Chapter Twenty Five

10.9K 262 59
                                    

Please ignore the mistake.


***


"Saan mo nakilala si Gabriel?" Ethan asked without looking at her. Hawak ang bote ng alak sa isang kamay at ang isa naman ay sa baso na panay ang salin pagkatapos nitong maubos ang laman.

Dinala siya nito sa mini bar sa loob ng villa matapos makaalis ni Gabriel at kumuha ng isa bote mula sa nakahilirang mamahaling alak na ngayon nga ay kasalukuyan na nitong iniinom, while she stood there with uneasiness and kept a safe distance between them habang pinapanood ito sa paginom. Mukha itong kalmado but she could see the stiffness of his body, kung hindi mo ito kilala ay aakalain mo na normal lang iyon at isang simpleng tanong lang ang sinabi nito but Isabella knew him better. 



Mahigit isang buwan na silang magkasama at sa mga panahong iyon ay ilang beses na niyang nakita ang ganitong anyo ni Ethan. Kalmado ang panlabas na anyo pero sa kabila ng pagiging kalmado ay nandoon ang natatagong galit at bigla na lamang sasabog na parang bulkan o di kaya naman ay bubuhos na parang bagyo. At alam niya na galit pa rin ito, katunayan ay ang sunod sunod na paglagok nito ng alak.


"Sa__ school, isa siya sa mga professor ko," She answered quietly. Hindi alam ang tamang sasabihin para kahit paano ay mabawasan ang galit ni Ethan.


"So, matagal na pala kayong magkakilala? Kaya ba ganoon na lang kung yakapin ka niya?" Isabella could feel than heard the anger in his voice. "Nagkaroon ba kayo ng relasyon?" He continued. Humigpit ang hawak nito sa baso bago itinaas sa bibig, inubos ang laman at ibinagsak sa counter. Mabuti na lang at matibay ito dahil kung hindi ay baka durog durog ito sa lakas ng impact ng pagkakabagsak nito na bahagyang ikinagulat ni Isabella.


"Sagutin mo ang tanong ko, Isabella." Ethan said impatiently, commandingly.


"No. Si Gabriel__ isa lang siyang kakilala."


"Kakilala," Ethan mocked, one eyebrow raised cynically. He looked at her for the first time and their eyes met, and Isabella shivered at the coldness of his stare. Hiling niya ay hindi ito nakatingin sa kanya. Nasasaktan siya kapag tinititigan siya ni Ethan ng ganoon.


Where is the sweet and caring Ethan awhile ago. The one who held her in his arms lovingly. The one who looked at her with such tenderness and admiration in his eyes as if she was the only woman in the world. And what did he just called her?


Isabella?


So she was Isabella now. Not Belle o sweetheart. Isabella felt the tigthening of his chest. Sa isang iglap ay nasira ang maganda at masayang gabi nila ni Ethan dahil sa kagagahan niya.


"Ganoon ka ba ka-intimate sa lahat ng kakilala mo?" He sneered maliciously.


"Walang ibig sabihin ang yakap na iyon." Ang sagot ni Isabella habang malungkot na nakatitig kay Ethan. Ilang hakbang lang ang layo niya dito pero pakiramdam niya ay umatras ito ng sampung hakbang sa ipinakikita nitong kalamigan.


"Wala?" Ethan laughed sarcastically. The sounds of his laughter vibrated all over the place, echoing in the four corners of the room. Masarap sanang pakinggan kung hindi lamang sa sarcasm at bitterness na maririnig mo sa boses nito.  Then the laughter faded, the smile vanished from his lips. Meeting her gaze he said...


"You flinched the first time I tried to hold you. You almost hysterical the first time I held your hand, tapos sasabihin mo sa akin ngayon na walang ibig sabihin ang yakap na iyon!" Ethan was not shouting, he still look calm but his tone hardened may diin ang lahat ng binibitawang salita. May pagdududa. Nagaakusa... na para bang nakita nito si Gabriel at siya na may ginagawa na higit pa sa yakap. And before she could depend herself, Ethan spoke again, "At napaniwala mo ako." A muscle ticked on his jaw as his eyes narrowed down at her. His chest moved up and down heavily na parang bang nahihirapan itong huminga.


The Baby Makerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें