CHAPTER 4: Payment for Lives

4 0 0
                                    

(Sienna Autumn Zynix's P.O.V.)

Haaayy. Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko dito sa room ko. And thank you kay Kuya Luke (one of the men in black) sa pagbitbit ng maleta ko papunta dito.

Sobrang yaman siguro nitong school kasi one student per room. Kada floor may 4 rooms. 24 floors 'to kaya nasa tuktok ako. Room 96.

Time check- 5:47 pm

Nagugutom na 'ko. Nasa'n nga pala cafeteria dito?

Chineck ko yung map at nakalagay doon na nasa tabi ng Water Building.

Mukhang mapapalakad na naman ako neto. Bali kasi yung Water Building ay nasa katabi ng Wind Building. Eh malaki pa naman ang space ng dalawa.

Haay magpapahinga nalang muna ako. Nakakaantok eh.

Isinet ko ang alarm sa 7:00 pm, at saka ako natulog. Mamaya na 'ko kakain, kaya ko pa naman.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Hailey Shaine Quixler's P.O.V.)

Asan na kaya ang Newbie na 'yun? Wala naman dito sa cafeteria. Or baka naman nasa Spine Mall?

Baka nga.

Naglakad na 'ko palabas ng cafeteria pero di pa ako nakakalayo ay may humarang na sa akin na limang ugok.

"Hi miss beautiful." Sabi nung nasa gitna at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tsaka ngumisi.

Yucks!

"Pwede na rin. Kunin nyo na."

"Yes, boss." Lumapit sa akin ang apat na ugok.

"Sumama ka nalang kung ayaw mong masaktan." Hahawakan na sana ng isang ugok yung kamay ko pero nagsalita ako.

"Don't you dare come near and touch me!"

Tiningnan ko yung apat na ugok na nagtinginan sa isa't isa at sabay-sabay na ngumisi.

Mukhang mapapalaban ako neto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Sienna Autumn Zynix's P.O.V.)

*kring! kring! kring*

Inend ko na yung alarm tsaka tumayo para mag-unat.

Gutom na 'ko.

Nag-ayos muna ako ng sarili para makapunta na rin sa cafeteria.

-------

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Malapit na kunti nalang.

Lakad.

Lakad.

Lak--

*BOOOOOOOOGGGGSSSSSHH!!!*

May bugbugan na naman? Haaayyyss.

Tutal malapit na rin naman ang cafeteria, nagdiretso nalang ako.

*BOOOOOOOOGGGGSSSSSHH!!!*

Asan ba yun?

Ayun! Teka.

Si Hailey yun ahh. Galing nya talaga. Knockout yung apat at may isa pa syang kinakalaban na sa tingin ko ay may aral talaga ng Martial Arts.

"Haileeeeeyyyy!"

Napatingin sya sakin.

Wrong move.

Thorn Blood Academy(On Going)Where stories live. Discover now