ni Venus ang dagger at isasaksak na ito kay Sienna ng biglang mapasinghap ang lahat sa sumunod na nangyari.

------------------————————

(Carrelliel Maiden Vanlly's P.O.V.)

Ipinikit ko ang mata ko dahil ayokong makita si Sienna na patayin ni Venus.

*gasp*

Unti-unti kong idinilat ang mata ko at tintingnan ang nangyayari sa stage.

Nagulat ako sa nakikita ko. Nagulat dahil parang pamilyar sya at natuwa. Natuwa dahil maliligtas si Sienna.

Isa kasing babae ang sumalag sa dagger ni Venus at sinipa nya ito sa mukha.

Sa kanya rin naka-focus ang camera kaya sya ang makikita sa monitor.

Mayroon itong takip na berdeng panyo sa mukha na ginawang half mask na kita lamang ay mata. Nakatali rin ang buhok nito ng isang berdeng laso.

"If you're just starting, then I'll end it now."

Ang boses at ang aura. Parang kilala ko sya.

"A hero wannabe huh?" Sabi ni Venus na bumangon sa pagkakatilapon at pinagpagan ang suot.

"Just saving my friend." Sagot naman ng babae.

"Oh wait.. I know that style. So you're---"

"Erza Quaira Throsaville, Rank 13, Demeter of Greekscocia Guild." Pagpuputol ng babae sa sasabihin ni Venus.

Sabi ko na nga ba! Sya si Quaira!

"Ares! Bring Sienna to the infirmary. Now!"

At mula sa dilim ay lumabas ang isang lalaki na may takip din na panyo ang mukha katulad ni Quaira ngunit kulay dark orange ito.

Oh gahd! Don't tell me sya s---

"I'm Yier Kiroh Sneighn, Rank 09, Ares of Greekscocia Guild."

Lumapit sya kay Sienna at binuhat ito.

"Put her down! Hindi pa kami tapos!" Nangangalaiting sabi ni Venus.

"Try to come close, I won't hesitate to cut your head off your neck!" Matapang na sabi ni Quaira.

Tumakbo ako pababa ng stage at lumapit kay Yier.

"Q-quaira, kaya mo ba si Venus?" Tanong ko sa kanya.

Kasi di ba, mas mataas ang rank ni Venus kesa kay Quaira kung ikukumpara natin ang dalawang guild.

"Ako nang bahala rito. Dalhin nyo na si Sienna sa infirmary! Kanina pa yan walang malay! Bilis na!"

At sa sinabing yun ni Quaira ay agad kaming tumakbo ni Yier palabas ng Arena.

Sienna kumapit ka lang.

Thorn Blood Academy(On Going)Where stories live. Discover now