Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Just now. Naliligo ako kaya hindi ko nasagot, Ngaun. Bakit ka tumawag, Joey?” tanung nya sakin. Napalunok ako. Miss na Miss ko na sya. Miss na Miss ko na ang boses nya, Ung mukha nya, Ung amoy nya, Lahat-lahat na. Gusto ko na syang makita.

“H-hm. Anu, Napindot ko lang un.” Utas ko.

“Stop lying Joey, Why did you call? You miss me?” tanung nya nagpalakas nang tibok ng puso ko

“H-hindi!”

“Kung ganun, ibaba mo na ang tawag.”

“H-huh?”

“Kung napindot mo lang pala kanina ung tawag, Bakit hindi mo pa ibaba to?” tanung nya. Napalunok ako.

“Anu. Kasi, Nasa P-pilipinas ako ngaun. Tinatawagan ko si Brian pero hindi ko makontak ang number nya, Wala akong matuluyan kay-“

“Bakit si Brian ang tinawagan mo?”

Nagkamot ako nang ulo.

“Ah.. A-an—“

“Hintayin mo ako dyan.” Aniya pagkatapos ay agad na binaba ang tawag. Suminghap ako pagkatapos ay tumingin sa cellphone ko.

Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay pinikit ang mga mata ko. This is so lonely, Wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang mga balik-bayan na tulad ko na kasama nang mga mahal nila sa buhay, Pagmasdan lang sila hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko.

So lonely..

“Joey look, bagay to sayo oh,isukat mo na bilis!” Utas ni Ate pagkatapos ay ibinigay sa akin ang isang kulay pink na dress na sa tingin ko ay pinaglumaan na nya. Pilit nya iyong ipinapatong sa katawan ko pero tinapik ko ang kamay nya.

 

“Ayoko nyan! Napaglumaan mo na kaya sa akin mo ibibigay?”?” sigaw ko sa kanya pagkatapos ay nagsimulang maglakad.  

Hinabol nya ko tapos hinawakan ung braso ko.. pero tinabig ko un..

 

“anu ba! Don’t you ever touch me!”

“joey! Wag ka naming ganyan. Im your ate.”

 

“wala akong ate! Bitawan mo ako! Inagaw mo lahat ng akin.. lahat-lahat inagaw mo.. wala ka ng tinira sakin, ikaw nalang palagi. Tapos ang kapal ng mukha mong bigyan ako ng mapaglumaan mo nang damit? Tss. Kaya kong bumili nyan! Hintayin mong maging model din ako! Tatalunin kita! Mas magiging maganda ako sayo!” halos maputol ang litid ko sa pagsigaw sa kanya.

Umiling-iling sya sa harapan ko.

 

“joey hindi totoo yan. Mahal kita, Hindi naman ako nakikipagkompetensya sayo” Aniya. Nakita kong pumungay ang mga mata nya. Kinaiinisan ko iyon, Dahil sa aming dalawa sya ang biniyayaan nang magandang mga mata. Lahat nalang sya!

 

“Liar!”  I said tapos tumakbo ako palabas ng bahay..

 

Lago nlang si ate.. lagi nalang sya.. Kelan naman magiging ako?

 

Si ate maganda. Matalino. Mabait. Masunuring anak..

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now