Ngunit ngyon Naniniwala na ko ng buong puso na nangyayari na ang mga bagay na kinatatakot ko .

Nasa panganib na ang Belmoor . At ako na lang ang makakaligtas dito .

Pagkarating ko sa bukanad ng Belmoor ay sumalubong sakin ang itim na usok na galing sa mga nasusunog na kahoy .

Bigla akong nanlumo sa aking mga nakikita . Huli na ko ba ko ?

Ang daming nakakalat na putol na puno at sirang sirang bahay na pawis ang inalay para mabuo .

Ang dating malinis at nagliliwanag na syudad na kinagisnan ko ay biglang na balot ng kadiliman.

Ang dating tahimik ay ngyon ay napupuno na ng mga hikbi at daing .

Sa halos bawat sulok ko itingin ang aking mga mata ay unti unti akong nanghihina sa mga nakikita kong bangkay .

H-hindi, hindi ito totoo . Hindi ito ang Belmoor na iniwan ko . Maayos pa ito noon......anong nangyari ? .

Saglit lang ako nawala bakit?

Kahit ng hihina na ang aking mga tuhod ay pinilit kong tumakbo sa aming tahanan .

Nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga luha ngunit marahas kong itong pinunasan .

Dapat ay hindi ako mawalan ng pagasa . Buhay pa sina lola at lolo . Pinangako ko sa kanila na babalik ako.

Pakiusap Bathala , nagmamakaawa ako . Wag ang natitirang pamilya ko . Pak-

Hindi ko na naituloy pa ang pagdadasal ng bigla na kong napaluhod sa aking nakita .


Ang tahanan kung saan ako lumaki . Ang tahanan na aking minamahal .

Tinutupok ito ng malaking apoy . Tinitupok ito . At wala man lang ako nagawa .

'L-Lola at lolo !' Tawag ko .

Pinilit kong tumayo at lumapit sa amin bahay . Pinilit ko patayin ang apoy gamit ang tubig sa amin balon .

Hanggang wala ng matira sa amin tahanan kung di abo .

Kahit nainit at masakit sa balat ay pumasok ako sa amin tahanan na halos maabo na .

Hinanap ko ang katawan ng lolo at lola ko .

Ngunit bigo akong makita ito. Gusto kong sumigaw . Gusto kong magwala .

Bakit ? Bakit pa ang natitirang pamilya ko kinuha nyo ? B-bakit ?

Pinilit kong sagarin ang aking lakas para sumigaw ngunit walang boses ang lumabas saking bibig .

'Anong gagawin natin dito sa matanda ?'

May narinig akong boses . Baka alam nila kung nasaan sina lola at lolo .

Agad agad akong tumungo sa kinaroroonan ng boses . Na nasa magubat na parte ng Belmoor .

Ngunit pagkarating ko roon ay bigla akong nabato .

'L-lola ' bigkas ko .

'Magsabi ka na ng totoo tanda, nasan ang bata?' Tanong ng isang lalaki na may taklob ang ulo ng telang itim .

May limang nakasuot ng balabal ang nakapaligid kay lola at dalawang nakasuot ng kasuotan ng isang kawal .

'S-sabing wala a-ako alam !' NghIhinang sagot ng lola ko .


(Enigma Trilogy) Linford AcademyWhere stories live. Discover now