CHAPTER 6: Meeting Three of the Members

7 0 0
                                    


(Sienna Autumn Zynix's P.O.V.)

Nandito ako ngayon sa may cafeteria. Dito ako pumwesto sa bandang dulo katabi ng glass wall para na rin maaliw sarili ko. Base kasi sa naobserbahan ko, ako lang ang loner dito.

Ang iba wagas kung makatawa kasi nagbibiruan sila ng mga kaibigan nila at ang iba naman ay parang inaalam ang chemical composition ng bigas kasi kung makatitig at makakilatis dito, wagas. Haaaay 'di ba nila alam ang estado nitong eskwelahang pinasok nila? Haaaays talaga. Nakaka-inggit sila kasi 'di sa kanila alintana 'yun.

Binilisan ko na ang pagkain ko since konti na lang naman at matatapos ko na rin ito.

Ngunit ang kaninang naghihiyawang estudyante ay bigla na lang natahimik.

Tiningnan ko ang paligid at nakita kong nakatuon ang atensyon nila sa pintuan nitong cafeteria.

Bahagya akong tumayo para tingnan ang dumating. Harang kasi ng mga ulo ng mga estudyante kaya hindi masyadong kita dito sa pwesto ko ang papasok dito sa cafeteria.

Pero mas nagulat ako ng makita ko na ang pumasok ay isang...

Bata???

Isang bata na nakapony-tail. Lakad-takbo ang ginagawa nya habang ang daliri ng kanang kamay nya ay pinapaikot-ikot sa medyo blonde at curly hair nya. Naghu-humm din sya na ngayo'y nage-echo na sa buong cafeteria dahil na rin sa biglaang pagkatahimik ng mga estudyante. Dumiretso sya sa counter habang nakasunod pa rin ang mga mata ng estudyante sa kanya.

Itinuon ko muli ang atensyon ko pagkain ko ng bigla na lang may nagsalita..

"Oh my Gahd! Are you an Angel?"

Bahagyang umangat ang mukha ko para uminom ng tubig at magmasid na rin sa paligid. Hirap na baka magmukha akong assuming ta's hindi naman pala ako ang sinabihan.

"OMG! You're an Angel!" Sabi ng nagsalita at mas lumapit pa sakin.

Kung sino sya? Sya yung bata kanina na kapapasok lang sa cafeteria. And guess what? All eyes are on me and on this girl. I hate it! I hate attention.

"Is this seat vacant?" Sabi nya habang nakaturo sa upuan sa harap ko. Pangdalawa kasi itong table ko.

"I'm sorry but, this seat is already reserved. May date kasi kami ni Doraemon ngayon ehh kaya para 'yan sa kanya." Medyo may pagka-sarcastic kong tugon sa kanya. Obvious naman kasi na walang nakaupo ta's magtatanong pa. At baliw na lang siguro ang maniniwala na totoo ang sinasabi ko.

Magiging isip-bata na naman ata ako neto.

*Isip-bata Mode, Activated!*

"Whoa! Really? Are you watching Doraemon too?" May pagka-manghang sabi nya habang kumukuti-kutitap pa ang mata. Umupo na rin sya sa bakanteng upuan sa harap ko.

Tumango naman ako bilang tugon na rin sa tanong nya.

"Me too! But I'm really after Anime." Sabi nya habang ipinatong ang siko sa table at nakapangalum-baba na nakatingin sakin.

Halata nga. Ngayong nakita ko na ang kabuuan nya, masasabi kong para ngang isa syang karakter sa Anime movies.

"This is your order, Lady Hestia." Sabi ng waitress at inilapag ang order na pagkain ni Miss Anime.

Since parang wala yatang balak magsalita itong kaharap ko, agad naman umalis ang waitress.

"Aaaa-aacckk!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng daing.

"Stop eavesdropping and please stop gazing at us or else that precious yet nonsense eyes of yours will taste the keenness of my dagger!"

Napalingon din ako sa harap ko. Ang kaninang isip-bata na kaharap ko ay nagyo'y napapalibutan na ng maitim na aura.

Thorn Blood Academy(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon