CHAPTER 5: The Two Queens of T.B.A.

6 0 0
                                    

(Sienna Autumn Zynix's P.O.V.)

  Kahit pilit akong magpaka-jolly sa harap ni Hailey kagabi ay bigat ng loob pa rin ang mas nangingibabaw sakin.

Napagtanto ko na rin na, walang kasalanan si Papa rito.
Kasi unang-una sa lahat, ako ang nagpumilit na mag-aral dito.

Kung kaya ng ibang estudyante, ako pa kaya di ba? Wala rin namang patutunguhan ang pag-iyak ko kahit isang drum pa ng luha ang ilabas ko.

Ang goal ko ngayon.. Ang makapagtapos nang sa gayon ay makaalis na dito.

Agad kong tinapos ang kinakain kong almusal dito sa cafeteria.

Maaga pa naman kaya konti pa lang ang mga estudyante.

Eto na siguro ang time ko para maglibot at masa-ulado ang kabuuan ng Academy.

Nang makalabas na ako ng cafeteria ay nagtungo agad ako sa school. Since sinabi na ni Nurse Fiara sakin kagabi ang ibang details ng school, siguro mas kailangan kong isaulo ang pasikot-sikot dito para in case of emergency, advantage ko na yun.

Walang tao sa loob.

Inuna kong puntahan ay ang hall. Sobrang laki ng pinto kaya buong lakas ko itong itinulak. Wala namang lock kaya nabuksan ko naman. Siguro iniwan na 'to ng Council na bukas para maexplore ng bawat estudyante. Pero syempre may mga bantay para sa mga gagawa ng kalokohan o kaya naman ay gulo.

Ang lawak. As in. Parang soccer field ang gitna na napapalibutab ng maraming upuan. May stage rin sa unahan na may malaking screen. Maraming upuan sa gilid at may butas sa taas, I mean open na open sya tapos ang bubong ay para lang sa shed ng mga uupo. Hhmm not bad.

Tiningnan ko rin ang structure ng buong school. Ako rin lang naman kasi ang mapapagod kung iisa-isahin ko pa ang bawat room.

Napunta rin ako sa rooftop, garden, comfort room at kung saan-saan pa.

Lumabas na 'ko ng Main School.

Kailangan kong puntahan si Nurse Fiara. May mga itatanong pa ako sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Good morning. Ano nga palang pangalan mo? Hindi ko na natanong kagabi kasi alam mo na, kulang yung oras." Tanong sakin ni Nurse Fiara pagkatapos naming maupo since wala namang estudyante na naligaw dito sa infirmary.

"Sienna po, Nurse Fiara. Sienna Autumn Zynix." Sagot ko sa kanya habang nakatingin kabuuan ng infirmary.

"Zynix? Ganda ng apelyido mo ahh." Nakangiting tugon sa akin ni Nurse Fiara.

Nginitian ko na lamang sya.

"By the way, pasensya ka na nga pala kagabi. Medyo nabigla kita."

"Ayos lang po. Tsaka kung iiyak ako, wala rin lang naman pong patutunguhan di ba? Ako ang may kasalanan kung bakit ako nandito kaya papanindigan ko to hanggang sa magtapos ako." Sagot ko kay Nurse Fiara habang nakatingin sa kanya.

"Mabuti naman kung ganyan." Buong ngiting sabi niya sakin.

"Pero, bakit ka nga pala pumunta dito? May pakay ka ba? O gusto pang itanong? Tell me, sasagutin ko." Sunod-sunod na pagkakasabi sakin ni Nurse Fiara.

"Ahh ang totoo po nyan. Gusto ko pa po malaman ang ibang detalye tungkol dito sa school."

"Ah oo. May nakalimutan pa akong sabihin sayo. Ang school ay may iba't ibang Clans, mga grupo ng students. Kung ano-ano ang nangunguna, it's for you to find out." Nakangiting sabi ni Nurse Fiara.
Bakit parang masaya si Nurse Fiara habang sinasabi nya iyon?

Thorn Blood Academy(On Going)Where stories live. Discover now